NEOMI'S POV"congrats!!!" sigaw ng lahat, napatawa naman kami ni Elizard at nagyakapan, today is the day na kinasal kami.
Sobrang daming tao ang dumalo, Nandito din sila Mudra, at pudra pati mga kapatid ko.hindi pa ako nanganganak no, ahm I am 6 months pregnant.
"kyahhh! Congrats girl!" sigaw nila Via, niyakap nila ako isa-isa sabay sabing congrats,si Elizard naman ay busy sa mga kaibigan at mga kaibigan niya sa business world.
"Neomi! Congrats! Best wishes!" biglang sulpot ni Amariyah, hinalikan ko naman siya sa pisngi.
"thanks!nga pala? Kumusta kayo ni Elijah?" tanong ko, sumama naman ang mukha niya.
"ahm, ano may away kami kaya hindi kami okay" sabi niya, napatango naman ako
"wag mo lang sukuan!" sabi ko, tumango naman siya at niyakap ulit ako bago umalis.
Lumapit naman si Mudra at niyakap ako "congrats anak, alagaan mo 'yang anak mo ah" sabi ni mudra.
"thanks mudra, tsaka don't worry mudra aalagaan ko talaga 'tong magiging apo niyo" sabi ko, ngumiti siya, lumapit naman si Pudra at si tita.
"congrats anak, best wishes" sabi ni papa at niyakap ako.
"thanks pudra" sabi ko
"congrats iha" sabi ni tita sa akin
"thank you din tita!"
Busy ang lahat ang daming tao at lahat ay kumakain at nagtatawanan, nakaupo ako sa may mesa namin ni Elizard at pinagmamasdan ang mga tao, hinihimas ko naman ang tiyan ko, malaki na siya 3 months nalang at manganganak na ako
Bigla namang may yumakap sa likuran ko, si Elizard. Hinalikan niya ang leeg ko dahilan para tumili ako "ano ba!, ang manyak mo talaga!" Inis kong sigaw, tumawa naman siya
"hindi naman mahal ko" sabi niya at hinalik-halikan ang balikat ko.
"e kung sapakin kita?" tanong ko
"sapakin mo ko kung ganun ang pagmamahal"
"ang korny mo!"
"hindi naman ah!" angal niya, napatawa ako,lumapit naman si Kuya Jason sa amin, nakigpag shake hands si kuya kay Elizard at nagtawanan sila
"alagaan mo to ah! Kasi isip bata pa rin to" sabi ni Kuya, napanguso naman ako
"oo naman hahaha" sagot ni Elizard
"kuya! Thank you talaga!" sigaw ko at niyakap siya
"tingnan mo na? Isip bata talaga" tukso niya, I just want to hug him, pasalamat talaga ako kasi ang bait ng kuya ko, thankful ako kasi mayroon akong kuya na mapagmahal.
Nag congrats din sila Ate Catherine sa akin at humingi din siya ng tawad sa nagawa niya, naiintindihan ko naman kasi yun naman talaga ang akala ng lahat. dumating din syempre ang pamilya ni Elizard at binati kami thankful ako kasi tinanggap kaagad nila ako sa pamilya nila
Niyakap ako ng mahigpit ni kuya at pinaubaya kay Elizard. "I love you" sabi ko sa kanya at niyakap siya, napatawa siya at niyakap din ako
"I love you too" sagot niya
"congrats!!" biglang sulpot ng mga kaibigan niya na sina Elijah, napakamot naman ng batok si Elizard, hahalikan niya sana ako.
"wrong timing kayo!" sigaw niya sa kanila, tumawa naman ang mga ito at isa isang nakipagbeso sa akin.
"congrats"
"thanks" pasasalamat ko,.
"wag niyo ngang besohan ang asawa ko!layas! Distorbo!" singhal ni Elizard sa kanila.
"chill may honeymoon naman" sabi ni Emman, nag init naman ang pisngi ko jusko buntis ako.
"yung regalo ko isang set ng mga pambatang damit hahaha, damihan niyo ang paggawa! Hahaha" nakakalokang sabi ni Ejay, napailing si Elizard at sinapak si Ejay, napatawa nalang ako
"ako naman, mga condoms yun,para hindi dumami ang katulad ni Elizard" sabi naman ni Eljake, humalakhak sila
"ahem, for me it's a medicine, para sa pagiging high blood niya palagi" wika NI Ezekiel kaya mas lalo kaming nagtawanan, samantalang naka poker face lang si Elizard.
"ako, pagmamahal lang talaga" sabi ni Elijah kaya nagtawanan na naman kami
"sakin, isang mas malaking pagmamahal!" sabi NI Emman kaya tumawa na naman kami, except sa katabi ko.
"mga gunggung! Layas!" sigaw ni Elizard, umiiling iling silang umalis. Bago ako hinarap ni Elizard at kaagad hinalikan, Narinig ko naman ang flash ng mga camera. Shit!
I'm married!
BINABASA MO ANG
Useless Fire[completed] (seductive Men Series #1)
RomanceUseless Fire, Elizard Danvell Guerero is part of the seductive boys, he will do everything, lahat lahat para sa babaeng gusto niyang paikutin sa kanyang mga palad. He will do everything para kay Neomi Agezer. kahit na useless ang ginagawa niya, He...