NEOMI'S POV
"talaga?! Anong feeling? Masarap? Ano? Magaling ba? Goshhhhhh! Sana Alll!" sigaw ni Josel, napapikit naman ako sa lakas ng tili nila. niyuyugyog pa ako nila Cander para sabihin ko daw lahat ng pangyayari, kinwento ko kasi sa kanila mabuti ng may mapag chismisan ako.
Nandito kami ngayon sa coffee shop, kaagad kasi akong umalis sa opisina ni Elizard, nakakabagut doon.
"ano ngang feeling?!" Inis kong tiningnan si Cander
"wala nga! Sabi nga niya it's nothing diba!" sagot ko at Kumain ng Cake, napatawa naman sila
"awts so sad naman girl!" sabi ni Via, umirap nalang ako
"so? Saan ka nakatira ngayon?pwede na ba kaming dumalaw?" tanong ni Via, napalunok naman ako, wait? Sasabihin ko bang kina Elizard?
"kina Elizard talaga ako nakatira" pag-amin ko, sabay naman na lumaki ang mga mata nila at tumili
"o! M! G!!!!!!!!" sigaw nila at napatayo, umirap nalang ako at pinipigilang ngumiti, pinagtitinginan naman sila ng mga tao, kaya bumalik sila sa pag upo.
"bakit hindi mo sinabi? Ano? Ha! Sex slave ka ba niya?!" nagulat naman ako sa tanong ni Josel
Sex slave?! No touch nga kami e!
"Josel, wag kang exag! Nirerespeto naman niya ako at wala talagang nangyaring something na weird, just kiss lang" pagpapaliwanag ko, nakahinga naman sila ng maluwag.
Ngumiwi naman si Cander "weee? Maniwala kami?? Tumira ka nga sa bahay niya diba? Bwahahahah"
Umirap ako at nilantakan ang cake
"whatever you say girls, basta walang nangyaring something' sa amin! We're ahm friends with ahm? Benefits? Kasi kiniss niya ako!" di makapaniwalang sigaw ko.
Tumawa naman ang tatlo, humigop muna ng kape si Josel at si Cander at Via naman ay nag s-slice ng cake
"you know girl, ang mga lalaki ganyan talaga! Pag nadala ng init ng katawan ay tayo ang parausan Pagkatapos, boom! Wala na, finish! Nawalang parang bula!" sabi ni Via with matching hand gesture pa.
"by the way, alam na ba ng mudrakels mo kung nasaan ka ngayon?" tanong ni Cander
Umiling ako as much as possible, ayokong malaman nilang nag e-exist pa ako, okay lang naman sa kanila na wala ako e, it's better this way, gusto kong magtagumpay at maging successful in my own feet.
"ayokong sabihin sa kanila and ayoko ng malaman pa nila na buhay ako, I'm stuck between two families Girls, sa pamilya ni pudra at mudra" napasimangot naman sila
"your number is not reachable anymore, I tried to call you" wika ni Cander
Nakalimutan ko, sinira ko na ang simcard ko.
"sinira ko na ang simcard ko, bigyan ko nalang kayo ng new number ko, but please pag humingi ng number si Kuya Jason or anything na relatives ko, wag na wag niyong Ibibigay, ayoko na munang mag paramdam sa kanila" sabi ko, si Kuya Jason ang pinakaclose kong kapatid, kapatid ko siya kay Pudra, mas Matanda pa siya sa akin ng one year kaya gusto niyang kuya pa rin ang tawag ko sa kanya
Bale I'm in between, isa akong pagkakamali si Mudra ay may asawa na pero matagal ng patay, si Tito Ben, may dalawang anak si Mudra kay tito si Sheila at Vlad, si Pudra naman ay may asawa na din at hindi pa patay, si tita Eunice, may isa lang silang anak at yun ay si Kuya Jason.
Masama ang ugali ng anak ni Mudra kaya di ko makaya, pero mas Masama ugali ko dun, di ko lang pinapatulan kasi lagot ako kay mudra.
"ahm, okay, nga pala kumusta naman ang trato sa'yo ni Elizard? Ginawa ka bang maid?" tanong ni Via, Umiling ako
"no, para nga akong prinsesang nakakulong doon e" Inis kong sambit, nakita ko naman ang nanunuksong tingin nila
"aweiiii! Sana all! When kaya!" tili ni Josel. Napailing nalang ako
"ano bang klaseng tao si Elizard ha?!" tanong nila, napangiti naman ako
"maalaga, seryoso, madalas akong pikonin at higit sa lahat matulungin" may pagka manyak lang
"yeeii! Sana all! Kailan kaya ako makakakita ng isang Elizard Danvell Guerero!" Danvell? May Danvell pala ang name ni Elizard? Hmmm
"girl, anong oras na?" tanong ni Josel, kinabahan naman ako ng pag tingin sa labas ng coffee shop ay makulimlim na, nako! Patay!
Napatayo kaagad ako at chineck ang phone ko, halos lumuwa ang mata ko ng makita ang flood messages ni Elizard. Lagot ako! Huhuhu
Elizard:
It's 4 pm, papunta na si Mang AntonElizard:
Asan ka na?! It's 4:12!Elizard:
Tumawag si Mang Anton,hindi ka niya nahagilapElizard:
Pick up the phone.Elizard:
Where are you?!Elizard:
I'm pissed.At madami pa! Jusko! Sumasakit ang ulo ko sa tadtad na messages! Kaagad akong nagpaalam kina Cander.
"kitakits nalang tayo next time girls! Okay? Gotta go, baka bugahan ako ng apoy ni Elizard, byeee!" paalam ko, natawa naman sila at tumayo bago nakipag beso sa akin
"goodluck! Loveyah!" sabi ni Josel
"loveyah too" sagot ko
"bye! See yah next time, basta chat ka lang, e chat mo sa gc natin ang phone number mo okay?" sabi ni Via, tumango naman ako
"sure, I will"
"take care girl, we love you! Muah!" sigaw ni Cander at niyakap ako, isa isa na nila akong niyakap, bago ako tumakbo paalis doon
Hinanap ko ang sasakyan ni Elizard, pero wala akong makita, Maya-Maya pa ay nakita ko na ang nakatayong lalaki at nakasandal sa mamahalin niyang sasakyan, maitim ang aura, mukhang galit, pinapaikot ikot niya sa kamay ang susi ng sasakyan, at nakapamulsa ang isang kamay
Kaagad naman akong napalunok sa kaba at dahan dahang lumapit sa kanya, jusko! Mas takot pa ako sa kanya kesa kay mudra.
"5:53 pm. ang usapan ay hanggang four" sabi niya, nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at lumapit sa kanya
Nag salubong ang kilay niya at padabog na binuksan ang pintuan, sumenyas siya na pumasok ako, bago ako makapasok ay nakita ko pa sila Cander na natatawa sa akin at kumakaway, napairap nalang ako.
Para akong bata na pinapagalitan ng magulang dahil ang tagal umuwi.
Padabog pa rin siyang pumasok sa drivers seat,inis niya akong tinapunan ng tingin
"seat belt" utos niya, taranta naman akong nagsuot ng seat belt. Naghuhumirantado pa rin ang puso ko sa kaba
"tapos ka ng Kumain?" tanong niya, umiling lang ako at nanatiling tahimik
"may pagkain diyan sa likuran mo, just check it, at Kumain ka, dahan-dahan lang akong magmamaneho" kalmado niyang sabi pero nandoon pa rin ang inis, kaagad naman akong tumingin sa likurang upuan at kinuha ang pagkain na nakabalot sa paper bag.
Kaagad ko namang binuksan yun, may kanin, adobong manok na halos laman lang walang buto, may apple juice din at isang slice ng chocolate cake, may tubig din.
Kumalam naman ang sikmura ko, at binuksan ang mga iyon na nakabalot sa plastik.
"Kumain ka muna, mamaya nalang tayo aalis" pagbabago ng isip niya, napatango lang ako at tahimik pa rin. Nakakahiya talaga sa kanya.
Hindi ko pa rin maiwasang hindi maalala ang halik niya. Naalala ko, plain kiss lang iyon. Walang pagmamahal, lust lang lahat. Masakit kasi umaasa na naman ako. Hays kalimutan mo nalang kasi Neomi.
![](https://img.wattpad.com/cover/261247984-288-k280528.jpg)
BINABASA MO ANG
Useless Fire[completed] (seductive Men Series #1)
Storie d'amoreUseless Fire, Elizard Danvell Guerero is part of the seductive boys, he will do everything, lahat lahat para sa babaeng gusto niyang paikutin sa kanyang mga palad. He will do everything para kay Neomi Agezer. kahit na useless ang ginagawa niya, He...