Chapter 42

4.3K 98 5
                                    

Jema's POV

Nandito na kami ngayon sa Maldives,hindi na nakasama ang ibang mga lady eagles kasi nasa mga hometown pa nila at yung mga kaibigan ni Deanna yung iba nasa ibang bansa.2days pa lang kami dito and sa Sunday kami uuwi ng Pilipinas

"So paano natin madidistract si Jia?baka kasi pag bigla kayong mawala magtaka siya" sabi ni Ate Mich

Nakatulog si Ate Jia ngayon kaya may time kaming magplano,mamaya kasi yung balak ni Kuya Miguel

"Oo nga,tsaka hindi madaling magreason kay Jia" sabi pa ni Ate Ly

"Alam ko na" napatingin kami kay Bea "Time for some acting,we need a person na alam ni Ate Jia na hindi siya kayang iprank"

"Parang magandang idea yan" sabi ni Ponggay

"I know kung sino ang magiging actress for today" sabi ni Ate Ly

Bigla naman silang napatingin sakin

"Wag niyong sabih----"

"You're a kind person Jema so she won't think na pagtitripan mo siya" sabi ni Kuya Kief

"Baka magalit si Ate Jia sakin" sabi ko sa kanila

"She won't get mad at you babe" sabi ni Deanna

"Please Jema" sabi ni Kuya Miguel

"Sige na nga,payag na ako" tuwang tuwa naman sila "Ano bang gagawin ko?"

"Ganito,kunwari nag away kayo ni Deanna habang pabalik sa room niyo.Ititext ako ni Deanna if dadaan na kayo sa room namin para saktong ayain ko si Jia na lumabas,basta yun kayong bahala kung paano" sabi ni Ate Ly

"Eh what's the reason of our fight?" tanong ni Deanna

"Kunwari Jema saw you with a girl then pagbibintangan ka niyang you're cheating" sabi ni Maddie

"Sige" sagot naming dalawa

Umalis na si Ate Ly papunta sa room nila kasi baka magising si Ate Jia,saktong dumating ang family ni Ate Jia at ni Kuya Miguel

Hinatid na sila ni Kuya Miguel sa tutuluyan nila,nag usap naman kami ni Deanna ng tungkol sa acting101 namin mamaya

"Para intense dapat may sampalan" sabi ni Maddie

"Oy Ate Mads walang ganyan,spiker yan eh.Hampas pa nga lang sa shoulder masakit na eh" sabi ni Deanna

"Parang maganda nga yung may sampalan kasi diba kapag nagcheat yung partner mo nasasampal mo dahil sa galit" sabi ko

"So hindi mo ko nasampal nun kaya ngayon mo ko sasampalin?ganun?" tanong niya sakin

"Bakit,nagcheat ka na ba Deans?" tanong ni Ponggay

"Y----"

"Hindi pa siya nagchicheat,biro niya lang yun pero subukan niya.Hindi lang sampal aabutin niya" sabi ko sa kanila

Hinawakan ko naman yung kamay ni Deanna

"Guys excuse muna kami ha,maglilibot libot lang" sabi ko

"Sige magdate na kayo" sagot nila

Tumayo na kami at naglakad palayo sa kanila

"Bakit ganun sinabi mo?" tanong niya sakin

"Hindi na nila dapat na malaman pa yun,tapos na yun eh.Okay na yun" sagot ko sa kanya

Ngumiti nalang siya at hinalikan ako sa noo

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon