Jema's POV
1week na sina Deanna sa Japan at 1week na rin kaming hindi nag uusap kasi kinuha yung gadgets nila para makapagfocus sila sa training.Dahil hindi naman kami magkausap nagfocus nalang ako sa pag aaral at sa business namin pati na sa training
Halos wala na akong free time kasi everyday may project o di kaya presentation na pinapagawa sakin sa mga 4th year na subjects ko
Pansin ko lang na parang biglang naging ganito ang pag aaral ko I mean yung biglang humirap,pero baka ganito lang talaga pag4th year kasi malapit ng maggraduate
Sumabay pa dun yung problema sa business namin kasi unti unting humihina at yung ibang mga employees nagreresign
Kakauwi ko lang ngayon dito sa condo galing sa school at mamaya aalis rin naman ako para naman sa training namin
Nagpalit na muna ako ng damit at tinapos na yung project ko habang nagmemeryenda,bigla namang may nagdoorbell kaya tumayo ako at binuksan yung pinto
"Ma,Pa kayo po pala" nagmano ako sa kanila at pinapasok sila
Sinara ko yung pinto at pinaupo sila
"Busy ka ba anak?baka nakakaistorbo kami" tanong ni Papa
"Hindi naman po Pa" sagot ko habang kumuha ng meryenda nila
Nilapag ko sa mesa yung meryenda nila at umupo na rin
"Kamusta ka naman dito anak?" tanong ni Mama
"Okay naman po Ma" sagot ko
"Mukhang hindi ka na nakakapagpahinga ng maayos" sabi ni Papa
"Tambak yung gawain sa school eh,laging may presentation o di kaya project sa mga subjects ko na pang4th year" sagot ko sa kanya "Iniisip ko rin po kasi kung paano maibabalik sa dati yung business namin,unti unti na po kasing humihina tapos yung ibang mga employees nagreresign.Kung magpapatuloy pa po yun wala ng choice kundi ang isara yung store"
"Eh ano ba ang sabi ni Deanna tungkol dyan?" tanong niya
"Hindi niya pa po alam eh,kinuha kasi yung mga gadgets nila para makapagfocus sila sa training" sagot ko
"Ganun talaga sa negosyo anak hindi laging sa taas,kahit sa buhay natin dapat iexpect na natin na dadaan pa rin tayo sa hirap bago umasenso" sabi ni Papa sakin
"Nga pala Ma,Pa may nahanap na ba kayong bahay?" tanong ko sa kanila
"Wala pa eh,wag mo na munang intindihin yun" sagot nila
"Bakit nga po pala kayo pumunta dito?I mean hindi pa naman weekends eh,usually weekends kayo pumupunta dito" sabi ko
Nagkatinginan naman silang dalawa
"May problema po ba?" tanong ko sa kanila
"Ah w-wala anak,wa-----"
"Ma,Pa yung totoo" sabi ko
"Ang totoo kasi niyan anak nawalan kami ng trabaho pati na ang Ate mo" sabi ni Papa
"Ha?bakit?" tanong ko sa kanya
"May bumili ng lupa ng paaralan,gusto niya daw na magtanggal ng mga teachers para daw palitan ng mga bago" sagot ni Mama
"Paano?eh hindi naman pwedeng ibenta yun" sabi ko
"Yun na nga eh,wala rin naman silang sinabi kung sino ang bagong may ari nun" sabi ni Papa sakin
"Tinanong namin kung sino pero ang sabi lang mayamang negosyante,yun lang" sabi pa ni Mama
BINABASA MO ANG
This Time
FanfictionSince I lost my other story 'forgive and forget' I decided to make this one but its not exactly the same.I hope you enjoy 😊