My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡)
NUMBER SIXTEEN:Secret Relationship
Lumipas ang mga ilang araw at parang bumalik na sa normal ang lahat.
Parang wala man lang nangyari.Hindi mawari ang biglaang pag resign ng guro nilang si Mr. Render o si Argon ika nga.
Pero nalimot din sa mga isipan ng mga tao ang isyung iyon..At ako....
Ito !
Always Gwapo!
Gwapo Gwapo Super Super!
Ako ata si Neon Cobalt!Sabi ko na sa inyo eh, makukuha ko din ang puso ni Sei hihihi^^
Katulad nga ng napag usapan ay normal lang ang pakikitungo namin sa school..
Natural na magkatabi, magkaklase, at mag kaibigan.Hindi ko rin sinabi sa tropa na kami na ngayon ni Sei..
Kasi hindi pa naman officially kami diba?" Neon, gusto mo?" at napatingin ako kay Sei.
Nandito kami ngayon sa ilalim ng malaking puno ng school kasama ang buong tropa.Napatingin ako sa inaalok niya.
" Ano yan?!" gulat kong sabi.
Tumawa siya ng mahina at muling binaling ang atensyon sa akin."Fried Chicken malamang." Sabi niya.
"Na ang sawsawan ay chocolate syrup?!" tanong ko ng may pagtataka.
"O bakit? Anong masama doon? Masarap kaya! Bilis tikman mo!"
at nilapit niya sa bibig ko ang pagkaing iyon.. Umiwas ako dahil ... Naku, pare.. Ang weirdo niya talaga pag dating sa pagkain.
"Hindi na, busog na ako." Sabi ko.
Sumimangot naman siya at namumula ang mga pisngi nito na ikanapula naman ng mukha ko
Bago nila mapansin iyon ay agad na akong umiwas."Ganito na lang Neon... Bato Bato Pik tayo, tapos pag natalo ka kakainin mo ito. Pero pag nanalo ka, hindi na kita pipilitin..."
"Pshh.. ayoko pa rin.." sabi ko.
"Wala dre, bakla ka talaga. Simpleng bato bato pik lang ay ayaw mo pa. Tatanggihan mo ang sei mo? Naku naku..." pang aasar ng pesteng si Zeke.
Sumang ayon naman ang iba.
Kaya wala na akong ibang magawa kundi ang pumayag."Sige na. papayag na ako."
At doon ay nakita ko na naman ang napakaganda niyang ngiti."Game... bato bato ..."
"PIK!!!" sabay naming sabi...
At doon...
"HAHAHAHAHAH!!!"
"O pano ba yan? Kakainin mo ito! " pang aasar sa akin ni Sei.
Hayshh... Hinawakan niya uli ang chicken at isusubo na sakin.
Okay na sakin ang subuan niya ako, pero yung ipapakain niya?
Naku, maling desisyon.
ANO NAMAN KASING LASA NUN DI BA?" Neon, AAHHH" at doon ay wala na akong nagawa kundi ang ngumanga at kinain iyon..
Sinasabi ko sa inyo...
Huwag niyong babalakin... Magsisisi kayo.Agad akong uminom ng tubig..
Pshh... maling combination naman kasi ang gusto niya.Hindi ba sumasama pakiramdam niya sa mga kinakain niya?
Naalala ko pa nga nung bumili kami ng kwek kwek at talagang may dala pa siyang Hershey Syrup at doon ay binudburan niya ng syrup at tuwang tuwang kinain.
Hayshh... Wirdo.
BINABASA MO ANG
My 2-Months Girlfriend (♡˙︶˙♡)
RomanceA sequel of My 1-Week Girlfriend. Discover the Love Story of Seifhen Gabriella Hernandez and Neon Cobalt Rodriguez. A Story Full of Romance and Laughter.