Jema's POV
Papunta kami ngayon ni Deanna sa Laguna,nagtraining nalang ako kaninang umaga at sa hapon na ako excuse.Siya ang nagdadrive ngayon,tinuturo ko naman sa kanya yung daan
After ng mahabang biyahe nakarating na kami ng Laguna,tinuro ko sa kanya yung daan papunta naman samin
"Daan muna tayo dyan sa cake shop babe,bibili lang ako ng cake" sabi ko sa kanya
"Okay" sagot niya sakin
Nagpark na siya sa harap ng cake shop,bumaba na kaming dalawa at pumasok sa loob then nagtingin tingin kami sa mga cake
"Babe diba sabay rin yung celebration ng birthday ni Mafe?" tanong niya
"Yep" sagot ko "Bakit babe?"
"Bili nalang din tayo ng cake for her" sabi niya sakin
"Ipalagay nalang natin sa cake yung name ni Mafe,magastos kung dalawa pa eh" sabi ko sa kanya
"Ibahin nalang natin hindi naman siya nakapagcelebrate nung birthday niya" sabi niya
"Sige na nga" sagot ko
Pumili na kami ng cake and siya nagbayad ng isang cake,iba naman daw kasi ang birthday ni Mafe sa birthday ni Papa.Since 18 na si Mafe,3layer na cake yung binili niya
Pagkatapos nun lumabas na kami at nilagay na yun sa likod ng sasakyan,sumakay na kami at nagdrive na siya ulit
Tinuro ko naman sa kanya kung saan kami pupunta,nagkwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay nila Lolo
"Bahay niyo to babe?" tanong ni Deanna sakin
"Kela Lolo to,dito na nila nilagay yung birthday ni Papa para hindi na sila bumiyahe pa.Dito lumaki sina Papa,saktong umuwi ang bunso nila galing Italy kasi OFW siya dun.Gusto ni Lolo na makumpleto ulit ang mga anak niya dito sa bahay nila" sagot ko sa kanya
Tumango naman siya sakin,pinapark ko siya sa tabi ng sasakyan nila Papa then bumaba siya agad at pinagbuksan ako ng pinto.Bumaba na ako at kinuha niya na yung mga cake
Nilock niya yung sasakyan niya at naglakad na kami papasok ng bahay.Pagpasok namin nandito na yung mga bisita ni Mafe at mga bisita ni Papa
"Pa happy birthday po" bati ko sa kanya at niyakap siya
"Thank you anak" nakangiti niyang sabi sakin
"Happy birthday po Tito" bati rin ni Deanna sa kanya
"Salamat" sagot ni Papa
Binigay ko kay Papa yung cake niya at pinalagay ko kay Deanna yung cake na hawak niya sa mesa,tinawag namin si Mafe
"Bakit Ate?" tanong niya samin
"May binili si Ate Deanna mo sayo" sagot ko sa kanya
"Open it" sabi ni Deanna
Binuksan niya naman yung cake at tuwang tuwa siya sa cake niya
"Thank you Ate Deanna" nakangiti niyang sabi
Niyakap niya si Deanna at niyakap rin siya ni Deanna
"Belated happy birthday Mafe" sabi ni Deanna sa kanya
After nun pumunta kami kela Lolo nagmano ako sa kanila,pinakilala ko rin si Deanna sa iba pa naming relatives
Binigyan kami ni Mama ng plato at kumuha na kami ng pagkain then umupo na sa sofa
BINABASA MO ANG
This Time
FanfictionSince I lost my other story 'forgive and forget' I decided to make this one but its not exactly the same.I hope you enjoy 😊