Chapter 21

1.3K 55 16
                                    

Queen/Kristel's POV

Pagkatapos kung maligo ay sinuot ko na ang uniform namin. Ang kulay ng skirt na 1 above the knee ay black, white long sleeves at pinarisan ng black coat. Ang necktie naman ay kulay black na may lining kung anong section ka. At may pin rin na mayroong pangalan mo, naka base rin ang kulay nito sa section mo.

Pagkatapos kung bumaba ay nakita ko silang nag uusap. Yung lining ng uniform nila ay silver. Papunta kami ngayon sa Dining Area. May sariling dining area ang Royalties but I prefer eating here with the both of them.

Pagkatapos kung kumain ay pumunta na ako sa classroom. Napakalaki ng Gold Section kahit hindi naman marami ang studyante. I guess it's one of the privilege kapag Section Gold ka.

Pagkapasok ko ay napatingin silang lahat sa akin pero hindi ko nalang sila pinansin at umupo sa bakanteng upuan malapit sa bintana.

Third Person's POV

Gusto nilang lahat na lapitan si Kristel pero hindi nila magawa dahil sa presensya nito.

Biglang tumayo si Christian sa upuan niya at lunapit kay Kristel.

"Lil Sis congrats nga pala dahil nanalo ka at napunta dito sa section. At dahil dun treat kita mamayang lunch." nakangiting sabi ni Christian. Tanging tango lamang ang sagot sa kaniya ni Kristel.

Laglag ang panga nila habang nakatingin sa kanila. Nagulat silang lahat dahil alam nilang lahat na magka-away sila.

Maya-Maya ay dumating na ang Professor nila.
"Hello Everyone My name is Calixto Kurx. You can call me Prof. Calix, I will be your adviser for this school year." nakangiting sabi nito sa mga studyante niya.

Si Professor Calix ay nasa mid 30's, gwapo siya at matipuno. Maraming mga studyante ang humahanga sa kagwapuhang taglay nito.

"I have an announcement, binigyan kayo ng Headmaster ng isang misyon. Kailangan niyong imistigahan kung bakit nawawala ang mga tao sa Fluky Town. Isang linggo lamang ang ibinigay sa inyo na oras ng Headmaster. 1 hour from now kayo aalis. Naka-ready na ang sasakyan niyo sa Gate ng M.A" sabi niya at umalis na sa Classroom.

"Kristel samahan kana namin." sabi ni Cathy.

"No need, I'll go ahead." sabi ni Kristel at nagteleport papunta sa kwarto niya para mag impake. Medyo nalungkot naman si Cathy dahil tinanggihan siya ni Kristel.

Pagkarating nila sa karwahe ay nakita nilang naghihintay si Kristel sa karwahe. Pagkasakay nila ay nagsimula na silang maglakbay.

"Aabutin tayo ng 5 oras bago tayo makarating sa Fluke Town" seryosong paliwanang ni Nathan. Lahat ng Royalties ay nagulat dahil nagsilat si Nathan. They didn't expect him to talk since his a silent person. Si Kristel lang ang hindi nakakaalam nimo dahil hindi naman nila ito naging kaklase at mailap sa tao si Nathan.

"Can't we just open a portal?" tanong ni Kristel. Napa tsk naman si Nathan dahil sa tanong ni Kristel.

"Fluke Town is a town where human being that don't have powers lived. Hindi gumagana ang Magic doon. Tanging isang Royalties lamang ang nakakagamit nga kapangyarihan doon. Hindi tayo gumamit ng portal dahil baka maalarma ang mga tao doon at ang kumukuha ng tao." inunahan na ni Janice si Nathan sa pagsagot dahil alam niyang madaling uminit ang ulo nito.

Bukod kasi kay Jay, mainitin rin si Nathan. Halos magkapareho silang dalawa ng personality. Medyo lamang ng kaunti si Jay dahil nagsasalita naman ito kahit minsan.

"You don't know that? Stupid" nakangising sabi nito kaya tiningnan siya ng masama ni Kristel ngunit hindi parin nawawala ang ngisi nito.

"Stop, both of you" awat ni Christian dahil baka sumabog itong karwahe kapag nag-away silang dalawa. Cold lamang siyang tiningnan ng dalawa.

Makalipas ang limang oras ay nakarating na sila sa Fluky Town. Nakahanap na rin sila ng inn. Dalawang VIP room ang kinuha nila na mayroong dining na konektado , pagkatapos nilang iayos ang mga gamit nila ay pumunta na silang lahat sa dining para pag-usapan kung ano ang plano nila.

"Kailangan nating baguhin ang mga itsura natin dahil baka may makakilala sa atin at matunugan pa nila tayo." seryosong sabi ni Jay. Pagkatapos niyang sabihin ito ay nagbago ang itsura nilang lahat. Si Nathan ang may gawa nito, isa ito sa mga abilities niya na tanging sa halos lahat ng tao sa Magical World siya lang ay may kapangyrihang ganito. Wala itong limitasyon.

"Kristel, Janice, Cathy at Adrian kayong apat ay maglibot-libot. Maghiwalay kayo at panatilihing natural ang mga kilos niyo, wag kayong magpapahalata."

"At tayong natira ay magmamasid at babantayan natin sila. Mag-ingat tayo para hindi tayo mapansin ng mga tao." sabi ni Jay at umalis na para simulan ang plano. Umalis na rin ang mga babae kasama si Adrian at nagsimula nang maglibot.

Cathy's POV

Nandito ako ngayon sa Market naglilibot. Baka may magustuhan akong bilhin.

Maraming tao ngayon dito pero hindi naman siksikan dahil napakalaki ng Market dito. May nagtitinda ng mga ulam, damit, accessories, magic staff at iba pa.

May isang store na nakapukaw ng paningin ko, "Everything you need is here" ang pangalan nito, marami ring tao ang mga taong pumapasok dito at lumalabas ng masaya.

Dahil sa curiosity ko ay pumasok ako dito. Pagkapasok ko ay naramdaman ko agad ang salamankang nakabalot dito. Isa sa salamankang ito ay hipnotismo. At dahil ayaw kung malaman nilang hindi ako naapektuhan nito, ay nagpanggap ako.

"Welcome to my store" sabi ng isang lalaki na biglang sumulpot kung saan. Nakasuot ito ng black robe at mapapansin mo ang naguumapaw na black magic sa kanyang katawan. Its one of my abilities to see people who have black magic in their body.

"Gusto mo bang magkaroon ng kapangyarihan?" nakangising sabi nito. Fuck he's so ugly. Tango lamang ang isinagot ko. Ayaw kong magsalita baka ano pa ang masabi ko.

"Great, I will grant your wish. Just go to any of these place." at pinakita ang listahan ng mga lugar. Those places are the exact location where those people were last seen.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na ako. I told them what I found out today. Lahat kami ay isa isang pinuntahan ang mga lugar na iyon.

Nang makarating na ako sa lugar na iyon ay naghintay ako hanggang sa maramdan kung mayroong tumama sa batok ko.

Isa itong pampatulog buti nalang may anti-poison akong ability, well it's a common ability though, not a rare one. But since they knew that people here don't have any magic they can use poisons to abduct their targer.

Nagpanggap akong nahimatay at naramdaman kong kinarga nila ako na parang sako. Naramdaman kung pumasok kami sa isang portal. Noong una nagulat ako, how come that they can use magic? Then I remembered that they're using black magic. Kaya pala hindi rin ito naramdaman ng mga tao dito.

Well, Fluky Town has a magic detector. I think it can't sense black magic. They need to improve it as soon as possible tsk.

"Ikulong mo iyan kasama sila." narining kong sabi ng isang lalaki. Isa sa mga kasamahan nila. Maya maya ay narinig ko ang pagbukas ng parang isang gate at hinagis ako bigla.

I groaned. Putangina, kapag ako nakalabas dito, una kong papatayin ang lalaking iyon tangina.

Pagmulat ko ang bumungad sa akin ang napakaraming tao, may bata, dalaga, binata at matatanda dito. Lahat sila ay takot na takot. Mapapansin mo rin ang pangangayat nila at ang mga galos nila sa kanilang katawan. Nasa mahigit 200 silang lahat.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko sila Kristel, Janice at Adrian na magkasamang nakaupo sa gilid.

"You're finally here. We've been waiting for you." bati sa akin ni Janice.

"Where are we?" tanong ko gamit ang mahinang boses.

"Obviously we're not in Flusky Town anymore." sagot ni Adrian and rolled his eyes. Tangina bakla ata talaga to eh.

"I'm not asking you asshole" sagot ko at umirap.

"Hey this is not the right time for both of you to fight. We need to focus on our mission." awat ni Janice sa amin. Tsk kung wala lang mission pinatulan ko nayang bakla nayan.

A/N: Hi guys, I think once a week nalang ako makaka update since sobrang busy ko sa school lalo na at Senior High na ako ngayon.

The Mafia Queen is Reincarnated as a Weak and Slut PrincessWhere stories live. Discover now