Jema's POV
Ilang araw na ang lumipas after ng first meet namin ni Deanna and naging close na kaming dalawa,ewan ko ba pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya
May game sila ngayon against FEU kaya nandito ako ngayon sa arena nanunuod ng game nila.Nakita naman ako nila Ate Ly kaya dito sila umupo sa tabi ko
"Kanina ka pa Jema?" tanong ni Ate Jia
"Opo Ate" sagot ko
"What's going on between you and Deanna?always present ka na sa games ng Ateneo eh" tanong ni Ate Ly at ngumiti
Yung ngiti na may ibig sabihin
"Friends lang po kami,inaaya niya kasi akong manuod at dahil wala naman akong ginagawa sa apartment nanunuod nalang ako dito" sagot ko sa kanya
"Akala namin may something eh,bagay pa naman kayo" sabi nilang dalawa
"Luh,friends lang po talaga kami ni Deanna" sabi ko
Nagkwentuhan lang kaming tatlo dito at tinutukso nila ako kay Deanna,wala namang masyadong tao sa tabi namin kaya wala nakakarinig.Isa pa maingay naman dito sa arena
Ilang minuto lang ay natapos na ang game nila at natalo ang Ateneo,hindi sila nakapasok sa finals.Nakita naman ni Deanna sina Ate Jia kaya lumapit siya dito at yumakap kay Ate Jia,umiiyak siya
Mga 5minutes yata silang magkayakap then pumunta na sila sa dug out nila
"Sama ka samin Jema,punta tayo sa dug out nila" sabi ni Ate Ly sakin
"Wag na po Ate kayo nalang po,nakakahiya eh hindi naman po ako Atenista" sagot ko sa kanya
"Kaibigan ka ni Deanna at Coach mo rin naman yung Coach nila,tara help us to make Deanna feel better.We're sure na sinisisi niya ang sarili niya dahil natalo sila" sabi ni Ate Jia
Wala naman akong nagawa kaya sumama nalang ako sa kanila at pumunta na kami sa dug out ng Ateneo.Pagpasok namin tahimik silang lahat,nakita ko naman si Deanna na nasa gilid lang at mukhang umiiyak pa rin
Nagsign naman sina Ate Ly na lapitan ko na si Deanna kaya nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya
"Tahan na wag ka ng umiyak Deanna" sabi ko sa kanya
"Maybe I'm a useless setter,hindi man lang umabot ang team namin sa finals.I will never be a good setter like Ate Jia" nakayuko niyang sabi at halatang umiiyak "This is my fault"
"Wala kang kasalanan,baka hindi lang to ang season para sa inyo.3rd year ka palang may 2 chances ka pa para maipachampion ang team niyo.Alam kong hindi madali ang responsibility mo sa team niyo kasi hindi basta bastang setter ang pinalitan mo pero tandaan mo na lahat kayang mag improve" sabi ko at pinaharap ko siya sakin
Pinunasan ko yung mga luha niya at niyakap siya
"Bawi nalang kayo next year,wag ka ng umiyak" sabi ko sa kanya
Niyakap niya rin ako ng mahigpit
"Thank you Jema,thank you for being here" sabi niya sakin
"Kaibigan mo ko kaya nandito lang ako lagi para sayo" sabi ko naman at humiwalay ako sa pagkakayakap "Smile ka na"
Pero hindi pa rin siya ngumingiti,pinaform ko ng nakasmile yung lips niya at ngumiti rin ako sa kanya
"Sabi ko sayo mas bagay sayo ang nakasmile kasi mas nagiging cute ka kaya wag ka ng malungkot" sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
This Time
FanfictionSince I lost my other story 'forgive and forget' I decided to make this one but its not exactly the same.I hope you enjoy 😊