~~~
My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡)
NUMBER FOUR:Sleeping with HerNagising ako sa ingay na narinig ko..
"Doc, ano po bang nangyari sa anak ko? "
Mama ko ba ang naririnig ko?!
"Ma'am, wala naman pong severe injury ang anak niyo. Nagkafracture lang po. Mga tatlong araw pwede na siya madischarge"
"Ni la lang mo lang ang fracture!!? Hayshh.. O sige na Doc,Salamat!!"
Hayshh, Oo Neon. Hindi ka nagkakamali.
"Doc,pagpasensyahan niyo po ang asawa ko. "
"Ah okay lang yun. Mauuna na ako. "
At idinilat ko na ang mga mata ko.
"Anak, hay salamat. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. "
"Makareact ka naman Mama. Dapat sabihin mo yan kay---"
Teka si Sei!!?
"Si Sei?!! "
At biglang may naghawi ng kurtina na nagsisilbing harang sa kabilang ward.
At doon ko nakita si Sei.Napabangon ako bigla nung makita ko ang Papa niya..
"Uhhh--ano... Ako po yung kaklase ni Sei. Sorry po kung nangyari po yan kay Sei.. Hindi ko naman po alam n---"
"Okay lang. Alam ko naman ang nangyari. Nagkausap na kami ng tricycle driver kung ano ang nangyari. At inaamin nga niyang siya ang may kasalanan. Si Gabriella talaga. "
"Hi I'm Teresa Rodriguez and This is George Rodriguez . We are the parents of Neon"
"Nice to meet you. I'm Seifer Gabriel Hernandez. Sega na lang. "
Ang unique naman ng pangalan ng papa ni Sei.
Astig.
Ginawa lang babae yung pangalan ng papa niya.
Pansin niyo ba yun?
Seifer Gabriel
Siya naman ay Seifhen Gabriella."Ah ano na pong lagay ni Sei? "
"May mga sugat siyang natamo. Napilayan din. Pero makakarecover din daw siya after three days. "
Tinignan ko lang si Sei na nakahiga at nakapikit.
Mukha siyang anghel pagtulog.
Akalain mo yun, ang anghelitang mukha kung sumipa parang demonyita sa lakas. XDNagtataka ako kung bakit niya ginawa iyon sa akin kahit alam naman niyang may mangyayari sa kanyang masama.
Nagulat na lamang ako ng gumalaw si Sei.
At dumilat ng dahan-dahan..."Sei, pinag alala mo ako!! "-nag aalalang sabi ng Papa ni Sei.
"Papa.. "-sabi niya ng seryoso.
Yinakap na lang ng Papa niya si Sei.
Binawian din naman niya ng yakap ang Papa niya."Pa, pwede niyo po bang maiwan niyo muna kami ni NeCo? May trabaho ka pa. "
"Uhh.. O sige. "
"Maiwan na rin namin kayo. May trabaho pa kami ng Papa mo Neon. "-sabi sa akin ni Mama.
NeCo? Tinawag niya ako sa palayaw ko?
Paano niya naisipang tawagin ako ng ganun?
Paano niya nalaman?Teka, kung wala ang mama at papa ko.
Wala din ang Papa niya...
Ibig sabihin, makakasama ko siya ng kami lang??!
BINABASA MO ANG
My 2-Months Girlfriend (♡˙︶˙♡)
RomanceA sequel of My 1-Week Girlfriend. Discover the Love Story of Seifhen Gabriella Hernandez and Neon Cobalt Rodriguez. A Story Full of Romance and Laughter.