Jema's POV
Halos 3 weeks na si Deanna sa Cebu dahil ayaw pa siyang pabalikin ng mga kapatid niya,wala pa naman daw silang training at namiss daw kasi siya ng mga kapatid niya.Araw araw naman kaming dalawa magkausap
Nag sisimula na rin yung training namin para sa national team kasi maglalaro kami sa AVC
Kahit araw araw kaming magkausap,hindi namin napag uusapan yung tungkol sa nagtrending na issue samin ni Sky.Ayaw niyang pag usapan yun eh
"Jema kailan uwi ni Deanna?" tanong ni Ate Jia
"Wala siyang nababanggit eh,tinanong ko siya kagabi sabi niya malalaman ko lang daw pag nandito na siya" sagot ko
"May pasurprise yata ang jowa mo" sabi ni Bea
Nandito rin sila sa BEG nakitraining samin kasi bored daw sila eh
"Ewan ko ba dun,ang daming alam ng batang yun" sabi ko sa kanila
"Nga pala,anong sabi ni Deanna tungkol dun sa post ni Sky?" tanong ni Ponggay
Oo nga pala after nung issue na yun napost si Sky na totoong kami daw at ayoko lang ipublic yung relationship namin
"Yun ang pinagtataka ko kasi wala siyang sinabi,sabi niya hayaan ko nalang daw si Sky.After nun ayaw niya ng pag usapan pa yun kasi nagsasayang lang daw kami ng oras kung aatupagin pa namin yun" sagot ko sa kanya
"I don't know what's on her mind to let him tell the world na girlfriend ka niya" sabi ni Ate Ly
"Its sort of she's letting that Sky took her place as your partner or lover" sabi ni Maddie
"Hey girls" napaligon kami
"Ano nanaman ang ginagawa mo dito?!" inis na tanong ko kay Sky
"Sinusundo ka" sagot niya
"Ahm Sky may meeting kasi kami nila Coach kaya hindi pa pwedeng umuwi si Jema" sabi ni Ate Ly
Tumingin ako sa kanya at tumingin siya sakin na parang sinasabi na makisabay nalang ako sa sinasabi niya
"Ah oo nga pala muntik ko ng makalimutan kaya umalis ka na baka matagal pa kami matapos sa meeting" sabi ko sa kanya
"Its okay I can wait" sagot niya at ngumiti
"Sky we know that you're not really Jema's boyfriend,as her friends can you tell us why you're doing this?" sabi ni Bea
"Because I'm courting her,wether she allow me or not s-----"
"May girlfriend ako Sky,kahit wala dito si Deanna respetuhin mo naman siya at ang relationship namin" sabi ko
"Maghihiwalay din naman kayo,pinapatagal niyo lang eh.Mapapasakin ka rin naman so I don't need to think about your relationship with her.Look Jema halata namang hindi ka mahal ni Deanna" sabi ni Sky sakin
"And where did you get that information?" tanong nila Ponggay
"If she loves her bakit wala man lang siyang ginawa nung pinagkalat kong boyfriend ako ni Jema?sige nga bakit tahimik lang siya?" tanong ni Sky "Parang pinapamigay ka na ng girlfriend mo mahal mo pa rin?come on Jema wag kang magpakatanga"
"Hindi,mali ang mga sinasabi mo mahal ako ni Deanna.May tiwala ako sa kanya" sabi ko sa kanya
"Ano bang ginawa sayo ng babaeng yun at ayaw mo siyang hiwalayan?Jema kahit anong gawin mo magbibreak din kayong dalawa" sabi niya sakin "Kung hindi kita madadala sa pakikipag usap,baka mapilitan akong gawin ang gusto kong gawin sayo"
BINABASA MO ANG
This Time
FanfictionSince I lost my other story 'forgive and forget' I decided to make this one but its not exactly the same.I hope you enjoy 😊