CHAPTER 2

40 16 0
                                    

Summer's Pov

At sa wakas nandito na din ako sa harap ng school ko.

"Malaya University" banggit ko. "Ah manong bayad ko" abot ko ng twenty pesos.

So ayun pumasok na ako sa gate. Chinecheck check pa nila yung gamit ko bago makapasok. Daming kaekekkan ah HAHAHAHA

Tinignan ko yung schedule ko at kung saang building ako pupunta and shit! Hindi ko alam. Saan ba ako puwede magtanong?
Lumapit ako sa mga estyudante na mukhang 1st year college din kase kaparehas ko ng uniform.

"Excuse me. Puwede ba magtanong? Saan dito yung building ng 1st year?" Tanong ko dun sa medyo chubby na girl.

"Ayun oh!" turo niya sa malapit na building sa amin.

"Salamat" sabi ko.

So ayun pumunta na ako dun. Grabe mga estudyante dito halatang mayayaman tsaka  ang dedesente tignan. Samantalang ako parang galing palengke. Hays. Andito na pala ako.

"Room 103" basa ko sabay tingin sa loob. Medyo konti pa naman yung mga estudyante.

Umupo na ako sa may bandang likuran. Wala lang di ko feel sa may harapan. Ano ganda lang? Chos HAHAHA nakakahiya kasi kaya dito nalang.

Maya maya dumating na din yung prof namin.

"Good morning everyone. My name is Mr. Baltazar. Ako ang magiging prof niyo hanggan----"

Blagggggggggggg!

Napatingin kami lahat sa pinto and boom! Si Mr. Mayabang na muntik ng makasagasa sa akin kanina yung pumasok at may kasunod siyang dalawang magkamukhang lalaki, kambal siguro. Malamang Summer magkamukha nga diba?

Shit shit shit! Dito siya uupo sa bakanteng upuan sa tabi ko! Tinakpan ko ng buhok yung mukha ko. Tss! Kung mamalasin nga naman oh!

"Mr. Mendoza! Unang araw ng pasukan tapos late ka? Aba aba! Kasama mo pa yang mga pinsan m--" sabi ni Sir Baltazar kaso naputol

"You're a teacher not a father." malamya niyang tingin sa prof namin.

Grabe ah hanggang dito ba naman ganyan ugali niya? Sayang! Gwapo pa naman kaso panget ng attitude pero anong pake ko? Hmmpp!

Tumikhim si Sir at nagsulat nalang sa whiteboard ng mga requirements chuchuchu niya. Napatingin naman ako sa katabi ko at saktong pagtingin ko napalingon din siya. Geez! Napatingin ako agad sa lamesa ko.

Sana hindi niya ako namukhaan! Nakakahiyaaaaaa!

At lumipas ang oras natapos din ang first subject ko. Agad agad kong inayos ang gamit ko at tumayo para lumabas. Walang lingon lingon akong lumabas ng room at iniisip na  baka mamukhaan niya pa ako no!

"Aray!!" nasigaw ko dahil sa sobrang pagmamadali ko hindi ko na nakita kung sino ang makakasalubong ko.

Salampak sa semento, sakit sa puwet girl.

Agad agad akong tumayo at pinagpagan yung damit ko at tinaas ang tingin kung sino ang nabangga ko.

"Are you okay?" tanong sa akin nung nabangga ako. Mukha talaga siyang alalang-alala.

Napanganga ako girl, ang ganda niya. Matangkad, sexy, maputi, mahaba ang buhok at she looks expensive, inshort parang anghel na ibinaba ng langit girl. Grabe!

Rinig ko ang bulong bulungan ng mga nasa paligid namin pero hindi ko pinansin kasi naloloka ako sa ganda ng babaeng nandito sa harap ko HAHAHAHA

"I'm okay, pasensiya kana hindi kasi ako nakatingin. May tinatak---" naputol yung sasabihin ko ng may biglang sumingit.

"What's happening here Bea?" rinig kong sabi ng nasa likod ko.

Bea pala pangalan niya.

Dahil nga nakaharap dito kay Bea na nasa harap ko hindi ko masight kung sino nasa likod ko.

"I'm okay Steven, it's my fault naman din kasi" sabi ni Bea

"You look familiar huh?" rinig kong sabi ng nasa likod ko.

Agad akong tumingin sa likod at napagtanto na siya yung muntik ng makasagasa sa akin kanina, punyeta ang sama ni Lord sa akin ngayon ah?

"You know her Steven?" Bea asked him.

"No!" napasigaw kong sagot kay Bea dahil kinakabahan ako.

"Mauuna na ako, pasensiya na ulit B-bea" dagdag ko sabay takbo paalis.

Habang lakad-takbo, tsaka ko lang naisip na kailangan ko pa palang hanapin yung mga kaibigan ko.

Grabeng araw galaga to Lord ah, puro kamalasan

Sana hindi na ulit maulit to.

To be continued.

KAPAG NAGLARO ANG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon