CHAPTER 4

27 14 0
                                    

"K-kuya Wind?" nauutal kong sabi.

"Sino yon Summer?! At bakit ngayon kalang?!" pagalit niyang sabi.

Pero napaisip ako. Bakit ako matatakot eh wala naman akong masamang ginagawa. Kasalanan din niya dahil hindi niya sinagot ang mga tawag ko sakanya.

"Nakita mo naman Kuya Wind. Hinatid ako dahil maulan. You're not answering your phone, I called you many times pero hindi mo sinasagot. It's raining, wala akong dalang payong kaya I called you para masundo mo ako sa national bookstore" mahaba kong lintanya.

"I'm not asking kung ano ang ginawa mo Summer at walang connect ang sagot mo sa tanong ko. I'm asking kung SINO yung naghatid sayo!?" galit na talaga siya.

"Why are you mad Kuya Wind? Para kang bata. He's just offered me to drive here dahil wala naman akong choice kaya pumayag ako. Walang mali don, Kuya Wind" naiinis kong sabi.

Bakit ba niya binibig deal? Duh? Ano naman kung hinatid ako ng lalaki. Kasalanan niya dahil hindi niya sinagot ang mga calls ko sakanya.

"Aakyat na ako Kuya Wind" sabi ko tsaka siya nilagpasan at umakyat sa taas.

Inayos ko na lahat ng pinamili ko. Mabuti nalang hindi nabasa, naambunan pa naman ako. Nag half-bath na agad ako dahil naambunan ako. Pagkatapos ay bumaba na ako. Nakapantulog na ako para pagtapos kumain ay magbabasa nalang ako.

Pagbaba ko, naghahain na si Mama. Yung kapatid ko naman nasa sala nag cecellphone. Adik talaga.

"Wind kain na!" sigaw ni Mama.

Umupo na ako din ako. Maya maya dumating na din si Kuya. Dun siya umupo sa harap ko tapos yung tingin niya para akong kakainin. Galit pa rin ba siya? Oa niya ah.

As usual, naunang natapos si Kuya Wind. Ako nalang ang naghugas at pinagpahinga na si Mama. I'm sure pagod din siya sa trabaho niya. Naka work from home siya ngayon dahil nirerenovate yung building na pinagtratrabahuan niya.

Pagtapos ko maghugas ng mga plato, chineck ko lahat ng mga saksakan. Baka kasi may nakalimutan na tanggalin na nakasaksak, baka bigla nalang kami masunog dito. I checked also the doors and windows. After non pinatay ko na lahat ng ilaw at umakyat.

"Ay pashneaa!!" nagulat ako dahil nasa loob pala ng kwarto si Kuya Wind.

"Bakit ka nandito? Magbabasa pa ako. Leave" lamya kong sabi.

"I'm here to tell you na huwag mo na ulit kakausapin ang lalaking naghatid sayo kanina. I know him Summer, he's a playboy" madiin niyang sabi.

"What do you mean Kuya Wind? He's nice naman. Siya nga ang nagbayad ng mga pinamili ko and hinatid niya din ako. There's nothing wrong at walang meaning yon!" napasigaw ako dahil nakakainis na siya.

"Don't shout at me Summer. I'm just reminding you. Sundin mo ako" madiin pa din niyang sabi.

"Fine! Ang oa mo" nayayamot kong sabi.

Alam ko kasi na kapag umalma pa ako ay mas lalo siyang magagalit at hahaba pa ang usapan namin.

Tsaka mukha ba akong maganda? Mukha ba akong jojowain non ni Kurt? Hinatid niya lang naman niya ako. There's nothinh wrong with that. Ang oa lang talaga ni Kuya.

Paglabas ni Kuya pinatay ko na agad yung ilaw at sumalampak sa higaan. Nakakapagod tong araw na to ah.

Kinuha ko yung phone ko dahil beep ng beep.

Conversation

Hannah: Guys! I have something to tell. May nakalap akong chismis.

Kristtine: Chismosa ka talaga! Pero ano yon? HAHAHAHAHAHA

Pashnea talaga tong mga to HAHAHA

Me: Chismosa eh no pero tinanong kung ano. Gaga ka talaga Kristtine HAHAHAHA

Hannah: Naalala niyo yung tatlong gwapings na nakita natin kanina diba? Kurt and Kyle yung name nila. Si Kurt daw ay kilala bilang playboy pero mabait. Maybe he's using it para makakuha ng girls pero hindi ako nag jujudge ah? Sinasabi ko lang kung ano nachismis ko. Si Kyle naman daw ay kabaliktaran ng kambal niya. Loyal daw tsaka medyo ngarag yung ugali HAHAHA

Me: Oh tapos yung isa?

Kristtine: Hala! Ikaw Summer ah! Bet mo no? Eggzoited ang gaga HAHAHA

Hannah: So yung isa, si Steven. Ang balita ko masama daw ugali non tsaka spoiled brat, kinakatakutan daw si Steven dahil anak siya ng may ari ng school. Yayamanin shit!

Me: Wala ring kwenta kung mayaman siya dahil yung ugali niya ampanget, utak basura amp!

Kristtine: Galit na galit Summer? May pinaghuhugutan ah?

Hannah: Yon lang nasagap ko eh HAHAHA by the way, paalam na. Manonood pa ako youtube. Babush! Kitakits bukas!

Kristtine: Me too! Papanoorin ko pa idol ko HAHAHA basush girls! Love youu!!

Me: Bye mga pashneaa, labyuuu ol!

Nag offline na ako at nagbasa ng wattpad. Binabasa ko yung university series ni gwy, yung latest niya, yung Golden Sceneries of Tomorrow. Nag-update na pala siya.

Pagkatapos ko magbasa, nag facebook muna ako.

Kurt Gil Buenavista sent you a friend request.

Wtf? Inistalk ko siya agad siya. Nasa beach ata siya sa profile niya at may hawak na beer. Andami niyang followers ah?

Following- 215 Followers- 9k

Taray, samantalang ako wala pang 1k ang followers ko.

Wala din akong masyadong likes dahil hindi naman ako palapost at hindi naman ako maganda. Hindi rin naman kaaya aya kung hindi na nga ako maganda tapos magpopst pa ako ng pictures ko baka maumay lang sila.

Inaccept ko nalang ang request niya at natulog na.

Goodluck sa akin bukas.

Goodnight!

To be continued.

KAPAG NAGLARO ANG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon