Queen/Kristel's POV
"Nasaan si Ama at Ina?" pokerface na tanong ko sa maid na nag aabang sa tapat ng kwarto ko kasama ang isang kawal.
Excited na ako pero syempre hindi ko pinahalata. Nakakahiya kung makita nila.
Habang naglalakad kami sa pasilyo, kada dinadaanan ay may nakahilirang mga kawal. Kailangan ko na atang masanay na sa bawat pasilyo ay may nakahilirang mga kawal.
Mabigat ata yang mga suot nila. Ang suot kasi nilang armor ay iyong parang bakal o metal. Kaya sigurado akong mabigat iyon. Well baka naman hindi yun metal, kundi sadyang ganoon ang style at kulay nito. Or may magic yung armor kaya hindi siya mabigat.
Makalipas ang ilang minuto nakarating kami sa tapat ng isang gintong pintuan. Wow totoo ba iyon?
Nako kung sino mang gahaman ang makakakita nun sigurado akong maglalaway yun. Pag yan binenta ko, tsk tsk nevermind wag nalang.
"Nandyan po sa loob ang Mahal na Hari at Reyna sumunod po kayo sa akin Mahal na Prinsesa." sagot ng ng maid at nagsimula nang lumakad.
Pagkasabi nya non, biglang bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin ang dalawang kawal na nakapwesto sa magkabilang gilid.
Habang sinusundan ko siya napansin ko na lahat ng kulay ng lugar ay white at gold. Hm ito ata ang theme color ng palasyo ehh. Pano ba naman halos ganyang kulay ang palagi kung nakikita.
Buti nalang hindi masakit sa mata ang kulay. Dahil kung masakit, aalis ako dito. Wala akong pakialam kung mawala man ako. Syempre joke lang yung sinabi ko.
Meron namang ibang kulay pero mas marami ang white at gold. Isa sa mga paborito kong kulay ang white at gold.
"Nandito na po tayo Mahal na Prinsesa." sabi ng maid ng makarating kami sa tapat ng pinto na kulay gold.
Na naman? Aba ang dami naman palang pinto dito. Tsaka gold ata lahat eh. Nako po nakakalito. Anyway medyo maliit ang size ng pintuang ito.
Pagkapasok ko ay bumungad sa akin sina ama at ina na may ginagawa. Pareho silang dalawa na may iniinom. Tungkol ata sa palasyo ang ginagawa nila.
Well normal na ata sa kanila ang pagiging busy. Ikaw ba naman mamahala ng isang palasyo na napakalaki. Baka nga may iba pa silang pinamumunuan hindi lang ito. Ay oo nga pala, Isang mundo ang pinamumunuan nila. Diba nasabi nila na sila ang hari at reyna ng Magical Kingdom. And I think ito ang pinaka main na Kingdom.
Tsk dapat nandito ang kuya ni Kristel at tinutulungan sina Ama at Ina. Tsk pagnakita ko talaga iyon na walang ginagawa, makakatikim sa akin yun ng isang malakas na sapak.
Lumapit na ako kay ina at tinanong ang kailangan ko dahil baka nakaistorbo na ako.
"Ama ina pwede po ba makahingi ng pambili ko ng mga damit?" cold tanong ko sa kanila.
"Tanso, pilak at ginto ang ibat ibang pera sa Magical Kingdom anak." paliwanag ni ama.
"Ginto ang pinakamahal anak, ang isang ginto ay katumbas ng isang libong pilak. Ang isang pilak naman ay katumbas ng isandaang tanso." paliwanag ni ina at binigyan ako ng isandaang pilak.
Grabe ang dami naman. Kahit Limang ginto ata kasya na ehh. Haha baka naman mahal ang mga tinda dito. Pero ganito ba karami ang hinihingi dati ni Kristel? Tsk buti naman at hindi sila nalugi kung ganoon.
"Sobra na po ata ito ina." bored na sabi ko.
"Ok lang anak. Sige na umalis na kayo para makabili ka na" sabi ni ama. Aba't pinapaalis na ako ni Ama.
"Salamat ama, ina" bored na sabi ko. Tsk kailangan ko nang mag madali. Inaantok na naman ako. Hayst kulang kasi ang tulog ko. Sayang gusto ko pa naman maglibot.
Pagkalabas ko ay sinundan ko na ang maid palabas ng palasyo. Siya kasi ang makakasama ko. Asan naba yung kawal?
Pagdating namin sa labas ay bumungad sa akin ang isang karwahe. Wow ang ganda. Yung parang sa Cinderella na karwahe, pero hindi ito gawa sa kalabasa, kasi totoo ito. Walang expiration date.
May kawal na nakatayo sa gilid. Siya na ata ang makakasama ko. So bali apat kami lahat. Ako, yung maid, kawal at kutsero.
"Pasok po kayo Mahal na Prinsesa." sabi ng kawal.
Pumasok na ako at umupo. Katabi ko ang maid habang nasa harap naman ang kawal katabi ang kutsero.
Habang umaandar ang karwahe hindi ko maiwasang mapatingin sa labas. Wow ang ganda, and daming mga paro parong lumilipad. Meron ring mga batang naglalaro. May mga puno ring iba iba ang kulay, ang weird lang, ewan ko kung anong klaseng puno ang mga yun.
Umidlip muna ako medyo inaantok na kasi ako ehh. Para narin may reserba akong lakas mamaya.
Makalipas ang isang oras ay huminto na ang karwahe, kaya minulat ko na ang mata ko. Ang dali ata naming nakarating.
Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang kawal.
"Nandito na po tayo Mahal na Prinsesa." sabi ng kawal at katabi niya ang maid. Nakababa na pala sila hindi ko man lang napansin.
Pagkababa ko halos lumuwa ang mata ko sa mga nasaksihan ko.
Fuck!
YOU ARE READING
The Mafia Queen is Reincarnated as a Weak and Slut Princess
FantasiDalawang babae na magkasabay na nadisgrasya From Mortal World and Magical World They switched bodies or that's what she thought Are you ready to know the truth behind the accident? What if may natuklasan siya about sa pagkatao niya? Gugustuhin parin...