Kabanata 3

95 3 0
                                    


ELIZARD'S POV

"saan na ang pasyente sa room 24?"tanong ko sa nurse na ngayon ay pulang pula. nakayuko siya at nakangiti.

"a-ahm umalis na po kanina, na discharge na po sir" sabi niya. inis ko namang ginulo ang aking mahabang buhok at binalik ang tingin sa hallway ng ospital.

Hindi man lang niya ako hinintay? e sino ba kasi ako para hintayin niya?! Bullshit! Ako ang nagligtas sa kanya bakit siya umalis?!

Tumungo kaagad ako sa parking lot ng hospital at inis na pumasok sa loob ng sasakyan pero may biglang kumatok sa bintana ng sasakyan ko. galit ko namang binaba ang bintana.

"anong kailangan---" bigla namang naputol ang sasabihin ko nang makita ko si Neomi na nakangiti at kumaway sa akin. para namang Hinaplos ang puso ko sa ginawa niya. How can she do that? That gesture. She's so cute.

Tumaas ang kilay ko. shit! Ang lakas ng tibok ng puso ko. What is happening?

"pwedeng pumasok?" nakangiting tanong niya. napalunok ako at binuksan ang pinto bago inalis ang tingin sa kanya, Narinig ko naman ang pagsara ng pinto, shit! Hindi ako sanay na mabait siya sa akin at nakangiti.

"ahm t-thank you nga pala k-kagabi, a-ano nalaman ko na pinakulong mo pala yung rapist, thank you ulit" sinsero niyang pasasalamat. bumaling naman ako sa kanya Habang naka hawak ang isang kamay ko sa manibela ng sasakyan.

"you're welcome. Kahit naman sino gagawin ang ginawa ko. Nobody wants to see a girl being harrased." sagot ko, nailang naman siya.

"s-sige! Thank you u-ulit! Nga pala may ibibigay ako. pa thank you lang, ahmm hindi to expensive na regalo ha, hindi naman tayo magkasing yaman" sabi niya at may kinuha sa bulsa niya. napakunot ang kilay ko ng makita ang regalong tinutukoy niya,

"e-eto nga pala ang regalo ko, k-keychain, pinaukit ko talaga ang pangalan mo diyan, Elizard."sabi niya na hatalang kabado kung magugustuhan ko ba o hindi, magsasalita na sana ako ng magsalita pa siya.


" a-ahm o-okay lang k-kung ayaw mo. actually this is nothing compare sa mga mamahaling nireregalo s-sayo. t-thank you talaga, o-okay lang kahit di mo magustuhan basta tanggapin mo lang, P-pwede d-ding i-itapon M-mo" napakunot naman ako sa sinabi niya at bahagyang umigting ang aking panga.

Inayos ko ang buhok ko at kinuha sa kamay niya ang keychain nagulat siya sa ginawa ko akala niya siguro hindi ko tatanggapin. ang cute, para siyang kahoy tapos may naka ukit na Elizard at sa baba ng nakaukit kong pangalan ay isang initial 'N.A'?

"anong ibig sabihin ng N.A?"tanong ko, napayuko naman siya

"it's my initial N for Neomi and A for Agezer"

Napangiti naman ako. sa buong buhay ko ngayon lang siguro ako naka tanggap ng regalo na naging masaya ako.

"thank you dito, ang ganda" sambit ko sa kanya, tumango naman siya. Kita sa mukha niya ang kinang ng makita niyang nagustuhan ko. Hindi naman pala talaga siya palaging maldita.

"So? Saan ka nakatira?" tanong ko, nag iwas naman siya ng tingin.

Tumikhim siya bago nag salita "pinalayas ako"

"Pinalayas? Bakit?" Bakit naman siya papalayasin? Siguro may nagawa tung mali

Yumuko siya at kinagat ang pang ibabang labi. napadako naman ang tingin ko sa labi niya at naakit,matagal kong tinitigan ang labi niya saka lumunok ng malalim. Diyos ko po mahabaging langit ayoko pong matukso ng ganito.

Useless Fire[completed] (seductive Men Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon