CHAPTER 13

17 6 0
                                    

Nakasakay na ako ngayon sa kotse ni Kurt, sakanya ako sumabay. Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni Steven ay agad akong umalis sa kwarto niya at inayang umuwi si Kurt, total tapos na din naman kami.

Hindi ako naniniwala kay Steven, sa totoo lang. Balita ko kasi ay kakahiwalay lang nila ng girlfriend niya. Maybe he's just playing at me. Malabong mangyari at ayoko sakanya. I hate his attitude.

"Ang tahimik mo, Summer. Anong nangyari kanina bakit ang tagal mo magcr at nagmamadali ka pauwi?" curious niyang tanong, nasa daan ang tingin.

"Sumama lang yung pakiramdam ko tsaka tinawagan na din ako ng kapatid ko" nakayuko kong sabi.

"Totoo bang kapatid mo si Wind?" tanong niya.

Huminto yung kotse dahil nakastop yung stoplights.

Humarap ako sakanya at tumango.

"Bakit mo natanong?" tanong ko.

"Hindi ko kasi alam na may kapatid pala si Wind na babae" sagot niya at muling umandar ang sasakyan.

"Close ba kayo nila Kuya Wind?" curious kong tanong.

Feeling ko kasi magkakakilala kami.

"I can't tell you right now, Summer" sagot niya kaya hindi ko nalang ulit tinanong dahil feeling ko ay hindi siya komportableng pag-usapan.

Tumingin nalang ako sa labas ng sasakyan. Hindi ko nalang iisipin yung mga pinagsasabi ni Steven, impossible talaga.

Malapit na kami sa bahay ng maalala ko yung sinabi sa akin ni Kurt kanina. May sasabihin nga pala siya sa akin.

"Hindi ba't may sasabihin ka?" tanong ko sakanya.

Itinigil niya muna yung kotse niya sa tabi para makapag-usap kami ng maayos. Humarap siya sa akin at seryosong tumingin.

"Ipromise mo muna sa akin na kapag sinabi ko to sayo ay hindi mo ako lalayuan" seryoso niyang sambit.

Kahit kinakabahan ay tumango at ngumiti.

"Summer, I like you so much" mabagal at seryoso niyang sabi.

Agad nanlaki ang mga mata ko at nanghina ang buong katawan ko.

"A-ano bang pinagsasabi mo K-kurt? Are you serious? Ayoko ng ganyang mga biro" utal kong sabi sakanya.

Wala akong maramdaman kundi lito at kaba. Kanina lang ay si Steven, ngayon naman siya? Pinaglalaruan ba nila ako?

"I know na hindi ka maniniwala dahil naririnig mong babaero ako pero I swear na totoo tong mga sinasabi ko. I'm not saying na gustuhin mo ako pabalik pero puwede bang layuan mo nalang si Steven?" seryoso niyang sabi at rinig ko ang pagmamakaawa don.

"Hindi ko kayo maintindihan okay? Kanina lang si Steven, ngayon naman ikaw?" naguguluhan kong tanong.

"Umamin din si Steven sayo?" gulat niyang tanong.

"Y-yes" nauutal kong sagot.

"Please don't believe him, Summer. Sa akin ka maniwala" sabi niya.

Lalo akong nalilito. Bakit? Ayoko ng ganito.

"Just give me a time, Kurt. Hindi ko alam kung maniniwala ako sainyo. Stop this shit!" sabi ko at bumaba na ng kotse niya.

Pagpasok ko sa bahay ay wala pa si Kuya Wind, si Mama naman ay nagchat na may meeting daw sila.

Umakyat ako sa kwarto at nagbihis.

KAPAG NAGLARO ANG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon