Chapter 88

4K 89 0
                                    

Jema's POV

Nandito na kami ngayon sa beach house ng JiaGuel dito sa Palawan.Sinama namin ang former teammates namin nung college kasi masaya daw pag marami,luckily hindi sila mga busy

Pati families namin nandito para magkakasama kaming magcelebrate ng christmas

Today is December 23 and tomorrow yung gift giving slash christmas party namin

Since tapos na kaming mag ayos for tomorrow and wala na kaming ginagawa.Nandito kami ngayon sa seashore dahil nag aya ang mga bata,gagawa daw sila ng sand castle

Si Sean nandun kela Mafe nakikipag laro rin kela Brie,while kami nakaupo lang dito habang pinapanuod sila

Yung asawa ko busy sa paglalaro sa phone 😒

"Lets take a walk babe" himala at pinansin ako ng babaeng to

"Maglakad ka dun kasama phone mo" sabi ko at inirapan siya

"To namang misis ko pinagselosan pa ang phone" sabi niya sabay yakap sakin

"Ano ba Deanna ang init init eh" sabi ko at inalis yung pagkakayakap sakin

"Okay sorry,hindi na kita yayakapin" sabi niya at tumayo "Excuse me"

Naglakad na siya paalis at sinundan ko naman siya ng tingin

"Pag yun nakahanap ng ibang yayakapin walang magagalit" sabi ni Ate Ly

"Edi maghanap siya" sagot ko

Tumingin nalang ako kela Brie habang umiinom ng juice

"Lapitin talaga ng chix si Deanna" sabi ni Kuya Kief pero hindi ako tumingin

"Jema tignan mo yung asawa mo may kausap na chix" sabi ni Maddie

"Bahala siya dyan" sabi ko habang nakatingin pa rin kela Brie

"Guys mukhang nilalandi yata si Deanna,hinalikan pa sa cheeks" sabi ni Ate Jia

Automatic naman akong napalingon kay Deanna pero siya lang naman mag isa ang nakaupo sa sand

"Bahala daw" sabi nila

Inirapan ko naman sila at natawa naman ang mga baliw

Tumayo nalang ako at naglakad papunta kay Deanna.Paglapit ko umupo ako sa tabi niya

"Sorry" sabi ko sa kanya

Tumingin lang siya sakin then tumingin sa harap,hindi niya ako kinakausap

"Babe sorry na please" sabi ko but no response

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi and pinaharap sakin

"Wag ka ng magalit,bati na tayo kausapin mo na ako" sabi ko

Still no response from her

"Sige kung ayaw mo kong kausapin hindi na kita pipilitin,babalik nal------"

"Ano ba yan,akala ko ikikiss mo na ako eh" nakapout niyang sabi

"Langya!nag iinarte ka lang pala para halikan ko" sabi ko at natawa naman siya

Niyakap niya naman ako ng mahigpit

"Wag ka ng magtampo sakin ha" sabi niya

"Its supposed to be our bonding kasi kaya no gadgets please if hindi naman importante" sabi ko at niyakap rin siya

"Opo,sorry.Hindi na mauulit" sabi niya sakin

I smiled at her then hinalikan siya kaya napangiti rin ang asawa ko

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon