Pababa na ako sa gate ng school. Hindi ko nakausap si Kuya Wind kagabi, naghintay ako pero hindi pa rin siya umuwi kahit mag aalas dose na kaya natulog nalang ako. May ibang araw pa naman para masabi ko sakanya.
"Manong ito po bayad ko" abot ko ng bayad ko sakanya.
Pagpasok ko campus at nagvibrate ang cellphone ko kaya gumilid muna ako at tinignan iyon.
Steven sent you a message.
Napangiti ako dahil hindi niya talaga ako nakakalimutan ichat. Binuksan ko kaagad iyon at binasa.
CONVERSATION
Steven: Nandito ako sa garden, dito ka dumiretso.
Me: Okiedokie
Itinago ko na muna ang cellphone ko at naglakad na papuntang garden. Nakapaskil na pala sa bawat kanto ng school yung mga tarpulin namin para sa Ms. And Mr. Malaya. Sa totoo lang hindi naman ako nag eexpect na mananalo ako, gusto ko lang ng experience.
Pagdating ko sa garden at luminga linga pa ako dahil hindi ko siya makita.
Pero agad napako ang paningin ko sa isang lalaki na alam kong si Steven pero sino yung kausap niyang babae? Hindi ko makita dahil nakaharang si Steven.
Lalapit na sana ako nang yakapin nung babae si Steven. Nakita kong itinutulak ni Steven yung babae kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko, pero sino yon? Hindi ko kasi makilala.
Napagdesisyunan kong lumapit dahil gusto ko ding makita kung sino yung babae.
Malapit na ako sakanila nang hatakin ng babae palapit si Steven sakanya at halikan ito.Nanghina ako bigla. Pakiramdam ko ay matutumba ako ano mang oras. Hinihintay kong itulak ni Steven yung babae pero hindi niya ginawa.
Kusang tumulo ang mga luha ko at tumakbo paalis. Akala ko ba mahal niya ako? Hindi pa kami nagtatagal pero niloloko na niya ako.
Umakyat na ako room. Pagdating ko doon ay nandon na pala si Kurt. Himala wala pa sila Kim.
"Hi, Summer!" bati niya.
"Hello!" ginawa kong masigla ang boses ko.
"Bakit maaga ka?" tanong ko.
"Nagpahatid kasi si Mommy" sagot niya.
"Okay kalang ba?" tanong niya.
"H-huh?" nagtataka kong sagot
"Masaya ka ngang bumati sa akin pero malungkot ang mga mata mo. Nag-away ba kayo ni Steven?" tanong niya.
"Hindi ah, kulang lang siguro ako sa tulog hehe" nakangiti kong banggit.
Kailangan kong magpanggap. Tulad ng ginagawa ko kay Kuya Wind, hihintayin ko si Steven na magsabi sa akin. Tanga na kung tanga.
"Ahh okay, sige idlip muna ako ah?" paalam niya.
Natawa naman ako, siya ata ang kulang ang tulog.
"Okie, idlip well" natatawa kong sagot.
Kahit wala ako sa mood ay bumaba muna ako, gusto kong maglakad lakad.
Ichachat ko muna sila Hannah, hindi ko pala sila nakachat kagabi.
CONVERSATION
Me: Saan kayo? Tara canteen, libre ko!
Hannah: Bet ko yan! Kaso nandito ako sa library kasama ang group mates ko, gagawa kami research.
Kristtine: Sorry guys! Andito ako sa science club eh, may meeting daw kami. Kita nalang tayo later sa vacant time ah? Labyu all!!
![](https://img.wattpad.com/cover/231499698-288-k820806.jpg)
BINABASA MO ANG
KAPAG NAGLARO ANG TADHANA
Fiksi RemajaHindi porket gusto niyo ang isa't-isa ay maaari nang maging kayo. Ako si Summer Autumn Scott, nagmahal ng lalaking kinamumuhian ko dahil sa kanyang mala-basurang ugali ngunit ng makilala ko ang totoo siya ay hindi ko inaasahang mamahalin ko siya. Ng...