Jema's POV
Tapos na ang laro namin sa Thailand kaya pauwi na kami ngayon sa Pilipinas.Ngayong araw yung opening ng PVL at pagbalik namin back to training na rin kami agad simula bukas pero sa hapon pa kami magtetraining
Kakalapag lang ng plane kaya nag ayos na kami,maya maya lang ay bumaba na kami.Kinuha na namin yung mga dala namin
"May sundo ka ba Jema?kung wala sabay ka na samin,susunduin ako ni Miguel on the way naman yung condo niyo eh" tanong ni Ate Jia habang naglalakad kami
"Wag na Ate,magcocommute nalang po ako" sagot ko sa kanya
May game kasi sina Deanna at sina Papa naman umuwi na ng Laguna kasi gagabihin sila kung aantayin pa nila ako kaya walang susundo sakin
"Sumabay ka nalang,isasabay rin namin si Alyssa eh" sabi niya
Minsan nag a-ate naman siya kay Ate Ly lalo na kapag seryosong usapan pero madalas talaga Ly or Aly lang ang tawag niya,hindi naman nagrereklamo si Ate Ly
"Sige po" sagot ko
Pagkatapos naming maipacheck yung mga dala namin naglakad na kami palabas,may iba naman na nagpapapicture kaya natagalan kami sa paglabas.Paglabas namin nakita naman namin agad si Kuya Miguel
"Babe isabay nalang natin sina Jema at Aly,wala silang sundo eh" sabi ni Ate Jia sa kanya
"Sure no problem" sagot niya
Nagpaalam na kami kela Coach at pumunta na kami sa sasakyan ni Kuya Miguel,kinarga na yung mga gamit namin then sumakay na tapos nagdrive na siya paalis
Tinext ko si Deanna na sa condo siya magdinner at naglive stream kami ng game nila,malapit na rin namang matapos yung game nila
Nanuod lang kami habang nagkukwentuhan lang hanggang sa makarating kami sa condo namin
Bumaba na ako at tinulungan naman ako ni Kuya Miguel na ibaba yung gamit ko
"Tulungan ka nalang namin na iakyat to sa unit niyo baka mahirapan ka eh" sabi ni Kuya Miguel sakin
"Wag na Kuya,kaya ko naman to eh" sabi ko sa kanya
"Sure ka?" tanong niya
"Opo,thank you Kuya,Ate Jia,Ate Ly.Ingat po kayo" sagot ko
Ngumiti lang sila at kumaway then umalis na,naglakad naman ako papasok sa loob.Sumakay na ako ng elevator at pinindot na yung 25th floor
Maya maya lang ay nakarating na ako sa floor namin,lumabas na ako ng elevator at naglakad na papunta sa unit namin.Kinuha ko yung susi at binuksan yung pinto,pumasok na ako at sinara na yung pinto
Dumiretso ako sa kwarto namin,nilagay ko sa bed yung mga dala ko.Kumuha muna ako ng damit at nagpalit
Pagkatapos nun binuksan ko yung maleta ko at nilagay sa laundry yung mga damit na kailangang labhan,yung iba naman napalaundry na namin pero ipapalaundry ko lang ulit
Iba kasi yung gamit nilang sabon at fabcon dun sa laundry shop sa Thailand,hindi ako sanay sa amoy eh
After kong ayusin yung mga gamit ko,nilagay ko sa gilid yung pinamili kong pasalubong para kela Papa at nasa bed naman yung para kay Deanna
Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa sala,pagbukas ko ng t.v tapos na yung game nila Deanna.Inoff ko nalang yung t.v at inon yung speaker then nagpatunog ng music
Pumasok ako sa kwarto at tinext ko sina Papa na nandito na ako sa condo,tumingin ako sa social media at nakita kong nanalo sina Deanna sa laro nila
BINABASA MO ANG
This Time
FanfictionSince I lost my other story 'forgive and forget' I decided to make this one but its not exactly the same.I hope you enjoy 😊