NEOMI'S POV
Iba talaga ang saltik nitong si Elizard, hindi mo talaga siya ma gets minsan, may pa bilin bilin pa kay Mang Anton na dress properly! Tapos bawal maiksi! I know na worried lang siya.
Hinila niya ako hanggang sa conference room kung saan walang mga tao, tanging kami lang
"anyare? Ba't tayo Nandito?" tanong ko, gusto ko pa naman sanang makipag kwentohan kay Amariyah! Ang ganda niya kasi!
"bakit ka nagpaganda?" tanong niya, mahinahon lang yun pero may something
"malamang! Alangan namang pumunta ako dito na parang kamoteng nabilad sa araw?" sarcastic kong tanong sa kanya. Nakakainis.
"sobra naman yata" mahinahon pa rin niyang sabi, napangiti ako, siguro crush niya talaga ako. Hehe ang ganda ko naman masyado kung ganun
"e? Ganito naman talaga ako" wika ko, pasalamat talaga ako sa lahi ko kasi naging maganda ako. Naaalala ko naman sila Mudra, sinira ko na pala ang sim card ko para malayo na ako sa lahat ng nakaraan ko, sa lahat ng mga taong paulit ulit akong sinasaktan at hinihusgahan
"ahhh! Fine! Let's go back" tanging sabi niya at nilagpasan ako, nakabusangot pa rin siya at may binubulong.
Hinawakan ko naman ang braso niya para pigilan siya, napatigil siya at tiningnan ang kamay ko na nasa braso niya
"yun lang yung pag-uusapan natin? Akala ko urgent" sabi ko, mag smirk lang siya at lumapit sa akin
"wala tayong pag-uusapan... Pero... May gagawin tayo" wika niya na halos pabulong na at hinapit niya ang baywang ko papalapit sa katawan niya. lumakas naman ang kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba? Lumaki ang mata ko at gulat sa nangyari.
Ang lapit ko sa kanya "a-anong, a-anong gagawin n-natin?" nauutal kong tanong ngumisi siya at namumungay ang mga matang tinitigan ang mga mata ko, sheett! Para akong malulunod sa titig niya!
Nanghina na ang mga tuhod ko, naramdaman niya siguro yun kaya sinuportahan niya ang likod ko gamit ang dalawang kamay niya.
"I wanna kiss you" bulong niya sa tenga ko, omg! Panaginip ba to? Charr ang ganda naman nitong Panaginip nato? Pero totoo talaga to! Wahhhh!
"I wanna kiss you Neomi, sabihin mong pwede kitang halikan. hahalikan talaga kita" pinigilan ko naman siya ng lumapit ang mukha niya
"wait? With feelings o wala?" curious kong tanong, tumawa siya at hindi na ako pinagbigyang makapagsalita dahil siniil na niya ang labi ko ng halik.
Lumaki ang mata ko, as in malaking malaki na siguro. Muntik pa akong matumba sa panghihina ng tuhod ko. Omegassshhhh
Dahan-dahan lang ang pagsiil niya sa labi ko, parang ninanamnam niya ang lasa nito. napapikit ako ng mas naging agresibo ito at kung saan saan na napunta ang kanyang kamay, hinahaplos ng mga daliri niya ang braso ko dahilan para manindig ang balahibo ko.
Kaagad ko naman siyang pinigilan ng halikan niya ako sa earlobe. "E-Elizard!, hinihintay na t-tayo nila Amariyah" hingal kong sabi, napangisi naman siya, ahhh! I hate his grin!
Tinulak ko siya dahil nakakulong ako sa bisig niya, tiningnan ko siya ng masama
Gosh! first kiss ko yun tapos ganun ka intense?! Nasaan ang hustisya?!
"first kiss mo ba 'yon?, para ka kasing estatwa na nakatayo" nanlalait ba siya?!
"are you insulting me?! Oo first kiss ko 'yon! Ang harsh mo, nakakainis ka! Ang manyak mo talaga!" sigaw ko sa kanya, napatawa naman siya
"atleast I'm your first! I'll keep that in mind" nakakalokang sabi niya at kinindatan ako. Ew!
"anong feeling?" tanong niya ulit ng makalabas kami ng conference room
"ang alin?" inosenteng tanong ko, pero alam ko naman talaga ang ibig niyang sabihin.
