My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡) NUMBER TWENTY-SEVEN:I Remembered Part 2
Bigla na lang akong nagising.
Puro puti ang paligid.
Ang lamig sa pakiramdam.
Yung lamig na iyon ay dumadapo sa balat ko.
Tumingin ako sa paligid, ako lang mag-isa....
Bumangon ako at umupo ng maayos habang tumitingin sa paligid.
May hinahanap ako...
Napatingin ako sa side table at nakita ang isang makapal na libro.
Kinuha ko iyon at tinignan.
Isang reference book.
At sa pinaka ayaw ko pang subject.
Tinignan ko ang pahina kung saan may nakalagay na bookmark.
Ang ganda ng bookmark, handmade lang.
Gawa ito sa cross-stitch...
May mga letra at mga hugis. 'HoneyBee' ang nakasulat, may korte pang puso at maliliit at cute na bubuyog.
Maya -maya ay may narinig akong nagbukas ng pinto.
Napatingin ako doon at nakita na ang hinahanap ko.
Dali dali akong bumaba at kinuha ang dextrose at dinala iyon.
Patakbo pa akong lumapit sa kanya at niyakap.
"Sei, Natatandaan ko na!!!! "malakas na sabi ko habang yakap yakap siya ng mahigpit.
Maya maya rin ay naramdaman kong ipinulupot na niya ang braso niya sa akin at niyakap din ako..
"Namiss kita Neon, mabuti naman natandaan mo na. Halos paulit ulit na akong nageexplain sayo kung sino ako. "sabi pa niya ng natatawa.
"Sorry naman kung ganoon"
"Hindi na nananakit yung ulo mo? Nagdugo yung ilong mo tsaka bigla kang nahimatay nung bumalik ako sa kwarto mo ah. "
"O? Hinimatay ako? Pero oo, sumasakit pa rin ang ulo ko pero kaya ko naman. "
"Hinimatay ka, pinepressure mo kasi yung sarili mo. Halika nga, humiga ka muna. "
Pumunta kami sa hospital bed at tabi kaming naupo doon.
Sumandal ako sa balikat niya at natutuwa ako kapag hinahawakan niya ang ulo ko at para akong minamasahe.
"Sobra akong nag-alala... Hindi ako halos makatulog kakaisip sayo Neon. Hindi ko na alam ang gagawin ko para maging okay ka. Pero buti naman, ngayon... Natandaan mo na. "
Niyakap ko siya kahit nakasandal pa rin ang ulo ko sa balikat niya.
"Wala eh, kahit nakalimutan kita sa tuwing nakikita kita may bumubuong imahe sa utak ko, yung mga nangyari na dati... Nung unang araw na nagkakilala tayo, unang araw na nakita kitang nakipagbasag ulo... Lahat lahat. Kaya hindi malabong, hindi kita maalala. At isa pa, makalimutan man kita ikaw pa rin naman ang tinitibok nito... "sabay turo ko sa puso ko.
Hinalikan ko siya sa noo at siya naman ang pinasandal ko sa balikat ko.
"Huwag ka nang mag alala... Okay na ako."
BINABASA MO ANG
My 2-Months Girlfriend (♡˙︶˙♡)
RomanceA sequel of My 1-Week Girlfriend. Discover the Love Story of Seifhen Gabriella Hernandez and Neon Cobalt Rodriguez. A Story Full of Romance and Laughter.