My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡) NUMBER EIGHTEEN: Sei's Past

56 1 0
                                    

My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡) NUMBER EIGHTEEN: Sei's Past

"Kami ang dating myembro ng binuong grupo ni Sei....."

Hindi ako nakapagsalita..
May agad ding nagbukas ng pinto at pumasok ang isang babae.

Maganda.
Matangkad.
Mahaba ang buhok, medyo messy.
Halatang gangster sa suot niya.
Mataray ang itsura.

"Did I miss something? "tanong ng babae sabay labas ng lollipop.

"None, you're just on time. "sagot ng isang lalaki.

Tumango ang babae at tumingin sa akin..

"I believe na ikaw ang pinag uusapan ng lahat "

Nagtaka naman ako at masasabi kong nabasa nila ang nasa isip ko.

"Sorry for being rude. I'm Reia."at nilahad nito ang kamay niya sa akin, tinanggap ko iyon at naki shake hands .

"Neon. "sabi ko.

"We know. " at ngumisi ito.
At agad din niyang tinuro ang kasama niya.

"Ito naman si Rey. My twin. He is older than me for about 1 minute and 25 seconds. "
Tumango lang ako kay Rey, ganun din siya.

Ipapakilala pa sana ni Reia ang iba pero inunahan siya ng isang lalaki.

"I'm Kurt. Tumayong kuya ni Sei sa grupo. Ako ang kanang kamay niya at ako nga pala ang kapatid ni Kit.  "

Kaya pala may pagkahawig sila ng kiti kiting yun. 
So magkakilala din pala sila ni Argon.

"Kabilang din si Kit sa grupo niyo? "tanong ko.

Umiling ito at ngumiti.

"No, just me."

"I'm Nash. "mahina nitong sabi.

Tumawa si Reia at tinuro si Nash.

"Tahimik yan at seryoso. Pero pagdating sa pakikipagbasag ulo, maingay. With matching sigaw at tawang nakakatakot. "pang aasar nito kay Nash.

Agad siyang sinamaan ng tingin ni Nash at umiling naman si Reia.

"Ako naman si Lance,pre. Kaaway dati ni Sei simula grade 1 hanggang 4. "

"Paano ka nasama sa grupo? "
Tumawa siya at inaalala ang lahat..

"Sabihin na nating mabait siyang tao. Tinuring niya akong pamilya. Tsaka binubully ko sila dati ni Kit. Si Kurt naman binubully din ako. "at ngumiti ito.

So si Kit, kurt, argon at si Lance ay mga magkababata.
Now I know.
Tumingin naman ako sa susunod na magpapakilala.

"I'm Rob. "
At maya maya ay tumawa na naman si Reia kasabay ng kambal niya.

"You mean Roberto hahahaha! "sabi ni Reia kasabay ng halakhak.

"Naalala ko pa nung matagpuan siya ni Sei sa eskinita. Bugbog sarado at walang malay." sabi ni Rey.

"Oo, tapos pagdating ni Sei sa hideout bitbit tong si Roberto. Nagising. Tapos takot na takot. Hahahahaha!!!! "

"Hoy, anong takot?!  Hindi ah!!! "

Tumawa lang ng tumawa si Reia at hindi naniniwala sa sinasabi ni Rob.

"Tapos pinakilala niya yung sarili niya.  'Hi, Ako si Roberto Dimapatawad. Betong na lang' " panggagaya ni Rey at doon, silang anim ay tumawa.

My 2-Months Girlfriend (♡˙︶˙♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon