Jema's POV
Halos 2 weeks ng nanliligaw si Deanna sakin,maayos naman yung panliligaw niya kahit hindi daw siya marunong.Nung nakaraang gabi pumunta pa siya dito para mangharana,yun daw kasi yung nakita niya sa internet na ginagawa sa nililigawan.Mas maganda daw yun dahil pangPinoy
Hindi naman siya nagfail na pangitiin ako araw araw,pinaparamdam niya talaga sakin na seryoso siya.Yung kahit sa kacornyhan game na game siya para lang mapasaya ako :)
Nung nakaraang araw una niyang nameet ang mga kapatid ko at ngayon niya pa lang mamimeet sina Papa dahil kanina lang sila dumating dito sa Manila
Alam na rin naman nila ang tungkol kay Deanna pero hindi naman sila nagtatanong sakin tungkol sa kanya,pagkasabi kong nililigawan ako ni Deanna tumango lang sila
Kakatapos lang ngayon ng graduation ceremony namin pero hindi nakaattend si Deanna dahil busy daw siya
"Anak halika" tawag ni Papa sakin
"Bakit Pa?" tanong ko paglapit ko sa kanya
"Magpapicture kayo ni Fhen" nakangiti niyang sabi
"A-----"
"Please anak" sabi niya
Napabuntong hininga nalang ako at pumayag sa gusto niya,after ng picture taking lumabas na kami.Marami naman ang nagcongrats samin
Sumakay na kami ng sasakyan at hinubad ko na yung suot kong toga,nagdrive na si Papa paalis at nakasunod naman sina Tito sa likod dahil sabay daw kaming magdidinner
"Saan nga pala tayo magdidinner?para masabihan ko si Deanna" tanong ko sa kanila
"Dun sa ***** hotel,may eat all you can ang resto nila" sagot ni Mafe
"Eh ang mahal dun eh,5star hotel yun" sabi ko
"Mura lang ngayon kasi may promo sila,nandun na rin sina Lolo" sagot nila
Tinext ko nalang si Deanna kung saan para makapunta siya at maipakilala ko siya sa pamilya ko
"Akala ko ba tayong magpamilya lang?" tanong ni Papa
"Hindi naman po natin pamilya sina Fhen pero sinama niyo kaya papapuntahin ko rin si Deanna" sagot ko sa kanya
"Pero alam mo na parang magkapatid na kami ng Tito m------"
"Pa please lang ayokong mag away tayo dahil lang sa kanila kaya hayaan niyo nalang po ako na papuntahin si Deanna at hahayaan ko rin po kayo na papuntahin sina Tito" sabi ko
Wala naman siyang nagawa at hindi na siya sumagot,natahimik nalang kami hanggang sa makarating na kami sa hotel na sinabi ni Mafe
Bumaba na kaming lahat at naglakad na
"Excuse me,Ms. Jema Galanza" sabi ng isang staff na lumapit samin
"Yes?" tanong ko
"May nagpapabigay po" inabot niya sakin yung isang boquet ng flowers "This way po Ma'am,Sir"
Nagtaka naman ako kung bakit may paganito pa,sumunod nalang kami sa babae at siya ang nagguide samin sa kung saan.Hindi naman kami pumunta sa resto nila
Maya maya lang ay tumigil kami sa tapat ng isang pinto,may kinausap siyang kasamahan niya tapos pumasok siya sa loob.Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at pinapasok na kami
BINABASA MO ANG
This Time
FanfictionSince I lost my other story 'forgive and forget' I decided to make this one but its not exactly the same.I hope you enjoy 😊