Chapter 28

5.6K 123 13
                                    

Jema's POV

February na ngayon at unti unti namang nagiging okay yung business namin.Pinaprocess na rin namin yung papers sa pag adopt kay Brie,ichicheck pa daw nila kami in 6months yata yun if kaya nga talaga namin siyang algaan

Magaling na yung mga pasa niya pero lagi pa rin siyang umiiyak bigla tsaka parang natatakot siya,naaalala niya yata yung ginawa ng parents niya

Kapag niyayakap namin siya para ipafeel na hindi namin siya sasaktan,tumatahan rin naman siya at nawawala yung takot niya.Tinuruan rin kami ni Mama ng mga dapat gawin sa pag aalaga ng bata

May time rin na inaaway siya ni Deanna yung kapag magdadaldal si Brie sasagot ni Deanna na inaaway siya tapos kapag nakayakap si Brie sakin aalisin niya yung kamay ng bata at siya yayakap sakin,parang dalawang baa na yung inaalagaan ko

Bukas yung Chinese new year's eve at first time daw na hindi niya makakasama ang totoong family niya na magcelebrate ng Chinese new year

Kakauwi ko lang ngayon dito sa condo galing sa school,mamaya aalis naman ako ulit para sa training.Pagdating ko sa unit namin nagmano ako kela Papa

"Hi baby" nakangiti kong sabi kay Brie

Ngumiti naman siya sakin at niyakap ko siya then hinalikan sa forehead,pinakiss ko siya sa cheeks ko at nagkiss rin naman siya

"Kamusta po yung check up ni Brie?" tanong ko kela Mama

"Maayos naman,may nireseta yung doctor sa kanya na vitamins at may nirecommend siyang gatas.Mahal nga lang pero maganda daw yung epekto,nakakatulong daw para sa utak at kalusugan ng bata" sagot ni Mama sakin

Binigay niya sakin yung reseta at sinabi niya naman sakin yung iba pang sinabi ng doctor.Nag excuse na muna ako at pumasok sa kwarto

Inayos ko muna yung bag ko para mamaya then nagpalit na ako ng damit tapos kinuha ko yung phone ko at nagvideocall kay Ate Cy

"Hi Ate Cy,sorry po nakakaistorbo po ba ako?" tanong ko sa kanya

"Hey Jema,no hindi naman saktong kakatapos ko lang sa ginagawa ko" sagot niya sakin "Napatawag ka?"

"Ate paano ko po makakausap yung parents niyo?I mean yung kahit videocall lang,may gusto lang po sana akong sabihin" sabi ko

"I'm here naman sa bahay kaya dito mo nalang sila kausapin,teka pupuntahan ko lang sila" sagot niya sakin

Hindi na muna ako nagsalita kasi naglalakad siya

"Dad,Mom kakausapin daw kayo ni Jema.Please hear her first" rinig kong sabi ni Ate Cy

Binigay niya na yung phone niya

"Good afternoon po Mr. and Mrs. Wong" bati ko sa kanila

"Why do you want to talk to us Ms. Galanza?" tanong ng Mommy nila

"Ma'am,Sir gusto ko lang po sana kayong kausapin tungkol kay Deanna,pwede niya po ba kayong makasamang magcelebrate bukas?kahit naman po kasi hindi niya sabihin alam kong nalulungkot siya kasi first time niyang hindi kayo kasama sa Chinese new year,gusto kong maging masaya si Deanna kaya please po" sabi ko sa kanila

"She's not part of our family anymore so why should we celebrate with her?" tanong naman ng Daddy nila

"Hindi na nga po siya part ng family niyo pero anak niyo pa rin si Deanna.Sir okay lang po kung hindi niyo talaga ako matatanggap pero si Deanna lang po ang iniisip ko,matapang man siya dahil sa kinalaban niya kayo pero sa araw araw na magkasama kami nakikita ko yung lungkot sa mga mata niya tuwing naaalala niya yung nangyari sa inyo.Nakikiusap po ako sa inyo,sana po mas mangibabaw yung pagiging parents niyo" sabi ko

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon