Kabanata 17

81 2 0
                                    

NEOMI'S POV

"oh? Anyare sayo? Ano? Ha? Hindi ka pa nakakamove on? Move on na te!" sigaw sa akin ni Cander Habang ako naman ay humahagulhol sa iyak.

Punyetang Elizard na 'yan! Walang awa! Iniwan lang naman ako! Two weeks na siyang wala! As in two weeks! Tapos hindi pa siya nagpaalam sa akin kung saang lupalop siya pupunta! Nakakainis.

"eto oh, tissue" abot sa akin ni Via ng tissue

"baka may business lang" sabi ni josel, mas lalo naman akong umiyak.

"anong business Josel!, pati nga sila Elijah hindi alam na umalis siya!" Inis kong sigaw.

Kahapon ay pumunta ako kina Eljake kaso hindi din daw nila alam kung saan siya pumunta. Nakakainis kasi pinagbilin niya Talaga kila Mang Anton na bantayan ako.

"mahal mo ba siya?" tanong ni Cander, natigil ako sa tanong niya.

"mahal? Hindi. Siguro crush lang" sagot ko

"crush? Are you sure?" panigurado ni Via.

Sa lahat ng ipinakita niyang mabuti sa akin. Siguro nga mahal ko na siya. Pero alam kong kabutihang loob lang lahat ng ginawa niya sa akin. Masakit pero 'yon talaga ang totoo.

"crush nga lang" sagot ko. Matamlay akong napayuko.

"sige lang girl, mag emote ka lang diyan, makakalimutan mo din yun" pagkukumbinse nila sa akin, tumango nalang ako at pinunasan ang luha ko.

Alam kong babalik ka din.

Dumaan ang ilang araw ganun pa rin walang Elizard na umuwi sa bahay niya. naisipan ko na tuloy na humanap nalang ako ng ibang matutuluyan pero hindi ako pinapayagan nila Mang Anton kelangan daw na Nandito ako palagi.

Nitong mga nakaraang linggo din ay panay ang tulog at suka ko, may hinala na akong buntis ako. Syempre kinabahan ako ng bongga kasi sure naman na itatanggi ni Elizard na sa kanya ang batang 'to, e takot yun sa commitment at isa pa wala kaming label.

Inis akong bumangon sa pagkakahiga dahil naduduwal na naman ako, tumakbo ako sa banyo at doon sumuka ng sumuka, bigla namang bumukas ang pinto at tumambad si Ate Catherine. Nagulat siya ng makita akong nasa may banyo at sumusuka sa inidoro.

"jusko Neomi! Buntis ka ba?!" sigaw niyang tanong, napasuka muna ako bago pinunasan ang bibig at saka siya tiningnan, pagod ang katawan ko

"don't know Ate" matamlay kong sagot at bumalik sa kama, nag-aalalang lumapit siya sa akin, at umupo sa kama ko

"buntis ka siguro, wait tatawagan ko si Sir Ejay para tumawag siya ng Doctor na kukunsulta sa'yo" sabi niya, walang gana akong tumango, tumayo siya at lumabas ng kwarto.

Naiiyak naman ako, what if buntis nga ako? Pananagutan kaya ni Elizard? Siguro pananagutan niya pero paano nalang ako?

Pinunasan ko kaagad ang luha ko ng bumalik si Ate Catherine, ngumiti siya ng pilit sa akin, alam kong may alam siya kung nasaan si Elizard.

"paparating na dito ang Doctor Neomi, wag kang mag alala, Nandito lang kami nila Manang Joy para sa iyo. Nandiyan din sila Sunshine" pagpapatatag niya sa loob ko. pinigilan kong umiyak, ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ko? Na disgrasyada ako? Na malandi?

Hindi pa nga ako nakakatapos ng kolehiyo! Bobo talaga! Ang bobo ko talaga!

"ssshh, wag ka ng umiyak, Nandito lang ako, kami, magiging maayos ang lahat" tumango nalang ako at humikbi, umupo ako sa kama at tulalang tumitig sa pader ng kwarto.

"nasaan ba kasi si Elizard?" biglang tanong ko, nakita ko ang pagka gulat sa mukha ni Ate Catherine ng lingonin ko siya, alam kong may alam siya.

"e-ewan ko din Neomi"

"please Ate, sabihin mo na sa akin, hindi naman ako magagalit e, sabihin mo lang, kasi sobrang hindi ko na alam kong anong nangyayari. g-gusto ko lang maintindihan ang lahat, lahat, please" pagmamakaawa ko sa kanya.

Lahat ng ito alam kong may dahilan. bakit umalis si Elizard ng hindi nagpapaalam? Bakit hindi ko na siya makontak? Bakit parang lahat ng tao sa pamamahay nato ay tikom ang bibig? Bakit ayaw nilang malaman ko? May tinatago ba si Elizard?!

"okay, pero wag kang magagalit, please TANDAAN mo na Nandito lang kami, palagi" tumango ako, I know na marami pa ring nga taong handang gabayan ako, pero bakit parang sobrang sakit ng sasabihin niya?

Kinabahan ako at nag salita na siya.

"okay, Neomi ano kasi, Si Sir Elizard ay mayroong Fiancee sa Canada, t-tapos totoo ang relationship status nila. ang hindi lang nakakaalam nito ay ang mga kaibigan niya, minsan na niya kasing dinala dito si Ma'am Lalaine, sobrang sweet nga nila e, pero hindi ako sure kung totoo bang mahal siya ni Sir Elizard, basta ang alam namin totoo ang nararamdaman ni Ma'am lalaine kay sir, umalis si Sir d-dahil nabalitaan niyang b-buntis si Lalaine, 6 months nang buntis, Neomi,at ngayon alam ko na galit ka at nasasaktan kasi nabuntis ka din niya hindi ba? Kaya ang mapapayo ko sayo ay magpatuloy ka sa buhay, Nandito lang kami at palagi kang gagabayan" para akong nabingi sa mga nalaman ko, gusto kong Magwala! Ginawa niya lang akong pampalipas oras! Bakit niya pa ako binuntis?

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor. "goodmorning doc, eto po si Neomi" pag bati ni Ate, tumango si Doc

Matamlay pa rin akong humarap sa Doctor hanggang sa matapos na siya sa pagchecheck sa akin, wala akong maramdaman.,sobra akong nasaktan, parang sinaksak ang puso ko. Ang sakit, sobrang sakit.

"ano po ang result doc?" mahinahong tanong ni Ate.

"congrats you are two weeks pregnant, take care of your health, always drink water and eat healthy foods" payo ng doctor. Hindi ko alam kung anong mararamdaman pero tumango lang ako.

"don't pressure yourself at dapat hindi ka mastress, kalimutan at layuan mo ang mga bagay na maaaring mag dulot sa iyo ng pagka stress okay?" tumango na naman ako

Hindi na ako nagulat nang I announce ng doctor na buntis ako, I knew it. Masama ang loob ko sa lalaking Elizard na 'yun, pero hinding hindi ko sasaktan ang anak ko. palalakihin ko siya ng tama at  hindi niya dapat malaman na may anak siya sa akin dahil hinding hindi ko siya pagbibigyan. Tama na ang lahat ng sakit

"thank you doc" pagpapasalamat ni Ate Catherine ng matapos ang lahat, tahimik pa rin ako at walang kibo, gusto kong lumayo muna sa lahat, saan kaya ako pwede?

Hinatid na ni Ate ang doctor sa labas, Pagkatapos ay binalikan niya ako at ngumiti

"I want to leave here" wala sa sariling sabi ko, nagulat naman si Ate.

"pero Neomi, buntis ka, mas mabuting dito ka muna para maalagaan ka namin" umiling ako, no, hindi ko kailangan ng ibang tao, I can handle myself. siguro uuwi ako sa Davao para doon manganak, mas mabuti na doon dahil walang nakakakilala sa akin at may sarili din akong bahay doon na niregalo ni Cander sa akin noong birthday ko.

Taga Davao kasi ang lolo niya kaya ayun.

"aalis ako Ate, thank you nalang pero kaya ko po ang sarili ko at pag bumalik si Elizard sabihin niyong matagal na akong patay" galit kong sabi at niligpit ang mga gamit ko.

Bahala na basta kaya ko 'to. Ako pa ba?

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman. Sa maikli naming pagsasama, alam kong may rason bakit nangyari lahat ng ito. Alam kong tadhana ko ito. At tatanggapin ko anumang maging resulta nitong lahat.

Useless Fire[completed] (seductive Men Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon