My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡) NUMBER TEN: First Shooting

48 1 0
                                    

Author's Note:
Sorry sa sobrang late na update. Sobrang busy talaga ngayong Month na to. Lam mo na?  Graduating na ang bruha eh!!  Happy Valentines Day Everyone! let's spread love!  Not lust!  Charr!!  O siya, basa na

My 2-Months Girlfriend (♡˙︶˙♡)

NUMBER TEN: First Shooting..

Maaga akong umalis ng bahay para puntahan si Zeke.

Hindi hamak na VIP ang potek na yun.

At syempre,  bihis na bihis ako.
Pandagdag points man lang kay Sei.

Lalo na't naalala ko pa at fresh pa mismo sa utak ko ang mga nangyari nung nakaraang araw...

"Oi Zeke!!!  Lumabas ka na diyan!!!! Yari tayo kay Sei,  bilisan mo!!!"-sigaw ko.

Agad agad din naman siyang lumabas at may hawak pa siyang salamin.

Nag aayos pa lang ng buhok..

"Ang sabihin mo, atat ka lang makita si Sei. "

"Hindi kaya..  Alam mo naman pag nagalit yun,  parang dragon. "

"Hindi ko pa naman nakikita yun magalit,  ibig sabihin ba nun lagi kayong magkasama? "sabay ngisi niya.

Binatukan ko lang siya.

"Nananaginip ka ata.  Halika na,  bilisan na natin. "

At nung malapit na kami sa school ay nakita ko na siya malayuan pa lang..

Dito pa lang, nasusulyap ko na ang kagandahan niya..

Dito pa lang, naaamoy ko na ang panlalaki niyang pabango..

Manyak lang eh noh?

At nagulat ako na kumpleto na silang lahat,  kami na lang ang hinihintay.

Napatingin ako sa relo ko.

12:30 pa lang.  1 ang kita kita..
Hindi naman ata sila atat eh noh?

"Anong oras na!  Kayong dalawa na lang ang hinihintay?! "

"12:30 pa lang naman ah, 1:00 ang kita kita. "

"Alam ko, hindi ba kayo excited sa first shooting natin?! Haysh!! "

At nabadtrip ako nung sumulpot si Kiti kiti

"Wag ka nang magalit Sei. Wala pa namang 1 eh "

Psh, kunwari ka pa.  Nagpapapansin ka lang eh.

"May alam kayong lugar kung saan hindi masyadong dinadaanan ng tao? "

Nagsuggest naman sila Zeke at ako naman ay nakikinig lang.

Tinitignan lang si Sei...
Kahit nakalukot ang noo, ang ganda ganda pa rin.
Napansin kong may sungki siya sa ngipin, pero parang mas nagpacute sa kanya iyon.

"Ui, ano?! Natahimik ka diyan?!! "

"Uhh-Ano yun? "

"Psh, hindi ka nga nakikinig. Sabi ko halika na. Nauna na sila oh! " sabay turo niya sa direksyon kung saan naglalakad na ang kagrupo namin.

"Ay, sorry.. "
At magkasabay kami sa paglalakad.

Medyo malayo layo na sila Zeke at nakikita kong lumilingon si Kit at tinitignan kami.

May balak pa ngang lumapit sa amin, pero nandiyan ang tropa para hindi hayaang lumapit pa.

Dumaan ang malakas na hangin na nakaamoy ako ng mabangong pabango.

My 2-Months Girlfriend (♡˙︶˙♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon