Nakasakay na kami sa kotse. Sobrang tahimik lang namin. Tumingin nalang ako labas ng salamin.
"Hindi mo naman na ako kailangan ihatid Steven" nahihiya kong sabi.
"I'm the one who brought you in my home, so ako din dapat ang maghatid sayo pauwi" mahinahon niyang sagot.
Tumahimik ulit.
Tumingin ako sa labas, traffic pala. Sana hindi magalit si Kuya Wind sa akin pag uwi.
Nagulat ako dahil biglang naring ulit ang phone ko.
Wind na laging galit is calling...
Agad ko naman yong sinagot.
"B-bakit?" kinakabahan kong tanong.
Nilingon ko naman tong katabi ko na nakatingin din pala sa akin.
Traffic kasi kaya hindi umuusad ang sasakyan.
"Where are you?" mahinahon ng tanong ni Kuya.
"Pauwi na" sagot ko.
Tapos biglang pinatay. Bastos amp!
"Kaano-ano mo si Wind?" tanong ni Steven pero sa harap ang tingin.
"Bakit niyo ba tinatanong?" curious kong tanong.
"Wala. Baka mamaya ay bigla nalang may sumapak sa akin dahil kasama ko ang girlfriend niya" inis niyang sagot.
Bakit siya naiinis?
"Nakakatawa naman kayo HAHAHA lahat pala kayo, akala ay girlfriend ako ni Kuya Wind" natatawa kong sabi.
"K-kuya mo siya?" nauutal niyang tanong.
Oh tignan mo to, mukhang hindi pa naniniwala.
"Yes! Kaya huwag niyo ko iship sakanya HAHAHA akala ng iba boyfriend ko siya, eh hindi ba nila pansin na magkahawig kami? Ay oo nga! Mukha siyang mayaman at ako mukhang pulubi HAHAHA" natatawa ngunit ramdam ko ang kirot sa dibdib ko nang sinabi ko yon.
"Hindi ka naman panget, hindi kalang marunong mag-ayos pero maganda kana kahit hindi ka mag-ayos" dire-diretso niyang saad.
Agad nanlaki ang mata ko at agad napalingon sakanya. Umusad na ang sasakyan kaya hindi na siya nakatingin sa akin.
"M-maganda ako?!" gulat kong tanong.
Ang isang Steven ay sinabihan akong maganda?
"Stupid" bulong niya.
Hmmp!! Ang bait talaga nitong kupal na to. Sarap suntukin!
Tumigil na kami sa harap ng gate. Bumaba na agad ako dahil alam kong magagalit si Kuya Wind kapag nakita niya akong hinatid ng ulit ng lalaki.
Pagkababa ko nagpaalam at nag thank you na ulit ako. Tumango lang si Steven at umalis na.
Pagpasok ko na pinto, nakaupo siya sa sofa at mukhang inaabangan ako. Patay talaga!
"Anong nangyari sayo?" pasigaw niya tanong.
Alam naba niya? Lagot! Pero kailangan kong ideny!
"Saan Kuya?" tanong ko ng mahinahon para hindi niyang mahalatang kinakabahan ako.
"Huwag mo akong niloloko Summer! Tignan mo yang mukha at mga braso mo! Puro kalmot at amoy kape kapa! Bakit iba na ang suot mo!? Anong nangyari? Hindi ba't sinabi ko sayo na huwag kana ulit makikipag usap sa Kurt na yon?!" tuloy tuloy niyang sabi, galit na galit.
![](https://img.wattpad.com/cover/231499698-288-k820806.jpg)
BINABASA MO ANG
KAPAG NAGLARO ANG TADHANA
Подростковая литератураHindi porket gusto niyo ang isa't-isa ay maaari nang maging kayo. Ako si Summer Autumn Scott, nagmahal ng lalaking kinamumuhian ko dahil sa kanyang mala-basurang ugali ngunit ng makilala ko ang totoo siya ay hindi ko inaasahang mamahalin ko siya. Ng...