Chapter 46

4.2K 95 3
                                    

Jema's POV

April na ngayon at wala pa naman ang official training namin para sa reinforced tsaka nag aantay nalang kami ni Deanna ng graduation namin next month

Kakadating lang namin dito ngayon sa Italy para sa vacation treat namin sa parents namin and of course kasama namin si Brie.Papunta na kami ngayon sa hotel

"Mommy bat na" sabi ni Brie at pinakita yung iPad niya

"Tonight ka naman magplay ha" tumango naman siya sakin

Tinago ko na yung iPad niya at humiga siya,nasa lap ni Deanna yung ulo niya habang nasa lap ko naman ang paa niya

Pinapayagan na rin ni Deanna na magkita si Brie at ang nanay niya pero once a week lang.Hindi ko naman siya kinokontra kasi ayokong mag away pa kami dahil dun

Baka nga hindi na matandaan ni Brie ang nagawa ng nanay niya sa kanya kaya hinahanap niya na,unti unti na rin silang nagiging close

Nagkukwentuhan naman si Deanna at Brie ng kung ano ano,kumakanta kanta pa si Brie ng mga nursery rhymes

Maya maya lang ay tumigil na yung sasakyan sa harap ng isang hotel.Bumaba na kami at pumasok na sa loob,sinalubong naman kami agad ng pinsan ni Deanna

Siya kasi ang may ari ng hotel na to

"Hi Tita,Tito,Sachi,Jema and Brie" nakangiti niyang sabi

"Hi Anika/Ate Anika/Achi" nakangiti rin naming sabi

Kilala niya na rin naman sina Papa kaya naghi lang din siya sa kanila

"Come on I'll show you your room" sabi niya samin

Sumakay na kami ng elevator,nagkwentuhan lang kami and kinakausap niya rin si Brie

Pagdating namin sa 10th floor lumabas na kami

"Here's your key cards" binigay niya samin yung key cards

Bigla namang may tumawag sa phone niya kaya nag excuse muna siya,maya maya lang ay bumalik siya dito

"Sorry but I need to go I have a meeting,just tell the staffs if you need or want something" sabi niya

"Thank you Anika" sabi nila Tito

Nakipagbeso muna siya samin ni Deanna then nagkiss si Brie sa pisngi niya tapos umalis na siya

"Aalis ba tayo later or tomorrow nalang?" tanong ni Deanna

"I think tomorrow nalang Sachi,its 3pm na eh" sagot ni Tita

"Okay,we'll see you nalang later sa dinner" sabi niya

Pumasok na sina Tito sa room nila,hinatid naman namin sina Papa.Nung okay na sila lumabas na kami at pumasok na rin sa room namin

Umupo na silang dalawa sa bed at inayos ko naman yung maleta namin

"Change your clothes muna babies" sabi ko sa kanilang dalawa

Binigyan ko sila ng damit,si Deanna pumunta sa banyo at ako naman pinalitan ng damit si Brie

"Watch ko Mii" sabi niya at tinuro yung t.v

Inon ko yun at nagsearch ng cartoons

"Okay na yan baby?" tumango siya

Hinayaan ko na siyang manuod at kumuha na ako ng damit,lumabas na si Deanna at ako naman yung pumasok

Nagpalit na muna ako ng damit then lumabas na,chinarge ko muna yung iPad ni Brie then umupo ako sa tabi ni Deanna busy siya sa phone niya

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon