Deanna's POV
It's 31st of December and nandito kami ngayon sa Cebu,minsan lang din naman kasi kami makapunta dito dahil may pasok sina Brie
Kasama namin na pumunta dito sina Mama and si Mafe while sina Ate Jovi naiwan sa Laguna
Since its Sean's first new year nagpaparty sina Mommy,ininvite nila lahat ng friends nila.Hindi nalang namin sila kinontra kasi sabi ni Jema minsan lang daw naman to
Dahil wala naman kaming ginagawa sa bahay papunta ako ngayon kela Althea kasi nag aya silang tumambay.Hindi naman nakasama si Jema dahil umalis rin sila nila Achi at Ditchi kasama si Mafe
We don't have to worry naman about our kids kasi nandun naman sina Mommy and si Sean lang naman tsaka si Yel ang kailangang bantayan kasi maliliit pa
Pagdating ko I parked my car and bumaba na,pinapasok rin naman ako agad ng guard nila then dumiretso ako sa backyard nila
"Ayan kumpleto na tayo" sabi ni Gerald
Umupo naman ako
"Hindi mo yata kasama ang asawa mo?" tanong ni Megan
"Umalis sila nila Achi eh" sagot ko
"Oh,bawal tumanggi.New year naman" sabi ni Josh and binigyan ako ng isang bottle ng beer
Ngumiti nalang ako and kinuha na yun,hindi naman siguro magagalit nito si Jema
Uminom na ako at nagkwentuhan lang kami just like what we do before
"Nakakamiss yung ganito" sabi ko
"Ang layo mo kasi eh,lipat nalang kaya kayo dito?" sabi ni Althea
"Nasa Manila yung company namin eh tsaka ayaw lumipat ng mga bata" sabi ko sa kanya
"Pero hindi mo ba namimiss tumira dito sa Cebu?" tanong ni Yesha
"Namimiss naman pero baka mahirapan sina Brie pag lumipat kami eh,dun na kasi lumaki si Brie" sagot ko
Since minsan lang ang ganitong moment nagkwentuhan kami about our memories nung dito pa ako nakatira sa Cebu
"Paano kaya kung hindi kayo naghiwalay ni Jam?ka-----"
"Megan stop it" sabi ni Jam
"What?I'm just asking" sabi ni Megan
"What do you want to ask ba?" tanong ko
"Kayo pa kaya ngayon kung hindi kayo naghiwalay?" si Mark na yung nagtanong
"Wag mo ng sagutin" sabi ni Jam
"Don't you wanna hear my answer?" hindi naman siya nakasagot "Hindi ka pa rin ba nakakamove on?"
"Deans alam mo kung gaano kita minahal nun kahit ang sama ng ugali ko minsa,alam mo na sobrang mahal kita.Alam niyong lahat na ikaw lang yung minahal ko ng sobra kaya hanggang ngayon ang hirap kalimutan" sabi niya na mukhang paiyak na siya
Ngayon lang kami ulit mag uusap about samin kasi she's always avoiding this topic but I think mas mabuti na yung maayos ang lahat baka it can help her to move on
"Alam mo Jam,kung hindi tayo naghiwalay baka ikaw yung pinaglaban ko sa pamilya ko and baka ikaw yung pinakasalan ko kasi alam mo,alam niyong lahat kung gaano kita kamahal nun.Pero masyado kang nagmamadali,hindi mo man lang inisip kung gaano kahirap sakin na umamin sa pamilya ko.Instead of giving me strength to stand up for myself,inaaway mo lang ako because of the same reason.Oo alam kong mahirap ang naging sitwasyon natin pero kung talagang mahal mo ko maiintindihan mo yung situation natin" sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
This Time
FanfictionSince I lost my other story 'forgive and forget' I decided to make this one but its not exactly the same.I hope you enjoy 😊