My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡) NUMBER TWELVE:Neon's Rival

84 2 3
                                    

My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡)

NUMBER TWELVE:Neon's Rival

"Okay, class.. Nandito na ang magiging bago niyong teacher sa History.. Mr. Render. "sinenyasan ng adviser namin ang sinasabi niyang teacher namin..

Pumasok naman ito at halos lahat ng babae ay nagtilian..

Sabagay, may maibubuga nga..
Pero wala pa rin naman siyang sinabi sa kagwapuhan ko .

At alam kong alam ni Sei iyon..

At tumingin ako kay Sei.. 

O____O

Si sei ba talaga ang nakikita ko?!
Nakatulala lang ito at sobra kung makatitig..

"Ui sei. "sabay kalabit ko sa kanya..

Nakita ko pa siyang napalunok..

May problema ba?

"Ui Sei..."
Nagulat na lamang ako nung tumungin si Sir sa aming dalawa.

Lumapit ito sa amin at laking gulat ko nung tumatak sa utak ko na
Magkakilala pala sila...

Pero nakakapagtaka lang kung bakit parang may higit pang kahulugan ang mga titig nila?

"Long time no see Gabriella. "

Walang imik lang si Sei, sa halip ay tumango ito at ako naman ay naguguluhan..

"Mag usap tayo mamaya.. "sabi ni Sir at pumunta na siya sa harapan para magsimula ng klase.

"Uhh Sei, sino yun? "

"Wala,  kakilala ko lang.. "

"Uhmm..  Ka member mo sa grupo niyo?  Yung parang fraternity? "

"Hindi "

"Eh ano?"

"Huwag ka nang makulit NeCo. "

At wala na akong magawa kundi manahimik na lamang.
Dahil katabi ko siya, ramdam kong hindi siya mapakali.

"Sei, oo na makulit na ako. Pero hindi ako makapag concentrate pag ganyan ka.  Share mo naman. "

"Wala nga sabi eh. "

"Eh bakit parang meron"

"Wala nga, bakit ba ang kulit mo? "

"The two of you,  leave my class.You are disturbing our discussion. Now. "
Kalmadong sabi ni Sir.
Putek to
Kung alam ko talaga ang katotohanan eh ngayon pa lang, uupakan ko na siya!

Grr!

Bakit ba kasi naguguluhan ako sa mga nangyayari?!

Napansin ko ulit ang mga titig na binitawan nila kanina bago kami lumabas ng klase.

"Ikaw kasi, yan tuloy--"

"Sabihin mo na sa akin Sei, talagang kukulitin kita hanggang mamaya" sabi ko.

Huminga naman siya ng malalim at umupo sa tabi ko sa sahig.

"NeCo..."

At tumingin siya sa akin..

"Si Sir... "

"Siya ang dahilan kung bakit nagkaganto ako...  Well, kasalanan ko din naman.  Dahil ako mismo ang pumili ng gantong sitwasyon.. "

"Huh?!  Teka, bakit? Ano? "

"Hayshh,  ang slow mo talaga NeCo.  Okay,  kukuwentuhan na lang kita ng past ko.. Babala, masyadong mahaba. "

My 2-Months Girlfriend (♡˙︶˙♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon