Queen/Kristel's POV
"Kristel nandito kapatid mo hinahanap ka." sabi ni Angel habang papalapit. Ahh si Kuya pala yun? Tsk nakalimutan ko, susunduin nga pala niya ako.
"Ok" sabi ko at pinuntahan si kuya. Pero parang ang aga pa eh. Dipanga ako tapos kumain. Istorbo, kabitin tuloy. Angsarap naman kasi ng luto niyo pang professional.
"What are you doing here" tanong ko sa kanya. Natigilan siya sa sinabi ko. Alam na ata niyang wrong timing na naman siya.
"Ako ang tour guide mo ngayon lil sis." sabi niya habang nakangiti ng pilit. Ay oonga pala. Ngayon niya ako itotour. Mukhang mapapagod ata ako nito.
"Kumain muna tayo." sabi ko.
"Saan?" Takang tanong niya.
"Dito, sumunod ka sa akin." sabi ko at maglalakad na sana ng magtanong siya. Tangina gutom na ako.
"Seryoso?" tanong niya. Mukha bakon nagbebero?
"Bakit?" tanong ko.
"Nakakahiya." sabi niya na nagpatawa sa akin ng malakas. May hiya pala ang lalaking ito hahaha.
"May hiya ka pala?" takang tanong na nagpalukot ng muka niya haha lt.
"Lil sis naman." sabi niya at nag pout.
"Ew gross, tigilan mo yan." nakangiwing sabi ko at binatukan siya.
"Aray ko po!!" sigaw niya habang nakahawak sa ulo niya.
"Bat moko binatukan Lil Sis? Pano kung mabobo ako?" nakangusong sabi niya habang hinihimas parin ang ulo niya.
"Atsaka anong klaseng kamay meron ka? Ang lakas nun parang natanggal ulo ko." dagdag niya. Napalakas ata haha.
"Wag ka mag-alala, bobo kana dati pa." sabi ko at naglakad na. Nakita ko kung pano lalong bumusangot ang mukha niya
"Wait Lil Sis." sabi niya at hinabol ako.
"Magandang Umaga Prince Christian." sabay na sabi ni Angel at Natasha.
"Magandang Umaga. Wag niyo na akong tawaging Prinsepe, Christian nalang." sagot ni Kuya habang nakangiti.
"Masusunod po." sabay na naman na sabi nila. Umupo na ako at nagsimula nang kumain.
"Kain na." simpleng sabi ko kay kuya. Pano ba naman kasi, nakatayo lang siya. Parang statwa. Wala batong balak kumain?
"Sige, salamat." sabi niya at kumain na. Maya maya ay nagtanong siya.
"Wow ang sarap. Sino nagluto nito?" takang tanong niya. Ang galing talaga ni Angel.
"Ako." nahihiyang sabi ni Angel habang namumula at hindi mapakali. Gusto kong matawa sa reaksyon niya haha. Hmm, i smell something fishy. Baka nagkakamali lang ako.
"Talaga?" nakangiting tanong ni Kuya.
"Opo hehe." sabi ni Angel at tumawa ng mahinhin. Maria Clara style haha.
"Wow, ang galing mo naman." puri ni Kuya kay Angel na lalong nagpapula sa muka nito.
"Salamat po." mahinang sabi niya. Infairnes parang bagay haha. May chemistry.
"Welcome." sabi niya at nagsimula nang kumain ulit.
Makalipas ang ilang minuto ay tapos na ako.
"Akyat muna ako sa kwarto at magpapalit ng damit." sabi ko.
"Sige Lil sis. Take your time." nakangiting sabi ni Kuya. Pagtingin ko naman kila Angel at Natasha ay tumango sila.
"Ok." sabi ko at umakyat na. Ano kaya ang susuotin ko? Ang Jagger pants nalang siguro at Gray loose t shirt. Okay na ata to.
YOU ARE READING
The Mafia Queen is Reincarnated as a Weak and Slut Princess
FantasyDalawang babae na magkasabay na nadisgrasya From Mortal World and Magical World They switched bodies or that's what she thought Are you ready to know the truth behind the accident? What if may natuklasan siya about sa pagkatao niya? Gugustuhin parin...