Chapter 30

633 52 12
                                    

Hindi ko naintindihan ang mga sumunod na nangyari.

Nasa harapan ko pa noon si Mama tapos isang segundo lang ang lumipas, nasa ibang lugar na kami. Wala na sa bahay nina Captain Roll, wala na sa gubat na puno ng dugo at mga ghoul.

Pagod ang buong katawan ko pero hindi ako mapakali. Hawak pa rin ako ni Lea pero wala na akong lakas labanan siya.

Ngayon na natitigan ko ng mabuti si Mama, napansin kong marami siyang sugat at punit ang damit niya.

Gusto ko siyang hawakan, gusto kong makasiguro na totoo siya. Pero biglang dumilim hanggang sa hinila na naman nila ako sa ibang lugar.

Paulit-ulit kong naririnig ang tawag ni Lea sa kanya, hindi pa rin ito tuloyang pumasok sa isip ko.

Marina...

Pilit kong pinapagana ang isip ko, naghahanap ng sagot sa mga katanungang pumupuno sa utak ko. Pero biglang umalingawngaw ang matilis na tunog sa tenga ko hanggang sa balutin ako ng kakaibang lamig at tuloyan ng niyakap ng kadiliman.

Nang magising ako, hindi pa rin tumitigil ang sakit sa ulo ko pati na ang pagsakit ng tenga ko.

Paulit-ulit kong naririnig ang matilis na tunog hanggang sa wala na akong ibang maringi kung hindi iyon.

Sinubukan kong damhin ang tenga ko para sana malaman kung bakit ito masakit pero napagtanto kong hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Natataranta akong gumalaw pero nakaposas ang kamay ko ganon rin ang mga paa ko.

Nang makaadjust na ang mata ko sa dilim, isang kakaibang kwarto na puno ng mga antique na mga gamit ang bumungad sa paningin ko. Para itong dating kastilyo dahil sa malaking upuan sa unahan. May malaking chandelier sa itaas at may mga malalaking paintings na nakasabit sa dingding pero natatabunan ang karamihan ng mga ito ng puting tela. Puno rin ng alikabok ang buong lugar na para bang hindi ito nagamit sa mahabang panahon.

"You're awake."

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses pero natagalan pa ako bago ko siya nakita sa pinagtataguan niya.

She blended perfectly with the dark kaya hindi ko inakalang nasa malapit lang pala siya.

Hindi ko mapigilang maiyak ng makita ko ang mukha niya.

Mama.

Iba na ang suot niyang damit ngayon at wala na ang mga sugat niya. She look very beautiful at kahit anong gawin kong pagpikit at pag-iling hindi pa rin nagbabago ang mukha niya sa harapan ko.

Napuno ng sakit, pait, saya at pagkalito ang buong kong pagkatao. Lalo na ng pumasok ulit sa utak ko na nakatali ako.

Bakit ako nandito? Bakit ako nakatali? Bakit nasa harapan ko si Mama?

Bakit...

Bakit may kulang?

I should be happy. I should rejoice dahil nasa harapan ko na ang taong madalas kong ipagdasal na sana ay makita ko muli. At ngayong nasa harapan ko na siya, bakit hindi ako masaya? It felt wrong.

Anong gagawin natin sa kaniya Marina?

Yumanig sa pagkatao ko ang mga salita ni Lea habang inaalala ko ang lahat ng nangyari.

Marina.

Nag-unahan ang mga luha ko at parang sasabog ang puso ko sa sakit.

"Now, now dear."  She hushed me while walking lazy towards my direction.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon