My 2-Months Girlfriend(♡˙︶˙♡)
NUMBER THIRTEEN: The Game Just Started"Pre, paano na yan?! " Sabi ni Zeke
"Oo nga. Tsaka ngayon ko lang nalaman na sila pala noon."
"Kahit nga ako hindi makapaniwala eh. Pero hindi na mahalaga yun. Nabulag lang si Sei sa nakaraan kaya siya pumayag na magpaligaw ulit. Hindi ko hahayaang mangyari yun!!! "
"Kahit magalit siya sayo? "dugtong ni Ric
"Oo. Kahit magalit pa siya sa akin... "mahina kong sabi
Yun naman kasi talaga ang kutob ko.
Pumayag lang siya kasi naiisip pa rin niyang maibabalik pa nila ang nakaraan.
Kung noon ay niloko na siya ng Argon na yun. Malamang ay hindi na mawawala sa dugo nun na manloloko siya. Do you get my point?
"Eh Pre, Anong balak mo? "pag aalala ni Aron.
"Wala pa akong naiisip eh. Sa tingin mo ba kung susupresahin ko siya kahit nililigawan na siya ng gagong yun, okay lang kay Sei? "
"Siguro.. Depende na lang yun kung anong supresa ang gagawin mo. "
"Hayshh.. Seryosong usapan naman 'to Dre. Ang hirap mag isip. Akalain mo yun, tumitino na ang utak ng boss natin! "kantyaw ni Zeke.
At nanahimik na lang ako sa isang tabi habang sila'y nagtatawanan.
Hindi talaga ako tiwala sa pag mumukha nung Argon na iyon eh.
Ngiti pa lang at mga lambing niya ay halata ng may tinatagong lihim.
Malaman ko na lang talaga na may tinatago iyon, ibubunyag ko baho niya.
"Neon!!! "
"Ui pre, si Sei! "
At agad agad akong napatayo.
"O, Sei. Bakit? "
"Wala lang. Halika, samahan mo ako. "at agad agad niya akong hinila.
Nagpaalam naman ako sa tropa.Pumunta kami sa hindi ko alam na parte ng school namin at umakyat kami sa puno.
Hindi ko alam kung ano ang pinunta namin dito..
Nanatili lang kaming tahimik at nakatingin sa paglubog ng araw..."Sumagi ba sa utak mo na gusto mong ibalik ang lahat pero parang wala namang dapat balikan? "sabi niya ng seryoso.
"Alam mo Sei, kung tungkol ito kay Argon na yan. Ito lang ang masasabi ko. Wag kang magagalit ah. "
At tumango naman siya.
Nagsasabing papakinggan niya ako."Kung makikipagbalikan ang isang tao, nagsisisi sa kanyang ginawang kasalanan ay dapat na hindi na pinagbibigyan. Alam mo kung bakit? Kung mahal ka talaga nila, hindi ka nila magagawang masaktan sa simula't simula pa lang. "
"So, ang sinasabi mo na wag ko nang bigyan ng chance si Argon? "
"Oo pero it's up to you kung bibigyan mo. Hindi naman ako magagalit."
"Hindi eh. Para kasing gusto ko na ayaw ko. Ang gulo. "
"Mahahanap mo ang Taong para sayo kung ititigil mo na ang paghahabol sa taong hindi naman nakalaan sayo. "
"Siguro nga tama ka.. Hay, ang gulo.
Bakit ba kasi bumalik pa siya? Naguguluhan tuloy ako. "
BINABASA MO ANG
My 2-Months Girlfriend (♡˙︶˙♡)
RomanceA sequel of My 1-Week Girlfriend. Discover the Love Story of Seifhen Gabriella Hernandez and Neon Cobalt Rodriguez. A Story Full of Romance and Laughter.