Kabanata 4

90 5 0
                                    

ELIZARD'S POV

"saan ka nakatira? Hatid na kita ngayon" wika ko sa kanya, yumuko siya at sinuot ang seatbelt.

"ituturo ko na lang basta doon lang sa may kanto" sabi niya, tumango nalang ako at nagmaneho.

Napangisi ako kasi aligaga siya sa tabi ko. Kanina pa siya ganyan kahit nung nasa restaurant kami panay iwas siya ng tingin at halos hindi makatingin ng diretso sa akin.

Dumating kami sa may kanto, pinahinto naman niya ako dahil nandoon na daw sa unahan ang bahay na tinitirhan niya.

"pwede ba akong sumama? Para sa Susunod alam ko na kung saan ka nakatira" sabi ko, lumaki naman ang mata niya. Akma siyang iiling ng ngumiti ako sa kanya.

"a-ah! Sige! Sige!, halika, maglalakad nalang tayo kasi masikip na diyan sa eskenita, hindi kasya 'tong sasakyan mo" tumango nalang ako at lumabas na ng sasakyan. tinanggal naman niya ang seat belt at binuksan ang pinto, hindi ako gentleman.

"halika, pasensya na. Maliit talaga ang space ko dito tapos marami pang tambay" sabi niya Habang ginagala ko ang paningin sa mabahong eskenita. maraming mga basura at kung ano ano pa, marami ding tambay na naghihithit ng sigarilyo. Napailing ako, paano niya nakakayanan to?

Hindi siya safe dito. Sobrang delikado paano pag na harass ulit siya? Baka makapatay na ako.

Patuloy pa rin siya sa pagsasalita pero hindi na ako nakinig. Nang huminto siya sa tapat ng isang pinto na may nakasulat na 'fuck come in' napakunot ang noo ko, watdapak men! Ang harsh ng sumulat nito.

Binuksan niya ang pintuan "you really live here?" tanong ko.

Tumango siya "no choice, at bukas maghahanap ako ng bakanteng trabaho kina Cander, kaibigan ko" napataas ang kilay ko.

"pack your things" utos ko

"H-ha?" utal niyang tanong, Napangisi naman ako.

"di ka nakakaintindi?--"

"syempre alam ko!" sigaw niya

Pinasadahan ko naman ng daliri ko ang buhok ko "then, pack your things. sa bahay ka muna mag stay at may trabaho akong ibibigay sa'yo, delikado dito baka mapano ka pa" napakurap kurap siya.

"y-you mean, sa iyo ako t-titira? B-bakit?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Nag isip isip naman ako bago siya sinagot.

"hmm, let say na mabait ako sa'yo" nakangisi kong tugon. madali naman siyang kausap kaya napapayag ko kaagad. hindi siya safe dito, sa mga tao palang hindi na mapagkakatiwalaan, people are dangerous. Tulad ko.

NEOMI'S POV

kaagad akong nag impake. jusko, bahala na basta makatira ako sa ligtas na Lugar. ayoko na dito, mabuti nalang talaga at nakilala ko si Elizard.

Dinala ko na lahat ng gamit ko at tiningnan ang kabuuan ng tinitirhan ko. makalat, magulo, mabaho ang labas, nagkalat ang mga sulat sa dingding.

Lumabas na ako kung saan naghihintay si Elizard, kinuha niya ang dala kong malaking bag. 'yong bag na hinampas ko sa sasakyan niya. nahiya naman ako, dapat kasi maging mabait na ako.

"let's go" sabi niya, naalala ko naman na hindi ko pa nababayaran ng buo ang stay ko dito, pinigilan ko siya. Nakakunot naman ang noo niyang tumingin sa akin.

"wait lang, ahm a-ano K-kasi..."hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang dumating si Aling Jessa, ang may ari ng inuupahan kong bahay.

Salubong ang kilay nito. kaagad naman akong nagtago sa likod ni Elizard, wala akong pera!! Nakapamaywang si Aling Jessa at tinuro turo ako. "hoy!ikaw'ng babae ka! May balak ka bang Magbayad?! Ano?! Lalayasan mo lang ako ng walang bayad-----"

"shut the fuck up!" biglang sigaw ni Elizard dahilan para matigilan ang lahat pati na rin ang mga tambay.

Napatigil si Aling Jessa at nag-aalburoto. kumuha si Elizard ng pera sa wallet niya, bullshit nakakahiya na talaga. Kumuha siya ng 30,000?!

Pinigilan ko siya "E-Elizard, 2,000 lang ang kulang ko" sabi ko sa kanya

Pero hindi siya nagpapigil at tinapon ang pera sa mukha ni Aling jessa.jusko! Walang modo! Nagkalat ang pera sa daan. si Aling Jessa naman ay sobra ang ngiti dahil ang dami ng pera.hindi na niya inaalala na walang modo si Elizard, hinila na ako ni Elizard.

Ganito na ba ang mga tao ngayon? Porket pera na ang usapan nagiging tuta?

"salamat dito sa maagang pamasko!" sigaw ni Aling Jessa, napapikit nalang ako sa inis.

"bakit mo 'yun ginawa?! No'ng nakaraan ako! Tapos ngayon si Aling Jessa?!" Inis kong sigaw sa kanya, wala siyang karapatan na tapunan nalang ng yaman niya ang mga mahihirap! Kahit masama ang ugali ni Aling Jessa, mabait pa rin siya dahil pinatuloy ako.

Huminto na kami sa sasakyan niya. binuksan niya ang likod ng sasakyan at pinasok doon ang gamit ko Pagkatapos ay sumakay na siya, Tsk! Ang gentleman! Padabog kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at sumalampak sa loob.

Pinag krus ko ang braso ko at hindi na nagsalita, tinuon ko nalang ang paningin ko sa labas dahil wala rin akong balak magsalita, hindi tama ang ginawa niya.

"I'm sorry" wika niya. napairap naman ako

Wala talaga silang alam sa salitang manner.

"mag drive ka nalang" sabi ko at hindi pa rin siya nililingon. Narinig ko naman ang buntong hininga niya bago pinaandar ang sasakyan. tahimik lang kami sa buong biyahe. Ayokong tanggapin na ganun ganun nalang ang ginawa niya.

Huminto naman ang sasakyan niya sa isang malaking mansyon. matayog ang mga pader at sobrang maaliwalas ang buong paligid. lumabas na siya, tsk, hindi man lang ako kausapin, umikot siya at kinuha ang mga bagahe ko. Pagkatapos ay lumabas naman ako.

May tinawag siyang lalaki na nasa 40's na at inutusan niya itong dalhin ang gamit ko sa loob, tumango naman ang lalaki at binalik na ni Elizard ang tingin sa akin

Tinaasan ko siya ng kilay.

"let's go inside, but before that I'm really sorry" wika niya, tumango nalang ako, ayokong pahabain pa ang away na 'to.

"it's okay mag-usap nalang tayo tungkol diyan sa susunod, bahay mo 'to?" tanong ko at tinuro ang malaking bahay, tumango naman siya at ngumisi, nakakakilabot talaga ang ngisi niya.

"halika na, papakilala kita sa mga kaibigan ko mamaya, pupunta 'yon mamaya dito" sabi niya, hmm siguro yun yung sila Eljake?

Nakita ko na kasi sila sa social media, masyadong matunog ang mga pangalan nila at ang barkada nila. sobrang fomous nila ang pangalan ng page nila is EBoys, kasi puro E.

Bumukas ang malaking Gate, at pumasok si Elizard, ang daming guards at sobrang ganda ng paligid. para akong nasa isang palasyo., grabe ang yaman niya.

May mga maids naman na sobrang dami, hindi na rin boring 'tong bahay niya, yumuko at binati kami ng mga maids, ngumiti din ako sa kanila

"hi ma'am! Welcome po!" isang babaeng mas bata pa sa akin ang binati ako, isa din siyang katulong,

"hello! Thank you" bati ko pabalik sa kanya, bahagya namang lumaki ang singkit niyang mata.

"Narinig niyo 'yun? Binati niya ako pabalik!" masayang sigaw niya

Umiling naman ang mga kasama niya na nakangiti sa akin, isa isa nila akong binati

Nakalimutan ko Naman na sumunod kay Elizard, nagpaalam na ako sa mga maids, at hinanap ko si Elizard.

Iginiya naman ako ng isang bantay sa ikalawang palapag ng bahay at iniwan na niya ako sa tapat ng isang kwarto na may naka sulat sa pinto na 'fuck off bitch' napaataras naman ako.

Kinatok ko ang pintuan "Elizard? Elizard?" tawag ko sa pangalan niya

"anong ginagawa mo diyan?" nagulat naman akong biglang sumulpot si Elizard at sinusuri ako, napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat sa ginawa niya. ngumisi siya at tinuro ang katabi niyang kwarto, napadako naman ang tingin ko doon

"your room" sabi niya Habang nakaturo sa kwartong kalapit sa kanya.

Useless Fire[completed] (seductive Men Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon