CHAPTER 1

56 16 0
                                    

Hoy Summer! Gising na aba! Unang araw mo sa klase mo ngayon!” sigaw ni mama.

Ma five minutes pa po!” sigaw ko din sabay talukbong ng kumot.

Anong five minutes five minutes?! Kapag hindi kapa tumayo jan bubuhusan kita malamig na tubig Summer!” narinig kong sigaw ni Kuya Wind.

Pagkarinig ko nun napa auto tayo agad ako at dumiretso sa banyo. Grabe talaga yang kuya ko napakabossy! Hmp! Pagkababa ko kumakain na si kuya. Grabe ulit hindi man lang ako inantay.

Kuya anong oras klase mo?” tanong ko habang nagsasandok ng kanin.

Alas-osto” maikli niyang sagot.

Parehas pala tayo, puwede sumabay?" tanong ko.

Ayaw.” Malamya niyang sagot.

Sige na! parehas naman tayo ng oras ng pasok eh.” Sabi ko ng nakasimangot.

Tumayo na siya tapos kinuha yung gamit sa sabay alis. Di man lang ako nilingon. Grabe kapatid ko ba talaga yon?

Nga pala ako si Summer Autumn Scott. 18 years old. Unang araw ko ngayon sa school at ang napakagaling kong kuya hindi man lang ako sinabay. Sabagay sino nga ba ang maaatim na kasama ako?

Sabi nila maganda naman daw ako kaso lang hindi marunong mag ayos ng sarili. Sayang daw kase matangkad ako tsaka makinis pero hindi marunong mag ayos.

Duh? Wala na naman akong pake sa itsura ko. Sapat na sa akin yung ganito ako. Medyo maluwag na blouse ng uniform tapos hanggang ilalim ng tuhod yung palda ko tsaka flat shoes na itim.

Makaalis na nga baka malate ako.

Ma! Alis na po ako ah? Ala singko po uwian ko.” Sigaw ko kay mama, nasa taas kasi.

Kinuha ko na yung bag ko tapos lumabas na ako. Medyo naglakad pa ako ng konti para mag abang ng masasakyan kong tricycle. Medyo malayo rin kasi yung school ko.

Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng tricycle narinig kong nagring yung phone ko kaya hinanap ko sa bag kaso hindi makita.

Peste naman nasaan kana bang cellphone ka?” kausap ko sa sarili ko habang hinalughog yung bag ko.

Ayown! Nandito kalang pa---”
Beepppppppppppppp!

Ay put-! Hoy letse kang demonyo ka! Muntik mo na akong masagasaan!” sigaw ko habang nakatingin sa kotse sa harap ko, tinuturo turo ko pa.

Biglang bumukas yung bintana nung kotse.

Hoy kupal ka! Muntik mo na akong patayin! Napakakaskasero mo!” sigaw ko.

Stupid.” Malamya niyang sabi.

Ikaw tong hindi nakatingin sa dinaraanan mo. Look at you nasa pedestrian kana at naka go ang traffic lights. Stupid.” dagdag niya.

Lihim akong tumingin kung nasaan ako at tama siya nasa pedestrian na ako tsaka ako tumingin sa traffic lights naka go pa rin.

Nakailang tawag na to ng stupid sa akin ah? “Don’t call me stupid! Malay ko ba? Hinahanap ko kase yung phone k—

I don’t care about your reason. Stupid.” Sabay sara ng bintana niya at humarurot paalis.

Napaka yabang ng bwisit na yun, porket gwapo? Tss! Pake ko? Basta mayabang siya at akala mo kung sino." bulong ko sa sarili ko at tinignan ko yung phone ko. “Shit! Malalate na pala ako!

Buti nalang may humintong tricycle sa harap ko. Sumakay na ako tsaka inayos ang sarili ko.

Pangit ng umaga ko Lord ah.

   

T

o be continued.


KAPAG NAGLARO ANG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon