Chapter 5

4.2K 177 5
                                    

Queen/Kristel's POV

"Magandang umaga po Mahal na Prinsesa" bati ng mga kawal at maid.

Ang daming mga kawal at maid ang nakikita ko. I think 50 na kawal at 50 na maid ang makikita dito sa dining, I mean kainan nila. Ang 100 nayan ay dito lang iyan sa dining, paano na kaya ang buong palace. Well what do you expect in a palace? Normal na ata ito ehh.

Duty naman kasi ng mga kawal na protektahan ang mga dugong bughaw. Uso pa naman ata dito ang mga labanan kaya kailangan nila ng maraming bantay.

"Good Morning Princess" masayang bati ni ama at ina habang naiirita  na pagbati naman ang kay Christian. Tsk attitude talaga nitong kuya ni Kristel sarap kutusan.

"Good Morning Ama, Ina at KUYA" cold na sabi ko habang may diin ang pagkakasabi ko ng kuya at ayon namutla siya tsk. His face is priceless. Dapat lang siyang matakot.

"K-kumain na kayo mga anak" utal na sabi ni ama. Nakita ata iyon ni Ama.

"Opo ama" sagot ni kuya, oo nag bago na isip ko itatry ko siyang tawagin na kuya hindi na Christian. Kailangan kung sanayin ang sarili ko para hindi ako mabuko.

Tsaka first time kong tumawag ng kuya sa isang lalaki na ngayon ko palang nakilala. He should be grateful that i called him "Kuya". Isa itong karangalan.

I hope bumalik na ako sa totoong mundo ko. I miss mom and dad already.

Ngayon ko lang napansin na ang fami palang mga pagkain ang nakahanda, may fiesta ba dito. Ang sasarap ng mga putahe, though yung iba bago lang sa paningin ko pero mukang masarap.

Habang kumakain ako ay may pumasok sa isip ko.

"Ama, ina pwede ba akong bumili ng bagong damit at iba pang gamit dahil papalitan ko ang na ang mga bagay na nadoon sa kwarto." kaswal na sabi ko.

Gusto ko na kasi talagang palitan ang mga laman na iyon. Ang sakit sa mata.

"Pero anak diba paborito mo ang mga gamit na nandoon sa kwarto mo?" takang tanong ni ina. Ibang klase pala ang mga gusto ni Kristel.

"People change ina" simpleng sagot ko. Kesa naman sabihin kung hindi ako ang anak niyo.

"Sige anak magsama ka nalang ng isang yaya at kawal para gabayan ka." sagot ni ama at ipinagpatuloy na ang pagkain namin.

Pagkaakyat ko patungo sa kwarto ay pumasok sa banyo para maligo.

Pagkatapos ko ay nag bihis na ako. Meron pa kasing isang pares na damit ang nakita ko kanina noong naghahanap ako. 

Ang suot ko ay isang black na pantalon at white na t-shirt. Meron rin pala akong nahanap na sapatos. Isang high cut na black na converse.

Ngayon kulang napansin na ang mga damit dito at mga gamit sa Mortal World ay pareho lang.

Ang wikang english dito ay para lamang sa mga mayayaman. Base yan sa observation ko. Ang iba kasing mga tao dito tagalog ang salita. Wala pa akong naririnig na nagsalita ng wikang english. Except sa pamilya ni Kristel.

Naglagay lang ako ng pulbos at liptint hindi kasi ako mahilig mag make up dahil makati ito sa mukha. May allergy din kasi ako sa mga make-up.

Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako. I'm kinda excited and nervous at the same time. Syempre makakalabas na ako dito. At makikita ko na kung ano ang mayroon sa labas. Tsaka doon ko na mapapatunayan if magic really exist here.

The Mafia Queen is Reincarnated as a Weak and Slut PrincessWhere stories live. Discover now