My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡) NUMBER FIVE:New Haircut

83 2 0
                                    


My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡) NUMBER FIVE:New Haircut

Lumipas ang tatlong masasayang araw na ipinagkaloob sa akin ng Poong Maykapal at ni Tadhana.
Laking opportunity nun sa akin.

Wala kaming ginawa kundi magtawanan at asaran. Nasanay na nga akong kasama siya eh kaya nung nadischarge kami, nalungkot ako.

Para bang sa telenovela,para kaming magkababata tapos lilipat ng bahay yung isa, mamimiss nila yung isa't-isa. Yung parang feeling na ganun?

Nalungkot ako,iniisip kong ganto rin ba ang magiging turingan namin sa klase o babalik ulit sa dati na hindi kami magpapansinan?

"NeCo... "

"O Sei, bakit? "

"Wala lang.. Nakalimutan ko yung sasabihin ko. Hahaha. "

"Baliw ka talaga. "

"Oo na.O sige, bye na. Ingat kayo sa pag uwi ng parents mo"

"Ingat din kayo ng Papa mo este ingat silang lahat sayo hahahaxD"

At nakatanggap ako ng batok mula sa kanya. Okay lang kahit dati ayoko ng ginaganun ako. Pero wala eh, pag dating sa kanya okay lang ang lahat basta kung saan siya masaya, masaya na din ako. Andrama lang hahahaxD

"O sige po, Una na po kami ni Papa"-sabi ni Sei sa parents ko at nagkausap sila ng Papa ni Sei at nagpaalam na din.

Tinitignan ko lang silang umalis.
Umaasa ako na lilingon siya.

Lilingon siya....

"Pagbilang ko ng tatlo, lilingon siya. Ibig sabihin nun, meant to be kami"

"Agad agad? "-sibat ng nurse
Sinamaan ko lang ng tingin.
Wehh Epal.

1
.
.
.
.
2
.
.
.
.
3
Lilingon siya... 
Pumikit ako saglit at minulat ulit at tinignan ang direksyon ni Sei

"Lumingon ka Please... "

At lumingon nga siya...
Dala ang ngiti sa kanyang mukha.
Kay saya naman tong nadarama.
Sana ay maulit pa
Dahil ikaw lang sapat na...
HahahahxD tae napa tula pa ang potek
Pangtambay pa yung linya yung sa huli. Panira xD

Yun nga ngumiti siya at kumaway.
Nagulat ako at ngumiti na din..
Bumulong ako sa hangin...

Bye Sei..

Ganun din siya...

Bye NeCo...

At tumalikod na siya.

Abot langit naman ang ngiti ko.

*poink*

Awtsu

"Anak, nakadrugs ka ba? Mukha kang tanga diyan. Halika na. "

At sumunod na ako kay Mama at Papa.

Kinabukasan....

Maaga akong nagising.
Atat sa pagligo..
Dala pa rin ang ngiti sa mukha.
Aba, hindi ko pala nasabi sa inyo na nagpagupit nga pala ako.
Feel ko kasi nagbagong buhay ako eh. Tama nga lang sigurong nabangga ako.
Kaso hindi utak ang naalog eh, yung puso ko kasi yung naalog kaya ayun.

My 2-Months Girlfriend (♡˙︶˙♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon