My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡)NUMBER TWENTY TWO:Neon Vs. Kill

36 1 0
                                    

My 2-Months Girlfriend NUMBER TWENTY-TWO: Neon Vs.Kill

"So... Natalo mo ang aking mga alaga. Hindi ko ineexpect na mabubuhay ka pa ngayon."

"Sabi nga nila Expect the Unexpected." inis na usal ko.

Binigyan lang niya ako ng nakakainis na ngisi. Agad niyang tinanggal ang coat niya at lumapit sa ring.

Hinihingal pa rin ako ngayon. Mas ramdam ko ang mga natamo kong suntok. Ang hapdi ng mga sugat ko. Nakaramdam ako ng may kamay sa binti ko. Lumingon ako para makita iyon. Nakita ko si Reia,agad akong napaupo para marinig ang sasabihin niya.

"Hindi basta basta si Kill...Mataba yan pero matinik yan Neon. Mag iingat ka." Tumango ako at nagkunwaring hindi ako natatakot.

Natatakot ako pero sa lima ba namang nakalaban ko, hindi na rin siguro ako matatakot ng ganun kalala.

Pagbalik ko ng tingin sa tinatayuan ko ay nandun na si Kill sa ring kasama ako.

Ayan na naman ang nakakainis niyang mga ngisi. Nakaasar.

Paglapit ko pa lang ay may lumipad na agad na kamao sa pisngi ko dahilan para matumba ako...

Ganun pala siya kabilis.

Halos hindi mo makikita kung papalapit na ba yung mga kamao niya sayo.

Parang hangin lang..

Pinilit kong tumayo. Pinunasan ko pa ang mga pawis kong may kasamang dugo. Ganun na ba talaga napuruhan itong gwapo kong mukha?

"Wala ka ng kawala Neon.Ngayong araw na ito, ito na ang huli."

Natawa naman ako ng bahagya dahilan para magulat siya.

"Hindi ka ba natatawa sa sinasabi mo?" sabi ko ng may halong pangangasar.

Kumunot naman ang noo niya sa inis. Tumawa ulit ako para lalo siyang mainis.

"Baliktad ata ang pagkakasabi mo. Baka ito na ang huling araw mo. Ito na ang huling araw para makita mong sinusuntok ka ng isang gwapong nilalang."

"Ano pa bang pinagmamayabang mo?! Ako si Kill....Pangalan pa lang papatayin ka na."

"Mataba ka pero matinik kung lumaban, pero hindi iyon dahilan para ika'y aking urungan. Hindi ko pa nabibigay lahat ng lakas ko, hindi mo alam kung anong nagagawa ko pag nagdilim ang paningin ko."

Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko siya.

"Hindi pa ako tapos taba! Nakita mo ba kung anong ginawa ko sa mga tauhan mong walang awa sinaktan si Sei?! Triple pa ang magagawa ko sayo!"

"Baka nagka------"

"Ano magyayabangan pa ba tayo?!" Pag sabat ko kaya lalo siyang namula sa galit.

"Kinikilig ka na ba? Sobrang pula na ng mukha mo oh! Iba na talaga pag gwapo, pati lalaki nagkakagusto! " sabi ko kasabay ng isang malakas na halakhak at doon ay natumba ako ulit.

Hindi ko na naman kung saan nanggaling ang mga suntok niya, para talagang nagiging invisible.

"Ano?! Magsasalita k----"

*Booooggggg*

Inupper cut ko agad siya.
He didn't see it coming kaya natamaan ko siya.

At doon nag umpisa ang labanan namin.

Nagsalit salit lang kami ng mga suntok... Pero mas lamang siya kung titignan.

My 2-Months Girlfriend (♡˙︶˙♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon