Chapter 12

3.4K 131 2
                                    

Queen/Kristel's POV

"By the way, ok ka na ba Kristel?" nag-aalalang sabi ni Janice.

"Oo nga nabalitaan kasi namin ang nangyari sa iyo. Sino ba ang gumawa non sayo?" tanong naman ni Cathy.

"Oo at ewan ko" tipid na sabi ko. Tsk, hindi ba nila alam na may amnesia ako? Don't tell me hindi nila sinabi?

"Huh anong ewan ko?" takang tanong niya. Tsk, I knew it hindi nga nila sinabi. Tsk, ano ba iyan.

"May AMNESIA siya Cathy. Alam mo naman siguro ang kahulugan ng amnesia right?." sabi naman ni Ricky. Ahh so Cathy lang pala ang walang alam?

"Oo naman anong akala mo sa akin bobo? Tsaka nakalimutan ko na may amnesia pala si Kristel. Sorry ha" mataray na sabi ni Cathy.

Bago pa sila magsimulang mag away, inawat na sila ni Janice. Pansin ko lang siya palagi ang umaawat sa kanila.

"Tumigil nanga kayong dalawa, para talaga kayong bata. Hindi ba kayo nahihiya? Tatanda ako ng maaga dahil sa inyo" sabi ni Janice habang pinapagalitan ang dalawa.

"Sorry na si Ricky kasi" sisi ni Cathy kay Ricky.

"Hala anong ako? Kasalan ko bang bobo ka?" tutol naman na sabi ni Ricky.

"Aba't gago ka ah. Ako bobo? Mas bobo ka." gigil na sabi ni Cathy at naglabas ng Water Ball.

"Tama na, magsisimula na naman kayo ehh. Kung gusto niyo mag ayaw, huwag dito." pagalit na sabi ni Kuya.

"Sorry po" paumanhin ng dalawa at yumuko.

"Ehem May masakit pa ba sa iyo." tanong naman ni Janice.

"Wala na." cold na sabi ko.

"Talaga?" tanong naman ni Cathy.

"Oo" simpleng sabi ko.

"Talagang talaga?" tanong na naman niya. Aba, makulit talaga ang babaeng ito ah? Isa nalang talaga masasapak ko to. Pakealam ko kung Royalty siya. Ang kulit.

"Oo" madiin na sabi ko.

"Talagang talagang talaga?" Abat gago to ahh? Kitang kumakain pa ako. Hayop istorbo tsk.

"Tsk tumigil ka nga Cathy diba sabi niya oo, papansin ka talaga atsaka kita mong kumakain pa ehh. Mas mabuti pang tumahimik ka nalang at kumain." inis na sabi ni Ricky.

"Oh eh ano naman ngayon ikaw ba si Kristel? Ikaw ba tinanong ko? Diba hindi kaya huwag kang makialam. Tsaka huwag kang magmadali, kakain ako anumang oras gusto ko." iritang sabi niya at umirap.

"Abat-Hep hep hep tumigil na nga kayo magsisimula naman kayo atsaka para kayong aso't pusa sige kayo baka kayo ang magkatuluyan sa future." putol ni Janice sa sasabihin sana ni Ricky.

"Ayeeeiiiiii." tukso ni Janice sa kanila.

"NO WAY."

"YUCK."

Sabay na sabi nila Cathy at Ricky habang parang nasusuka ang mukha.

"Hahahah sabi nga nila the more you hate the more you love."natatawang sabi ni Adrian.

"True bro hahahah."sang-ayon ni kuya.

"Seryoso guys? Naniniwala kayo doon? Eh laos nayan eh." sabi ni Cathy.

"Oo naman haha, ganyan dati sila Ina at Ama eh. Diba Ina?" tanong ni Kuya kay Ina.

"Oo haha. Ayaw na ayaw ko sa muka ng Ama mo." sabi ni Ina na nagpasama sa muka ni Ama haha. Bigla kasing lumukot yung mukha niya haha.

"Ako rin, ayaw na ayaw ko sa muka ng Ina niyo." ganting sabi ni Ama.

"Pero ngayon love na love ko nayan diba Mahal ko?" lambing na sabi ni Ama kay Ina.

Tsk, respeto naman sa mga single Ama. Tsk, kinakagat na ako dito tsk.

"Ayeeeiiii hahaha." tukso nilang lahat except naman kay Jay. Killjoy ata ang lalaking iyon.

"Si tito under kay tita haha." natatawang sabi ni Janice.

"Syempre naman, takot akong ewan niya ehh." Taas noong sabi ni Ama. Aba't proud pa siya? Sanaol tsk.

"Kaya kayo Girls dapat under sa inyo ang magiging asawa niyo haha." sabi naman ni Ina.

"Okay tita, noted. Tatandaan po namim yan haha." sabi ni Cathy.

"Anyway, anak next week magsisimula na ang klase sa Magical Academy at doon ka na mag aaral." sabi ni ama.

"Ok po ama." pokerface na sabi. Aisst i hate going to school. Advance kasi ako, hindi sa pagmamayabang pero halos alam ko na lahat. Kaya ayaw na ayaw kung pumasok sa paaralan dahil paulit-ulit lang at alam ko na ang mga tinuturo nila.

But i guess its different this time dahil may magic. I bet it well be exciting.

Pagkatapos kung kumain ay tumayo ako kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Saan ka pupunta anak?" tanong ni ama.

"Sa kwarto ama matutulog na ako dahil tapos na akong kumain. Goodnight Everyone." bored na sabi ko.

"Matutulog? Eh ang aga pa eh?" takang tanong ni Ina.

Yup, maaga pa. 9:00 am pa ata. Pero inaantok pa talaga ako.

"Gusto ko pang matulog ama." bored na sabi ko sabay hikab.

Di ako nakatulog ng maayos kagabi. Lahat ba naman kasi ng memorya ni Kristel napanaginipan ko.

"Bakit? Hindi kaba nakatulog ng maayos anak?" nag-aalalang tanong ni Ama.

"Opo, ama." sagot ko.

"Oh sige, magpahinga kana. Bumaba ka nalang pagkagising mo." sabi ni Ama

"Ok ama. Goodnight sa inyong lahat." sabi ko at nagsimula nang maglakad pero bago yun nagsabi muna silang lahat ng Goodnight kahit maaga pa haha.

"Ok anak Goodnight" sabi ni ama.

"Goodnight sweetie" sabi naman ni Ina

"Bye Kristel."

"Bye Kristel."

"Bye sweet dreams"

Bati nila except kay Jay. Kung tatanungin niyo kung ano ang ginagawa niya. Ayun kumakain tapos tinignan lang ako. Di man lang bumati.

Hindi ko na pinakinggan ang ibang mga pinagsasabi nila at umakyat na sa kwarto.

Pagkapasok ko ay nag hot bath muna ako bago humiga sa kama at natulog.

The Mafia Queen is Reincarnated as a Weak and Slut PrincessWhere stories live. Discover now