"Kamusta naman buhay jan sa America, Summer?" nakangiting tanong ni Hannah.
"Okay naman HAHAHAHA" natatawa kong sagot.
"Balita ko may work kana jan ah? Kailan mo naman balak umuwi dito sa pinas? 6 years na simula nung umalis ka" seryoso niyang tanong.
"Hindi ko pa alam kay Kuya Wind. Kayo lagi magkasama hindi ba? Balita ko nga engage kayo" pang-aasar ko.
Kahit sa laptop lang kami nag-uusap ay kita ko ang pamumula ng mukha niya.
"Luh, kinilig ang gaga" natatawa kong sabi. "Kamusta na pala si Kristtine?" dagdag ko.
"Ayon, busy. Alam mo naman na sakanya ipinama yung company ng daddy niya" sagot niya.
"Kaya pala hindi siya sumasagot sa call ko kagabi" malungkot kong saad.
"Don't be sad. Sasabihin ko kay Wind na pauwiin kana dito" nakangiti niyang banggit.
Nagchikahan muna saglit at sinabi ko sakanyang may gagawin pa ako kaya bukas nalang ulit kapag may time siya.
Hays.
Grabe! 6 years na rin pala ang nilalagi ko dito sa America. Masaya naman dahil kahit papaano ay may mga naging kaibigan ako nung nag-aaral palang ako. Medyo ba homesick din ako dahil ako lang dito mag-isa.
At sa hindi inaasahang pangyayari ay kinuha na ni Lord si Mama. Hindi ko man lang nayakap at nakausap.
Pagkatapos kong makarecover galing sa aksidente ay napagpasyahan ni Kuya Wind na ipadala ako dito sa America. Hindi ko rin alam kung bakit, sabi niya lang ay mas magiging maayos at maganda ang buhay ko dito.
Lumipas ang linggo at buwan ay naging maayos naman ang buhay ko dito. Isa akong manager sa isang kompanya dito sa America kaya kahit papaano ay may sarili akong pera.
Maglilinis sana ako nang kusina ng marinig kong nagriring ang phone ko.
Wind na laging galit is calling...
Nang makita kong si Kuya Wind yon ay agad kong sinagot.
"Kuya!" masigla kong bati.
"Sorry ngayon lang ulit ako nakatawag, kamusta kana?" tanong niya.
"I'm good, Kuya! Kayo jan?" tanong ko.
"We're good. I want you to know na uuwi kana dito" balita niya sa akin.
"Talaga!? When?" agap kong tanong.
"Ready your things. Bukas ng hapon ang flight mo" mabilis niyang sabi.
Malapit na kasi silang ikasal ni Hannah. Hannah told me na kinausap niya si Kuya Wind na bago sila ikasal ay gusto niyang nasa pinas na ako.
"Okay, bye!" paalam ko.
Binilisan kong maglinis ng kusina at pagkatapos ay inayos ko na lahat ng gamit ko. Excited na ako umuwi, I don't know why.
BINABASA MO ANG
KAPAG NAGLARO ANG TADHANA
Teen FictionHindi porket gusto niyo ang isa't-isa ay maaari nang maging kayo. Ako si Summer Autumn Scott, nagmahal ng lalaking kinamumuhian ko dahil sa kanyang mala-basurang ugali ngunit ng makilala ko ang totoo siya ay hindi ko inaasahang mamahalin ko siya. Ng...