Chapter 20

5.9K 118 1
                                    

Jema's POV

Birthday ko ngayon at may game kami mamaya,wala akong pasok ngayong araw kasi excuse ako every Wednesday pero kapag may game lang naman

Since pareho kaming may game today wala kaming training ngayong umaga

Nakakainis lang kasi parang hindi naalala ni Deanna na birthday ko eh.Hindi ko alam kung gumaganti lang ba to dahil huli ko na siyang binati nung birthday niya o talagang nakalimutan niya

"What's wrong babe?you're so quiet" tanong niya sakin

Kakatapos lang namin magbreakfast at nandito kami sa sala

"Wala" sagot ko

"I know you baby so tell me what's wrong" sabi niya

"Wala nga" sagot ko sa kanya "Himala yata at hindi ka busy"

Nung mga nakaraang araw kasi lagi na siyang busy ewan ko ba kung anong pinagkakabusyhan ng babaeng to 😑

"May game later eh" sagot niya sakin

"Ano bang pinagkakabusyhan mo?araw araw nalang" tanong ko

"School stuffs" sagot niya

"School stuffs o may iba kang pinagkakabusyhan?" mahinang bulong ko

"Did you say something babe?" tanong niya sakin

"Wala" sagot ko sa kanya

Bigla namang nagring yung phone niya

"Hello ....... Wala naman,I'm here lang sa condo with Jema ........ Okay sige,see you" binaba niya na yung phone "Nandito sina Althea sa Manila,aalis tayo to meet them"

"Kailangan ko pa bang sumama?" tanong ko sa kanya

"Yes,I don't want you to be alone here.Tsaka para maging good mood ka,kanina ka pa bad mood eh" sagot niya sakin

"Ikaw kasi nakakainis ka" sabi ko at inirapan siya

"What did I do?" tanong niya

"Ewan ko sayo" sabi ko at pumasok nalang sa kwarto

Nagpalit na ako ng damit,nagdenim shorts lang ako at polo shirt na white then sneakers na white

Nag ayos na ako at lumabas na,si Deanna naman yung sunod na nagpalit ng damit

"Lets go babe" sabi niya paglabas niya

Nilock ko na yung unit namin at sumakay na kami ng elevator,hindi ko naman siya kinakausap at hindi rin siya nagsasalita

Pagdating namin sa lobby lumabas na kami at pumunta na sa parking lot then sumakay na kami sa sasakyan niya tapos nagdrive na siya paalis

Inon ko yung radio ng sasakyan at nakinig sa music habang nagsscroll lang sa twitter.Mabuti pa yung mga fans nakaalala ng birthday ko

"I think I forgot something" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya

"Meron talaga" sagot ko

Nag isip naman siya kung ano yung nakalimutan niya

"Ah I remember na,may nakalimutan pala akong sabihin sayo" naalala na yata niya na birthday ko ngayon "I can't watch nga pala ng game niyo later kasi I need to go to school after our game,kukunin ko yung book sa lib kasi wala pa daw ngayon so later ko babalikan.Kailangan ko yung book eh"

"Yun lang sasabihin mo?wala ka bang ibang naaalala?" tanong ko sa kanya

"Wala na,meron pa ba akong dapat sabihin?" tanong niya rin

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon