CHAPTER 3

36 15 0
                                    


Summer dito!!” rinig kong sigaw ni Hannah.

Pasensiya na kayo kung ngayon lang ako. Grabe naman kasi tong araw na to sa akin, pahamak.” Nakabusangot kong sabi sa dalawa kong kaibigan.

Bakit hindi ka naman sinabay ng Kuya mo?” tanong si Kristtine.

Oo eh, alam mo naman yon diba? Kinakahiya akong kasama. Akala mo naman hindi kami parehas ng nananalayatay na dugo sa katawan HAHAHAHA!” natatawa kong sabi.

Nga pala, Hannah Perez and Kristtine Cruz  are my bestfriends since senior high school. Nagkakilala kami noong may laban ng cheerdance sa school naming then sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging magkakaklase kami kaya ayon naging magkakaibigan kami.

Sama talaga ng Kuya mo, palibhasa gwapings eh HAHAHAHAHA!” sabi ni Hannah.

So kamusta naman ang first class mo girl?” dagdag niya.

Hay nako, puro kamalasan. Ewan ko nga bakit sa akin pinaranas ni Lord yon ngayon eh. Kaninang umaga hindi na nga ako sinabay ni Kuya tapos may lalaking muntik ng makasaga---“ naputol yung sasabihin ko dahil hinampas ako nitong si Kristtine.

Aray ko naman! Punyeta k—"

Girlllllll!! Ang gwapo nung 3 lalaking papunta dito” impit niyang sigaw sa amin.

Lumingon din tong si Hannah.

Gosh! Oo nga! Look Summer dali!” dagdag nitong ni Hannah. ”

Lamya-lamya akong lumingon at hindi na ako nagulat ng makita ko yung lalaking ugaling basura at yung dalawang kambal.
Rinig ko din yung mga bulungan ng mga estudyanteng malapit sa amin.

Grabe te, ang gwagwapo pa din nila. Lalo na si Steven. Parang hindi galing break up no?

Oo nga! Balita ko nag-usap yan sila kanina ni Bea. Sana maging sila no? Bagay naman sila eh."

Rinig kong sabi ng dalawang babae na malapit sa table namin.

Saktong pagtingin ko ulit sa tatlong lalaking nakaupo na, saktong nagtama din ang mata naming nung lalaking muntik ng makasagasa sa akin kaninang umaga.

Steven nga pala pangalan nito. Hmmmpp! Maganda nga pangalan, pangit naman ng ugali. Wala din.

Hindi ko ulit sila nilingon at nakipag-usap nalang ulit sa mga kaibigan ko.

Natapos naman ang araw ko ng matiwasay. Ang dami nga lang requirements at pinabibili.

Buti nalang din at hindi ko na ulit nakita yung lalaking yon. Nakakapangit ng mood eh.

Pag-uwi ko sa bahay, hinanap ko agad si Mama.

Ma! Nakauwi na po ako! Andito naba si Kuya?" sigaw ko pagkaupo ko sa sofa.

Lumabas si Mama galing kusina. May hawak pang sandok, mukhang nagluluto ata.

"Wala pa ang Kuya mo Summer. Akala ko ay sabay kayo dahil parehas kayo ng oras ng uwi hindi ba?" tanong niya sa akin, nagmano na din ako nung lumapit siya sa akin.

"Hindi po kami nagsabay eh. Hindi nga rin kami nagkita sa school non. Hindi niya rin ako sinabay kaninang umaga." naiinis kong sabi.

"Hay nako ang Kuya mo talaga, parang laging may sariling mundo. O siya, magbihis kana at tatapusin ko lang ang niluluto ko. Bumaba ka agad ng makakain ka." sabi niya sa akin at pumunta ng kusina.

KAPAG NAGLARO ANG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon