Umiilaw sa gitna ng dilim ang mata niyang kulay pula ang isa habang ginto naman ang isa.
Nagmadali niyang tinahak ang masukal na kagubatan ng nararamdaman niyang may sumusunod sa kaniya. Alam niyang hindi ito si Marina dahil abala ang Fae sa pakikipaglaban para makuha ang Void Walker mula sa Dark Fae.
Hindi rin ito ang katulong ni Marina na si Lea o ang Blue Blood na Water Fae na si Mernia dahil masyadong mahihina ang mga babaeng iyon para masundan ang bakas niya.
Hindi rin ito si Riglon dahil namemorya na niya ang presensya ng bastardong Fae na yon.
Madilim ang buong kagubatan pero dahil sa nasusunog na kastilyo hindi kalayuan mula sa kinatatayuan niya, nagmistula itong isang malaking kandila sa gitna ng masalimuot na gubat.
His jaw clenched ng maalala niyang wala na ang mga ghoul niya, lahat namatay ng ganon kadali.
Hindi madaling patayin ang mga ghoul pero dahil sa lintek na apoy ng Dark Fae nila, naging abo ang karamihan sa ghoul niya.
Gamit ang isang kamay, he put pressure on his stomach's wound.
Hindi basta nasusugatan ang isang Berserker kaya nagulat siya ng malamang muntik ng mamatay ang kanang kamay niya sa pagkuha sa babaeng void walker.
Isang Fae na nagngangalang Captain Roll daw ang nakasugat dito. Gusto niyang matawa sa nalaman dahil alam niyang mahihina ang mga Fae at wala silang laban sa kagayang nilang Berseker. Pero ngayon, nakain ata niya lahat ng sinabi niya ng masugatan siya ng kawal ng Dark Fae.
Narinig niyang Han ang pangalan ng bastardo at dahil bata pa ito, he underestimated his skills leading him to this damned situation.
Hindi niya inakalang may tinatagong galing ang Fae na iyon. His movements were precise at mas hindi niya inakalang may lason ang dulo ng sandata nito.
He grunted ng umatake ulit ang sakit sa buong sistema niya.
Hindi basta-bastang nalalason ang mga Berserker kaya para makaramdam siya ng ganitong sakit alam niyang iisang lason lang ang maaaring ginamit sa kaniya, Sniev Detniat.
Kahit na puno na ng sakit ang sistema niya dahil sa lason, pinilit niyang makalakad palayo. Ginamit niya ang natitirang lakas para itago ang presensya at mga bakas niya para tuloyan ng hindi masundan.
Kailangan niyang makabalik sa DQ, para maihatid sa Anteanus ang balitang bumalik na sa Halifax ang Void Walker na hinanap nila labing limang taon na ang nakakalipas.
Nasa kanila na ang Night Howler na ninakaw ni Lim mula kay Alpha Night. Hindi madaling nakawan si Alpha Night lalo pa at isa ito sa mga pinakamalakas na taong lobong nakaharap nila. He was well known for being serious, strict and a skilled killer. Nakalaban na rin niya ito dati na muntik na rin niyang ikamatay.
Kaya ngayon na nandito na ang Void Walker, kailangan nilang madaliin ang lahat kung gusto nilang magtagumpay.
The plan must be executed.
Gamit ang katiting na lakas, pinilit niya ang sarili na tumawid sa dagat, palayo sa Bastione.
Mas lalong sumama ang pakiramdam niya ng maisip kung gaano ito pinagplanohan ng maayos ng mga Fae.
Alam ng buong Halifax na sa lahat ng nilalang, mga Dragon at Berserker ang may pinakamaliit na populasyon dahil pahirapan ang pagkakaroon ng bata sa kanila. Kaya Sniev Detniat ang ginamit nilang lason dahil ang nag-iisang lunas laban dito ay dugo ng pamilya niya.
Wala na siyang magulang at walang mga kapatid. Kaya malaki ang posibilidad na mamatay siya.
Napangiti siya ng may maalala. Nakalimutan niyang hindi nga pala siya nag-iisa.
Kung gusto niyang mabuhay, kailangan niyang makuha agad ang lunas bago umabot ang dalawang buwan.
Kailangan niyang mahanap ang anak niya bago pa tuloyang kainin ng lason ang katawan niya.
~~~~~
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)
FantasySuddenly sold to slavery in a foreign, magical place she never knew existed, can Rose go back home before the approaching war comes or would she die trying? ~ All Rose wanted was a normal and happy life. Bata pa lang, wala na siyang magulang ngunit...