Kabanata 5

89 2 0
                                    

NEOMI'S POV

Nang matapos akong mag arrange ng mga gamit ko ay naligo na ako. Pagkatapos ay nag suot ako ng isang sleeveless at isang maong shorts na may cycling sa loob, kinuskos ko na ang basa kong buhok at umupo sa malambot at malaking kama

Ang yaman talaga ng Elizard na 'yun, buti nalang talaga at siya ang nakatulong sa akin, kung hindi siya dumating sa buhay ko ay nako! Ewan ko na lang kung saan ako pupulutin.

Habang sinusuklayan ko ang buhok ko ay may kumatok sa pintuan. siguro maids,tumayo ako at binuksan ang pintuan. nagulat naman ako na isang lalaking nakangisi ang nasa tapat ng pintuan ko, sobrang gwapo din niya.

"hi Neomi!, I'm Eljake, pinapatawag ka ni Elizard" nakangising sabi niya, napa 'ow' naman ako at tumango. hindi ako makasalita kasi pakshet bakit ang gwapo??

"let's go?" sabi niya, kaagad naman akong tumango, ew Neomi! Naglalaway ka!

Tinuro niya ang daan at pinauna ako. sumunod naman siya, dahil sa sobrang pressure mukhang nakalimutan ko nang maglakad. Nang makababa na ako ng hagdan ay tumambad na naman sa akin ang Apat Na nag-gwagwapuhang nilalang! Jusko! Saan ako lulugar? Bakit ang popogi nila?!

Lahat sila ay nakangiti sa akin, nakaupo sila sa sofa at halos mukhang mga Greek god sa gwapo!! Napalunok ako. sheeeett! Heaven na ba 'to? Joke lang baka naglalaway na ako at baka mahalata nilang patay na patay ako sa mga gwapo.

"H-hi g-guys!" ilang na bati ko sa kanila, tumango tango naman sila. Kinakabahan ako kasi sobrang naiilang ako.

"hi Neomi! I'm Elijah!" pakilala ng isang pakshett?! Gwapo! Sumilay sa labi niya ang Magandang ngiti. naiilang naman akong ngumiti sa kanya, nakasuot siya ng White polo at bahagyang kita pa ang dibdib.

"hi Neomi! I'm Ejay!, nice seeing you, pretty" jusko! Mahihimatay na ba ako?, nakangisi siya at kinindatan ako. puta! Naka long-sleeve siya na kilay asul at bahagya ding kita ang dibdib.

"Neomi! Neomi Agezer! Hi! I'm Ejay" ayyy sheeeettt! Ang gwapo din! Walang pangit! Lahat hot! Nakasuot siya ng isang white t-shirt, pero bakit ang lakas pa rin ng dating?! Omegashhhh!

"I'm Ezekiel, miss Neomi" pormal na sabi ng isang seryosong lalaki, pero ang gwapo din. makalaglag panga silang lahat! Nakasuot si Ezekiel ng isang jacket na maong at sa loob nito at isang White t-shirt. Amppp!

"Hi! Neomi! I'm Emman" napadako ang tingin ko sa isang gwapong nilalang din, nakasuot din siya ng checkered na polo. Ngumiti ako sa kanila

"a-ah, H-hi sa inyo! N-nice meeting you!" utal kong tugon, eww! Ano ba Neomi!

Umupo na din si Eljake sa sofa, kaya ako nalang ang naka tayo at tinitingnan nila ako. lumapit naman si Elizard na paksheeet! Ang gwapo din! Huhuhu ang swerte ko naman masyado!

"girlpren mo?" nakangising tanong ni Elijah, umiling naman ang mga kasama niya

"accent mo baluktot!" singhal sa kanya ni Ejay.

"hindi ah! Bitter kasi ako kaya girlpren" depensa niya, gusto ko na talagang matawa pero kahit nagbabangayan sila, nakakatuwa pa rin.

"shut up guys, mahiya naman kayo kay Neomi" saway ni Eljake, binatukan naman siya ni Ezekiel.

"may pa shut up shut up ka pang nalalaman, e ikaw 'tong madaldal" sigaw sa kanya ni Ezekiel.

"hindi ako! Si Elijah!" sigaw na naman ni Eljake. Napailing nalang ako, mga gwapo pero isip bata.

"bakit napunta sa akin??" tanong ni Elijah

"e sa kadaldalan mo 'yan!" sigaw sa kanya ni Emman, natawa naman silang lahat except kay Elijah na naka poker face kay Emman.

"Kumain nalang kaya tayo?" bara sa kanila ni Elizard, kaagad naman na napatingin ang lahat sa kanya at isa isang tumayo bago dumiretso sa kusina, nalaglag naman ang panga ko. Whatttt is that?

"mahilig talaga sila sa pagkain, kaya wag ka ng magtaka, let's go" wika ni Elizard sa tabi ko at naglakad na din siya papuntang kusina, sumunod naman ako.

Nang makarating kami ni Elizard sa dining table ay nakaupo na ang limang lalaki at tahimik ang mga ito na naka Cross arms at seryoso ang mga mukhang nakatitig sa isa't isa, anong nangyari?? Ang weird nila!

Tinuro naman ni Elizard ang upuan sa tabi niya, ang gentleman talaga, napairap ako ng palihim at Umupo, na awkward naman ako sa sobrang seryoso nila.

Nang maihanda na ang mga pagkain ay nilagyan na ni Elizard ang pinggan ko ng pagkain. seryoso pa rin ang Lima at sabay sabay na nagkuha ng pagkain, ng susubo na sana sila ay ang salita ako.

"H-hindi kayo nagdadasal?" inosenteng tanong ko, napatigil naman sila sa pagsubo at tiningnan ako, nailang naman ako.

"a-ah okay? Kain na kayo" sabi ko nalang, binabawi ko na huhuhu, mga gwapo sana

Sabay silang huminto sa pagsubo at umayos ng upo "ikaw na ang magdasal Elijah" utos ni Ezekiel sa kanya, napalunok naman si Elijah.

"bakit ako?!, si Ejay nalang" angal niya, napataas naman ang kilay ni Ejay.

"si Eljake nalang! O di kaya si Elizard!" pag ayaw niya, Napailing naman si Elizard at Eljake.

"si Ezekiel nalang" sabay na sabi ni Elizard at Eljake,napadako naman ang tingin ng lahat kay Emman na inosenteng nakatingin sa amin.

"nah, not me" sabi niya at umiling, nagtalo pa sila, pero wala na talaga 'tong patutunguhan

"ako nalang, okay? Close your eyes boys" mahinahon kong sabi. napaayos naman sila ng upo at pinikit ang mga mata, napangiti ako at mag dasal na.


ELIZARD'S POV

Habang nagdadasal si Neomi ay napabuka ang mga mata naming lahat at nagkatinginan, sinipa ko naman ang paa ni Emman sa ilalim ng mesa. kaya ayun sinipa niya si Eljake, at napa aray ito ng Mahina, natawa naman kami pero Mahina lang kasi may nagdadasal. pinasa pasa na nila ang pagsipa hanggang sa natapos si Neomi. panay ang reklamo nila sa sakit ng sipa, tiningnan naman  kaming lahat ni Neomi na nagpipigil ng tawa.

"mga gago" bulong ko.

"let's eat" anunsiyo ni Neomi, nag unahan naman sa pagsubo ang mga patay gutom

Habang kumakain kami ay napadako ang tingin ko kay Neomi na nakayuko at pilit inaabot ang nahulog na panyo, nakita ko naman ang dibdib niya kaya dali dali kong pinulot ang panyo at tinabon sa dibdib niya, nagtaka naman siya, mabuti at focus ang mga ulupong sa pagkain

"dibdib mo, babae" Inis kong bulong sa kanya ng makaupo siya, umupo siya ng maayos at inayos ang sleeveless niya.

Nginitian niya ako ng tipid, umigting naman ang panga ko at nagpatuloy sa pagkain. Shit! Mabuti nalang talaga at hindi nakita ng mga ulupong dahil tiyak mamanyakin lang nila si Neomi sa mga isip nila.

"Saan nga pala kayo nagkakilala Neomi ?" sabat na tanong ni Eljake habang nakangisi.

Alam na nila ang kwento pero mukhang inaasar na naman nila ako. Tiningnan ko naman ng masama si Eljake habang ang apat naman ay nakangisi sa akin.

Pinunasan ni Neomi ang bibig niya ng panyo bago ako inirapan at nagsalita "Pinara ko siya! At ang bastos ng ugali nito noon grabe akalain niyo kailangan na kailangan ko ng masasakyan nun tapos hindi manlang ako pinasakay! What if namatay ako nun?" naiinis niyang sabi. Nagtawanan naman sila.

"Kung ako 'yon baka inuwi na kita—"

"Aray tangina mo!" hindi na natapos ni Elijah ang sasabihin ng binato ko siya ng kutsara sa mukha kaya napuno ng tawanan at asaran. Para namang tumigil ang mundo ko nang makitang ang ganda ng ngiti ni Neomi.

Useless Fire[completed] (seductive Men Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon