ELIZARD' POV"sige! Layas na kayo! Ang la-laki ng mga bituka niyo!" sigaw ko sa kanilang Lima, sumalodo naman sila at tawa ng tawa, nagpaalam na kasi silang umuwi, gabi na rin kasi, si Neomi naman ay nasa kusina nakikipag - usap sa mga kasambahay, well, mas maganda yun girl to girl talk.
"wala man lang goodbye kiss?" naka pout na wika ni Elijah, pinakitaan ko naman siya ng kamao ko.
"get lost Elijah!" sigaw ko sa kanya ng lumapit siya
Natawa naman ang Apat at umiling iling.
"uwi na kami baka mamaya makadistorbo pa kami sa honeymoon" pagpaparinig ni Ejay
"anong honeymoon ang pinagsasabi mo! Layas!" Inis kong sigaw
"maganda 'yun ah! Saan mo nakita? Dito muna patitirahin?" sabat ni Eljake, tiningnan ko naman siya ng masama.
"woah! Your girl is easy to distract!" sabi ni Ezekiel at nagtawanan sila
"mga gago! Uwi!" sigaw ko sa kanila at tinuro ang gate
"bye, I love you bro" wika ni Emman at nag flying kiss, sinalo naman ni Eljake.
"gago! Hindi para sa'yo 'yun! Para kay Elizard yun! Ibalik mo! Gago!" Inis na sigaw ni Emman, binelatan naman siya ni Elijah. kaya ayun naghabulan sila, napa face palm nalang kami.
Mga isip bata! Ang tatanda na!
"uwi na kami, pabayaan mo muna 'yong dalawang 'yun na ikotin tong hektarya mo" natatawang wika ni Ezekiel, mabuti pa 'to minsan matinong kausap, pero ewan ko sa kanilang Lima, palaging may saltik.
"nga pala! May photoshoot tayo bukas, 10 am sharp!, see yah!" sigaw ni Ejay Habang kumakaway, tumango naman ako.
"bye bro! Enjoy your night" nakangising sabi ni Eljake, nagulat naman ako, hindi pa siya umalis?!
"what the fudge are you doing here?! Layas na!" pagtataboy ko sa kanya, tumawa naman siya at dumiretso sa sasakyan niya
Papasok na sana ako sa bahay ng biglang"ahhhh!!! Gago! Tangina ka!" sigaw ni Emman, putang---
"umuwi na kayo!" sigaw ko, naghahabulan pa rin ang dalawa hanggang sa makarating sila sa sasakyan.
Napaka stress talaga ng bawat araw na kasama sila.
NEOMI'S POV
Nagkwekwentuhan kami ngayon nila Sunshine. Sunshine ang pangalan no'ng babaeng bumati sa akin kanina, kasama namin ngayon ang mga kasamahan niya, siya lang yata yung ka edad ko.
Nasa kusina kaming lahat, mga driver at kasambahay
Si Elizard naman ay hinatid sa labas ang mga kaibigan niyang ang gagwapo.
"ang ga-gwapo nila Neomi no!" puri ni Sunshine sa mga kaibigan ni Elizard, tumango naman ako
"oo nga e"
"ano bang meron sa inyo ni Sir Elizard?, bagong girlfriend ka niya?" tanong ni Manang Joy, isa sa mga cook, umiling naman ako
"hindi ko po 'yun boyfriend manang, kakilala ko lang po, tinulungan niya kasi ako. sobrang bait niya po, pero masungit talaga" sabi ko.
Totoo naman mabait siya kasi matulungin at masungit siya dahil masungit talaga siya, ewan ang gulo niya!
Tumawa naman si Manang at ang Iba

BINABASA MO ANG
Useless Fire[completed] (seductive Men Series #1)
RomanceUseless Fire, Elizard Danvell Guerero is part of the seductive boys, he will do everything, lahat lahat para sa babaeng gusto niyang paikutin sa kanyang mga palad. He will do everything para kay Neomi Agezer. kahit na useless ang ginagawa niya, He...