Chapter 18

5.4K 114 7
                                    

Jema's POV

Mula nung kumalat ang tungkol samin ni Deanna pinaiwas niya na akong magbukas ng social media kasi kahit marami ang natuwa sa relationship namin,marami rin ang mga negative comments

Friday ngayon at mamaya na yung alis namin papuntang Cebu.Sina Papa hindi makakapanuod sa Cebu kasi may meeting sila bukas kaya live stream nalang daw sila

Paakyat ako ngayon sa unit namin kasi galing pa ako sa school.Wala naman akong klase pero nagpasa lang ako ng pinagawa samin

Pagdating ko dumiretso na ako sa unit namin,binuksan ko yung pinto at nakita ko si Deanna na natutulog sa sofa habang naka earphones.Sinara ko na yung pinto pagpasok ko

Pumunta ako sa kwarto namin at nagpalit ng damit then niready ko na yung mga susuotin namin tapos naligo na ako.Kasi kung mamaya pa ako maliligo baka malate kami

After ng ilang minutes ay tapos na ako kaya nagbihis na ako then lumabas ng banyo sakto naman pumasok si Deanna

"Babe you're here na pala" niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi

"Bakit sa sofa ka natulog?baka sumakit yung likod mo" sabi ko sa kanya

"Eh I was listening to music kasi then I didn't notice na I fell asleep na pala kaya hindi na ako nakatransfer sa bed" sagot niya sakin "Did you received Ate Ly's message na ba?"

"Hindi pa eh,hindi ko pa nachicheck yung phone ko.Bakit daw?" tanong ko

"Sabay sabay nalang daw tayong maglunch,dun malapit sa airport para before our flight kumpleto na daw lahat" sabi niya at tumango lang naman ako sa kanya

Nagkwentuhan lang kami then maya maya ay naligo na siya,chinarge ko yung phone naming dalawa then nagblower ako ng buhok ko

Hindi pa ako nakakalahati ng buhok ko tapos na agad siya,nasanay na ako na ganyan siya pero nagtataka talaga ako.Wisik wisik lang talaga siguro ginagawa ng baby ko 😂😂

"I know what you're thinking Jessica,naliligo talaga ako" sabi niya sakin

"Luh,wala naman akong iniisip ah" sagot ko sa kanya habang nagboblower pa rin

Nakikita ko naman siya sa mirror

"Alam ko kapag may iniisip ka" sabi niya

"Talaga?" tanong ko sa kanya

"Yep,alam ko nga rin na minsan pinagnanasaan mo ko eh pero okay lang naman sakin yun" sagot niya sakin habang nagsusuot ng sapatos

"Feeler ka Izabella" sabi ko sa kanya "Ano naman pagnanasaan ko sayo?yung baby fats mo?at yung ano mong flat?"

"Grabe ka sakin" nakapout niyang sabi

Natawa nalang ako sa kanya,hindi niya ako matalo sa asaran eh 😂

"Tara dito iboblower ko yung buhok mo" sabi ko sa kanya at tumayo

Lumapit naman siya sakin at umupo,sinimulan ko ng iblower yung buhok niya

"You know what babe may naiisip ako" sabi niya sakin

"Ano naman naiisip mo?" tanong ko sa kanya

"Tatagal kaya tayo if we'll go on a shower together?" tanong niya

"Aba ewan" sagot ko

"Try kaya natin babe?" nakangiti niyang sabi

"Try mo mukha mo" natawa naman siya

Hindi na siya nagsalita kaya hindi na rin ako nagsalita,tinapos ko nalang yung pagboblower sa buhok niya

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon