NEOMI'S POV
Nagising ako na puro puti ang nakikita. nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid na ito.
Nasa ospital ako? Teka? Paanong? Naalala ko naman ang nangyari kagabi at nag simula na namang tumulo ang luha ko, mabuti nalang talaga dumating si Elizard, He's my angel! Salamat talaga. Kung hindi dahil sa kanya baka patay na ako ngayon.
May lumapit naman na nurse sa akin, babae, ngumiti siya sa akin at cheneck ako.
"kumusta ng pakiramdam mo Ma'am Guerero?" Guerero? Me?
Kumunot ang noo ko at sumagot "Mabuti na ako, B-bakit Guerero?" curios kong tanong napangiti naman siya at namula, anyare?
"sabi po kasi ni Sir Elizard, na asikasuhin kayo ng mabuti dahil asawa niya daw kayo" seryoso? Napakurap kurap ako, a-asawa? A-ako? Kelan?
"ahh hehe" tanging usal ko
"asan siya?"tanong ko. bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaki. si Elizard, nahiya ako at kinagat ang pag ibabang labi. kahit babaero siya, matulungin naman.
Umalis kaagad ang nurse na namumula ang pisngi, Tsk Iba talaga ang tama niya sa mga babae. Pati ang nurse kinikilig
Nakapamulsa siya at seryoso habang palapit sa akin. pinasadahan niya ako ng tingin at naka tiim bagang. mahaba ang kulay blonde niyang buhok, sobrang gwapo naman.
"ginalaw ka ba ng gagong 'yon? Ano nagtagumpay ba siya sa balak niya? Na rape ka niya talaga? Saan ka niya hinawakan? Hinalikan ka ba? Saan banda?" Napakurap kurap ako sa tanong niya at nawala ang trauma ko, uminit kaagad ang pisngi ko. Ewww
Umiling ako "hinalikan lang ako" sabi ko at pinipigilang maiyak. nag tiim bagang siya at kinuyom ang kamao bago lumapit sa akin.
"saan?" tanong niya sa isang seryosong tono. tinuro ko naman ang leeg ko at bandang dibdib, pati ang collarbone ko.
"bullshit!" sigaw niya at ginulo ang buhok.
Suminghap siya at inis akong tinapunan ng tingin bago padabog na umalis. Anong meron?
Naalala ko naman si mudrakels ko, mama ko. palagi nalang 'yung galit sa akin kaya ngayon mas galit siya kasi nga may bagsak ako! Nakakainis minsan kasi palagi nalang pagkukumpara ang naririnig ko sa kanya. kumpara dito, kumpara doon. Minsan naiisip ko kung anak niya ba talaga ako? Kasi ang unfair niya masyado.
Nag ring naman ang cellphone ko, si mudra.
"H-hello?mudra?" sagot ko, kinakabahan ako baka kung ano na namang salita ang lumabas sa bibig niya. simple lang kasi ang pamumuhay namin, medyo may kaya din kasi si papa kaso si pudra nasa ibang pamilya na. e? Ano pa ba? Sumakabilang bahay! Doon sa impakta niyang kabit.
"nasaan ka? Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo!binalita sa TV!" sigaw niya, hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o galit?
Pinipigilan kong maiyak.
"n-nasa ospital p-po" magalang kong sagot sa tanong niya. nagtaka naman ako bakit nabalita? Wala namang nakakaalam ah? Bukod sa akin, sa demonyong rapist na 'yun at kay Elizard.
"naku! Naku! Ayan ang napapala mo sa kakalasing! Gawain ba ng matinong babae 'yan?! Huh?! Mabuti nalang at natulungan ka ng Elizard Guerero na 'yun! Kung hindi saan ka pupulutin ngayon?! Ha?! Bobo ka kasi!" Inis niyang sigaw, kahit sa cellphone lang nakikita ko pa rin ang galit niyang mukha.
BINABASA MO ANG
Useless Fire[completed] (seductive Men Series #1)
RomansaUseless Fire, Elizard Danvell Guerero is part of the seductive boys, he will do everything, lahat lahat para sa babaeng gusto niyang paikutin sa kanyang mga palad. He will do everything para kay Neomi Agezer. kahit na useless ang ginagawa niya, He...