My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡)NUMBER TWENTY-FIVE: Love Is In The Air

35 2 0
                                    

*My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡)NUMBER TWENTY-FIVE: Love Is In The Air*

Nang matapos ang pangyayaring iyon ay bumalik agad sina Sei At Aireen sa hospital.

Doon na rin nalaman na si Sei talaga ang karapat-dapat para kay Neon, dahil ang babaeng karibal niya sana ay nagkagusto sa kanya ng wala sa oras.

Kasalukuyang nasa hospital silang dalawa..

Ang pinunta ni Sei ay si Neon samantalang ang isang dalaga naman, ang pinunta ay walang iba kundi si Sei.

"Sei,tikman mo ito! Ako nagluto niyan!!" pag aalok pa ng dalaga kay Sei na kasalukuyang nagbabasa ng libro at nakaupo malapit sa hinihigaan ng binata.

"Hindi na Aireen... Kay Neon na lang. Siya naman talaga ang pinunta natin dito hindi ba?" sarkastiko pang sabi ni Sei.

Agad namang napakunot ng noo si Aireen at agad ding bumawi ng ngiti.

Magsasalita pa sana ito bilang sagot pero agad namang nagsalita si Sei.

"Napag-usapan na natin ito Aireen...Alam mo naman siguro iyon."

Hindi makasagot si Aireen at napilitan pang tumango...

Hindi niya makalimutan ang bawat salitang binitiwan sa kanya ni Sei.

FLASHBACK...

"Aireen... huwag ako... Kung maaari , lalaki ang piliin mo."

"Ano bang magagawa ko kung iyon ang naramdaman ko? Hindi ba pwedeng hayaan mo na lang akong gustuhin ka?"

"Masasaktan ka lang Aireen, masasaktan ka lang. Alam mo ba yang pinagsasabi mo?"

Hindi sumagot ang dalaga at nanatili lang sila magkatingin sa isa't-isa.

"Bago ka mag padalos dalos sa ginagawa mo, tanungin mo muna ang sarili mo kung tama ba ang ginagawa mo..." matalas na sabi sa kanya ni Sei.

Hindi na hinintay ni Sei ang isasagot pa sa kanya ng dalaga. Tinalikuran niya agad ito at binalak ng pumasok sa kwarto.

Ngunit lumingon pa ito at dinugtungan ang kanyang sinabi.

"Ayokong saktan ka, pero kasalanan mo kaya wala akong choice... Please.. ako na ang nakikiusap... Tigilan mo na ito habang maaga pa lang... "

"Pero Sei... Mahal na ata kasi kita.... "mahina pang sabi ni Aireen pero sapat na ito para marinig ni Sei.

Agad namang lumingon at tumitig ng matagal si Sei kay Aireen..

Lumapit pa ito at hinawakan niya sa balikat si Aireen.

"Okay lang naman ang magmahal pero huwag naman sa point na ikaw lang yung nagmamahal.  Huwag mo ng hintayin na masaktan ka ng sobra bago mo tanggapin na wala naman talagang pag -asa... " madiing sabi ni Sei na agad namang dahilan para mapalunok si Aireen.

"Kahit ilang beses pa akong masaktan Sei ng dahil sayo...Hindi kita iiwan,hindi ako susuko... Dahil kung may isang daang dahilan ka para tabuyin ako... Hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka at ipamukha iyon sa iyo "tuloy -tuloy na sabi ni Aireen..

At doon ay patuloy na naglakad si Sei papunta sa ward na para bang walang narinig kanina at doon din ay tuluyan itong pumasok sa kwarto..

Naiwan lamang sa labas si Aireen at doon niya nalamang pumatak ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata....

Ito ang unang beses siyang umiyak kung tutuusin..

Sa unang pagkakakilala niyo sa kanya sa unang kabanata ay siya ang nang-iiwan, siya ang nanloloko, siya ang two timer, siya ang dahilan ng kinaiiyakan ng tao..  Pero ngayon..

My 2-Months Girlfriend (♡˙︶˙♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon