Play it hard. Paikutin mo. 'wag kang susuko hangga't di bumibigay.'wag kang papa head over heel. Dapat maraming babae. Paglaruan. Tuksuin. Seduce. Focus sa isa at Paglaruan.paiyakin.pahabulin.
'Yan ang nakatatak na sa aming magbabarkada, role na namin 'yan, ang magpaikot ng babae at Paglaruan.
"Shot! Shot! Shot!" sigaw ng mga kaibigan ko Habang nilalaguk ko ang alak sa isang malaking baso, shit nahihilo na ako.
"pag ako talaga 'di nakauwi, lagot kayong lahat sa akin!" Inis kong sigaw.
Tumawa naman sila kaya napailing ako, nasa bar kami ngayon at nagsasaya, maraming babae, maraming saya., anim kaming magkakaibigan
I'm Elizard Guerero. kaibigan ko sina Elijah, Eljake, Eziekiel, Emman, at Ejay. Kilala na kaming mga matinik sa babae, mahilig kaming mangloko, pero mas kilala kami bilang 'THE SEDUCTIVE BOYS' marami na kasi ang naloloko sa mga katulad namin, well, gwapo naman talaga kami, at walang pangit kaya madali kaming nakakaakit sa simpleng porma lang namin, naglalaway na ang mga babae.
Pare-pareho na kaming nag ma-manage ng businesses. pareho din kaming lahat na modelo, sa isang sikat na modeling company, masarap talaga mabuhay pag maraming pera, babae at alak.
"uwi na tayo!bullshit!masakit na ang ulo ko!" sigaw ko, napatawa naman sila at saka isa isang tumayo at inalalayan ako.
"'di ako lumpo ah!" sigaw ko
"weee? Sige nga! Lakad!" utos sa akin ni Elijah, nag lakad naman ako at muntik nang masubsub.
"ano? Kaya? Tangina! Huwag ka na kasing OA!" sigaw sa akin ni Ejay at inalalayan nila ako.
"sige na lumayas na kayo!" sigaw ko sa kanila, at pumasok na ako sa kotse ko, nagsialisan naman sila.
"kaya mo pang mag drive?" tanong sa akin ni Eziekiel, tumango naman ako
"kaya ko pa naman, at dahan dahan lang talaga ako magda-drive, sige na umuwi ka na!"
Sumaludo naman siya at umalis, inistart ko naman ang kotse at dahan dahang nagmaneho. Habang nasa biyahe ay bigla akong may nakitang babae na nasa gilid ng kalsada at pinara ako. T-teka? Sino 'to?
Hininto ko ang sasakyan at nakita ko ang isang Magandang babae. binaba ko ang bintana ng kotse "anong kailangan mo, Miss?" tanong ko ng nakangisi, umirap siya, aba! Wala pang gumanyan sa akin!
"Mister, pwede bang pa sakay?hanggang sa kanto lang please, please, please" pagmamakaawa niya
Nawala naman ang ngisi sa mukha ko "hell no! Ano ako? Driver?no Miss, maglakad ka nalang"
"ang sama mo!!!" sigaw niya at hinampas niya ng malaking bag niya ang kotse ko, oh damn! Mahal ko tong sasakyan na 'to!
Inis ko siyang tiningnan "bayaran mo 'to! Pag nagkagasgas patay ka sakin!" sigaw ko sa kanya, umirap siya
Sarap talagang batukan ng babaeng 'to! Naku kung hindi lang siya maganda, kanina ko pa siya pinapulis, pinasadahan ko siya ng tingin at nag smirk. maputi, pandak, masungit, parang may malaking utang at parang nag layas.
"ano?! Hindi ka ba nakokonsensya na Iwan ako dito?!" tanong niya sa akin na parang di makapaniwala, suminghap ako
"alam mo miss, lasing ako, kaya maglakad ka nalang baka mamaya isalpok ko 'tong kotse ko sa isang malaking puno, o malaking truck, sige na! Alis!" pagtataboy ko sa kanya, kumuha naman ako ng pera sa wallet ko
"ayan pamasahe mo!" sabi ko at tinapon ang pera sa mukha niya, nagulat naman siya
"bwisit ka! Useless!" aba?! Ako pa ang useless?! Pinaharurot ko nalang ang sasakyan, pakshet Hilong hilo ako.
"mabangga ka sana!!!!" rinig kong sigaw niya.
Umirap nalang ako at hindi na siya pinansin nakita ko naman na sumakay siya sa isang taxi, Tsk, wala lang palang pamasahe.
BINABASA MO ANG
Useless Fire[completed] (seductive Men Series #1)
RomanceUseless Fire, Elizard Danvell Guerero is part of the seductive boys, he will do everything, lahat lahat para sa babaeng gusto niyang paikutin sa kanyang mga palad. He will do everything para kay Neomi Agezer. kahit na useless ang ginagawa niya, He...