Chapter 36

5.1K 106 0
                                    

Jema's POV

Next week semis na namin sa PVL at thankful kami kasi mula eliminations wala pa kaming talo.Medyo mahirap nga lang kasi minsan wala sina Ate Ly at Ate Jia

Kakatapos lang ng training namin at on the way kami ngayon sa Laguna,binyag kasi ng kapatid ni Camille

Nagkukwentuhan lang kami ni Deanna about sa PVL at si Brie naman busy sa panunuod ng cartoons sa phone sa likod

Bukas aalis kaming tatlo papuntang China kasi birthday ng Daddy ni Brie,pinaexcuse ako nila Tita sa training namin at sa klase ko.1day lang naman kami dun

"Anong plano mo babe?maglalaro ka ba sa UAAP?" tanong ko sa kanya

"Hindi na siguro,mga January ako makakabalik sa training eh mahirap na yun kasi malaking adjustment yun for me and for the rookies.Nasanay na sila na si Jaja yung setter nila eh,she's doing well naman as primary setter" sagot niya sakin

"Maraming nakakamiss sayo na makita kang maglaro" sabi ko

"I need to condition myself pa eh,matagal rin kasing hindi ako nakapaglaro.Maybe sa pro nalang ako maglalaro ulit" sabi niya

"PVL ka magpro" sabi ko sa kanya

Pag magPSL kasi siya hindi ko siya makakalaban

"Oo na po" sagot niya sakin

"Next time try out tayo sa national team" sabi ko

"Ikaw nalang babe,I think I don't deserve to be in national team.Maraming setter ang mas magali-----"

"Ano ka ba,wag mo ngang idown yung sarili mo.Magaling kang setter babe at deserve mo ang maging part ng national team.Next game ng national team sabay tayong magtatry out" nakangiti kong sabi sa kanya

"Sige na nga" sagot niya

Ilang minutes lang ay nakarating na kami sa bahay ni Lolo,nagpark na ako at bumaba na kami dala yung gift namin.Hinawakan namin si Brie sa magkabilang kamay

Marami ang bisita nila kasi fiesta din kasi ngayon dito eh

Pagpasok namin lumapit kami agad kay Ate Maica

"Hi Ate" sabi namin sa kanya

"Oh buti naman at nakarating kayo" sabi niya samin "Hello Brie"

"Hi po" sabi ni Brie sa kanya

"Ate gift nga pala naming tatlo" inabot ko yun sa kanya

"Thank you" sabi niya

"Baby oh,si Miko" sabi ni Deanna

Binuhat niya si Brie para makita si Miko

"Syeep siya" sabi ni Brie

"Sleepy na kasi siya kaya natulog siya" sabi ko sa kanya

Lumapit naman sina Papa samin kaya nagmano kami sa kanila

"Kanina pa ba kayo?" tanong ni Lolo

"Kararating lang po namin" sagot namin

"Yo b oh,syeep" sabi ni Brie at tinuro si Miko

"Oo nagsleep si baby" sabi ni Lolo sa kanya "Ikiss mo si baby para mahimbing yung tulog niya"

Kiniss niya sa pisngi si Miko,nakipagkwentuhan muna kami sa kanila at pinakuha na nila kami ng food kasi lunch time na eh.Si Brie naman sinama nila Papa,ipapakilala niya daw sa mga co-teachers nila

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon