Maaga akong nagising at naghanda para pumasok. Pinagdasal ko na rin na maging maayos ang araw ko ngayon.
Bumaba na ako at as usual, suot ko na naman uniform kong pang madre HAHAHA dejoke. Hindi lang talaga ako sanay sa mga maiiksing uniform unlike kila Hannah at Kristtine na ang ganda nila tignan sa uniform nila.
Pagpunta ko sa kusina nandon na si Kuya Wind, nagkakape habang nag cecellphone.
"Sumabay ka sa akin ngayon, Summer" malamig na sabi niya sa akin.
Himala ah? Bait ni Lord sa akin ngayon.
"Talaga? Anong nakain mo at naisipan mo akong isabay? Binangungot ka no?" nang aasar kong sabi.
"It's not what you think. Pinilit lang ako ni Mama" sabi niya sabay tayo at umalis.
"Bilisan mo jan, pupunta na akong kotse at ayokong maghintay" habol niya.
Eggzoited ang kuya niyo. Kumuha nalang ako ng tinapay at ininom ng mabilis yung gatas ko. Oh bakit? Bawal ba mag gatas pag matanda na?
Hindi ako galit, nagpapaliwanag lang.
"Salamat, Kuya! Bye!" sabi ko bago lumabas.
Pagbaba ko, napansin ko na nakatingin sa akin yung mga tao. Yung tingin na akala mo may ginawa akong masama. Porket ba panget bawal na sumakay ng kotse? Mga pashnea to.
"Siguro bagong nilalandi yon ni Wind" sabi nung babaeng akala mo coloring book yung mukha.
"Duh! Mukha ba yang papatulan ni Wind? Sa gwapo nun, papatol lang sa cheap na yan?" parang nasusukang sagot niya don sa kasama niya.
Hindi ata nila alam na magkapatid kami at wala akong balak sabihin. Ayokong mapahiya si Kuya Wind. Bahala nalang sila kung ano gusto nilang isipin.
Naglakad na ako papasok sa building namin at hindi na pinansin yung mga taong nagbubulungan. Inggit lang ata sila.
Pagpasok ko sa room, wala pa si Mr. Baltazar at himala nandito na din yung lalaking masama ugali at yung dalawang kambal.
Shit! Oo nga pala yung kahapon, muntik ko ng makalimutan, si Kurt!
Umupo na ako at patagong tinignan yung kambal. Ngayon ko lang napansin na medyo bagsak yung buhok nitong si Kyle at si Kurt naman ay naka gel yung buhok, ang gwapo. Napansin niya atang nakatingin ako kaya nanlaki ang mata niya. Hindi niya pa ata alam na magkaklase kami.
"Hi Summer!" sigaw niya at kumaway pa.
Napalingon din tuloy yung kambal at yung epal na isa.
"H-hello" nahihiya kong sabi at kinuha nalang yung notebook ko.
Nagbasa nalang ako ng lesson kay Mr. Baltazar. Balita ko kasi ay strict daw to at lagi nagpaparecitation.
"Steven, palit tayo upuan" narinig kong sabi ni Kurt kay lalaking masama ugali.
"No" malamya niyang sabi at nakatutok pa din sa cellphone ang mata.
Mukhang naglalaro, ml ba yon?
"Dali na, I want to talk to Summer pre" pilit niya pa ring sabi.
"I said no, kung gusto mo lumipat ka sa kabilang tabi niya" malamya niya paring sagot.
"Fine" sukong sabi ni Kurt.
Hindi na ako nagulat ng may kumalabit sa akin sa kaliwa ko.
"Hi ulit Summer!" nakangiti niyang sabi.
"H-hello din" nauutal kong sabi.
Sino ba namang hindi mauutal. Lahat ata ng kaklase ko ay nakatingin dito sa amin.
"Nakatulog kaba ng maayos? Thank you for accepting my request. I hope na we can be friends?" nakangiting tanong niya.
"Uhhhmm.. Bakit mo naman ako gusto maging f-frie---" naputol kong sabi.
"Okay class, go back to your sits" sabi ni Mr. Baltazar.
Nagpaalam na din si Kurt na babalik na siya sa upuan niya, tumango nalang ako.
"Okay class! I want you to form a 4 members in a group. Gagawa kayo ng research paper. Kapag nakabuo na kayo ng group niyo, you can proceed to brainstorm the topic you want" sambit niya.
Patay. Kung nandito lang sana sina Hannah at Kristtine ay sila ang kasama ko sa groupings kaso nag iba iba kami ng course kaya ako ito ngayon nganga!
Wala pa akong close dito sa room. Mukha bang may kakausapan sa akin dito?
Di bale na, puwede naman ako magsolo.
"Okay class, meron naba lahat kagroup? Pass here the list of your members, so i can see kung sino ang wala pa" sabi niya.
" Scott?" rinig kong tawag niya sa akin.
"Yes po?" nahihiya kong sagot.
"Wala kapang kagru--" naputol ang sasabihin niya ng sumagot si Kurt.
"Sa amin nalang siya Sir, kulang kami isa" nakangiti niyang sabi.
Agad umalma ang mga kaklase ko, lalo na ang mga babae.
"Ano ba yan Kurt wala kabang taste?" tanong ni Kim.
"Oo nga, puwede bang ako nalang?" dagdag pa ng kaibigan niyang si Aubrey.
Arte naman nila. Discrimination yang ginagawa nila. Dejoke HAHAHA wala akong pake.
"I have a taste, sainyo lang wala" natatawang sabi ni Kurt.
Nagtawanan ang iba naming kaklase dahil sa sinabi ni Kurt. Inirapan naman ako nina Kim at Aubrey.
Pero wala akong pake. Dukutin ko pa mata nila eh.
"Okay enough! Ms. Scott, kagroup mo sila Mr. Buenavista at Mr. Carter" nakangiti niyang sabi.
Lumingon ako sa katabi kong asungot at nakatingin din pala siya sa akin. Inirapan ko nalang. Tingin tingin mo jan?
Nagdiscuss pa si Mr. Baltazar about sa research paper. Medyo masakit sa ulo pero kaya naman.
"Okay class, dismiss" sabi niya bago lumabas ng room.
Tumayo na din ako at inayos ang mga gamit ko. Pupuntahan ko pa sila Hannah at Kristtine.
Palabas na ako ng room ng sumigaw ni Kurt.
"Sa bahay tayo nila Steve later! Sumabay kana sa amin mamayang uwian" pasigaw niyang sabi.
Tumango nalang ako at hindi na sumagot. Nakatingin na naman kasi ng masama sila Kim at yung mga asungot niya.
Pakialam ko sainyo.
To be continued.
![](https://img.wattpad.com/cover/231499698-288-k820806.jpg)
BINABASA MO ANG
KAPAG NAGLARO ANG TADHANA
Novela JuvenilHindi porket gusto niyo ang isa't-isa ay maaari nang maging kayo. Ako si Summer Autumn Scott, nagmahal ng lalaking kinamumuhian ko dahil sa kanyang mala-basurang ugali ngunit ng makilala ko ang totoo siya ay hindi ko inaasahang mamahalin ko siya. Ng...