"kiss" sagot niya, Habang dumadaan kami sa mga empleyado niyang binabati siya, napapangiti ako minsan
"wala naman bakit? Anong meron?" kunwaring tanong ko, umigting naman ang panga niya Habang patuloy pa rin kami sa paglalakad patungong office niya.
"are you serious?" Inis niyang tanong, gusto kong matawa sa reaksyon niya, babawiin ko na sana ng sumulpot ang isang kabote. Ang sekretarya niyang binudburan ng asin.
Nakangiti ito kay Elizard. "sir! Good morning po, umalis na po Sina sir Elijah, may urgent meeting daw po sila" sabi niya, edi wow.
Umirap ako.
Nga pala? Yung kiss? Anong meaning nun? Walaaa?! Wala talaga?! Ano ako? Babae niya? Ewwww! Cringe ka talaga Neomi! Bakit ka nagpahalik! As if naman na hindi mo nagustuhan? Aahhh oo na nga! Pero bakit?! Bakitttt
"thanks,Sheena" sabi ni Elizard sa babae at tiningnan ako ni Elizard, tinaasan ko lang siya ng kilay
"let's go" sabi niya, tumango lang ako at Sumunod kay Elizard, inirapan ko naman ang secretary niyang uud.
Nang makarating kami sa opisina niya ay kaagad akong umupo ng padabog sa sofa. Nakakainis talaga yung secretary na yun, nakakabwisit. Yung ngisi niya. Gross.
"Neomi" nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Elizard.
"Ano?!" galit kong tanong, nagulat siya pagkakasigaw ko, ganun din ako, what? Bakit ako galit?
"galit ka?" tanong niya, kaagad naman akong umiling
"okay,akala ko galit ka" sabi niya
Hindi ko naman mapigilang mag tanong sa kanya tungkol sa kiss na yun.
"what about the kiss? Anong meron doon? Bakit mo ako hinalikan?" tanong ko,napaangat siya ng tingin sa akin
"the kiss? It's nothing Neomi, I do it in every girl, na nakapag turn on sa akin besides 'wag na nating gawing big deal okay?" paliwanag niya, tumango tango ako, aaminin ko I was a little hurt, siguro nag expect ako na baka may ibig sabihin 'yon o baka gusto niya ako.
I remember Malabo nga pala 'yon, I'm just his prisoner. isa lang ako sa mga pinapakain niya. At ngayon lumalabas na parang bayad na yung halik ko sa lahat. Napahawak ako ng mahigpit sa shoulder bag ko.
"a-ah y-yeah! It's nothing! Nga pala, bibisitahin ko muna Sina Cander" palusot ko, pero pupuntahan ko talaga sila Cander, miss ko na sila.
Matagal na rin kaming hindi nakakapag chika about life, madaldal pa naman yun, lalo na si Via at Josel.
Napakunot naman ang noo niya "anong gagawin niyo?" tanong niya
"girls talk" tanging sagot ko at ngumiti ng pilit, tumango naman siya
"Okay, ipapasundo kita kay Mang Anton ng 4 pm" sabi Niya Habang nakatingin sa mamahaling relo.
Napairap ako, para siyang tatay ko
"okay, by four uuwi ako, sa Lave Coffee shop pa rin" matamlay kong sabi, tumango naman siya
"kanino ka sasakay ngayon?" tanong niya, omygod!
"tricycle nalang siguro malapit lang naman, e cha-chat ko pa sila Josel" sabi ko at kinuha ang cellphone bago binuksan ang fb, luckily online sila. Kaya nag text ako sa gc namin
Ako:
Lave coffee shop girls. Let's chikaKaagad naman nilang na seen at isa isang hinart ang chat ko
Josel:
G, miss you!Via:
Tipaklong! Otw na ko!Cander:
Sana all, Nandito na ako.Nakangiti ako. Kahit papano ay mababawasan ang sakit na naramdaman ko ngayon. Bakit nga ba ako umaasa sa kanya? Kaya ko naman na sigurong umalis at mabuhay ng mag-isa. Ayoko na ng ganito.
BINABASA MO ANG
Useless Fire[completed] (seductive Men Series #1)
RomanceUseless Fire, Elizard Danvell Guerero is part of the seductive boys, he will do everything, lahat lahat para sa babaeng gusto niyang paikutin sa kanyang mga palad. He will do everything para kay Neomi Agezer. kahit na useless ang ginagawa niya, He...